2022 Pebrero 14
O aking tinatangi,
Binibini, naway pag buksan ako ng durungawan mo upang pakinggan ang wika ko. Bumati ako dahil adhika sana'y mapansin ng minsang isang estranghera, na pumukaw ng atensyon ko gamit ang titig mo.
Nawa'y batid mo na hindi ako bumati sa simula, para lang muling maging estranghero sa ating paksa. Hindi ako nag hanap ng bagwis para maipadala itong liham at mapunta lang sa wala.
Nawa'y batid mong hindi ako nag hintay ng tamang oras para lang gambalain ka, hindi ako nag bitiw ng pangako para lang masaktan kita. Ang tanging layunin at intensyon lang sana'y makasama at maka isang dibdib ka.
Kaya't ipag paumanhin mo itong munting regalo na handog ng isang maralita, na gaya ko na para lamang sa'yo aking sinta.
Nawa'y nauunawaan mo na kaya ako ganto dahil tingin ko palagi sa'yo ay isang diwata.Isang diwata o marahil isang bathala kaya dapat mag alay. Ikakatuwa nga ba ng bathala kung sayo ako magpupugay at sasamba, o baka balewalain ang panalanging mapa saakin ang dalagang matagal ko nang hinahanga.
Sinta, hindi ko lubos mawari ang angkin mong ganda ikaw na marahil ang kahulugan ko ng Paraluman sa tuwina.
Giliw, huwag sanang mangamba sa Umaga't-Gabi ikaw ang pantasya. Nahihibang na marahil sa madalas na pag ngiti sa tuwing maiisip ang wangis ng iyong mukha. Hindi ko talento ang salaysay at pag bigkas ng talata sa pag tula. Pero mukang ang puso na mismo ang nag mumungkahi kung paano marahil kita mapapasaya.
Muli hindi ako bumati para tuldukan ang aking nasimula, bagkus; magsisilbi itong kuwit upang ipag patuloy ang susunod nating kabanata. Kaya't ipag paumanhin mo ang nais nitong estranghero na bumabati upang iparamdam na ikaw lang ang sinisinta.
Patuloy na nag mamahal,
Estranghero
YOU ARE READING
2 A.M Thoughts
Poetry2 A.M Thoughts A poetry collections by Metoryo "2 A.M Thoughts" is a collections of poetries comes from the unspoken thoughts of a writer at the late hours of the night. These poetry deals with life, love and struggles . It is divided into four chap...