CHAPTER 1

3 0 0
                                    

OLIVE POV





"De Lucas, Angela."



"Present po." Itinaas ng class mate ko na si Angela ang isang kamay ng tinawag ng Professor namin ang apelyido niya.



Asual, nag che-check ito ng attendance. Lahat naman ng teacher ganito ang unang ginagawa bago magsimula ang klase.



"De Vera, Vinalyn Rose."



Napatingin ako sa katabi ko nang hindi padin ito umiimik ng tinawag ng professor namin ang apelyido niya. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko itong nakayukyok sa desk ng upuan niya. Mukhang puyat na naman ang babaeng ito.



"De Vera, Vinalyn Rose..."



Muling tawag ng Professor namin sa may inis na tono. Isa pa naman ito sa mga terror teacher namin.



Palihim kong dinunggol ang balikat nito ng dalawang beses, napalunok ako nang bumaling ang matalim na mata ni Mrs. Alvarez sa pwesto namin.



"Vina, gising." Mahinang usal ko, habang dinudunggol ang balikat niya.



"Ano ba..." ungot nito at nagkamot pa ng tuktok ng ilong.



Tumaas na ang isang kilay ni Mrs. Alvarez hudyat na naiinis na ito dahil sa natutulog na katabi ko.



"Ms. De Vera." Sambit muli nito at pinatigas ang boses, ramdam na talaga ang pagka terror niya ngayon.



"Vina, gising. Tawag ka ni ma'am." Ani ko sa nag aalalang tono. Yari na naman ang kaibigan ko nito. "Vina..." tawag ko muli at mas nilakasan ang pag dunggol sa balikat niya hanggang sa wakas ay dumilat na ang mga mata niya at inunat pa ang mga kamay, akala mo ay kaming dalawa lang dito sa room. Pinagtawanan tuloy siya ng mga ka-klase namin, si Mrs. Alvarez naman ay napailing nalang.



Namilog ang mga mata ni Vina ng tumingin sa kabuuan ng klase, mukhang natauhan narin sa wakas. I saw how her face turn red dahil sa kahihiyan. Tumingin siya sa harap kung nasaan ang teacher namin, napangiwi ito ng makita ang pag taas ng isang kilay ni Mrs. Alvarez.



"Good morning, Ms. De Vera." Sarkastikong sabi nito.



Napangiwi nalang din ako at napaside eye kay Vina.



"G-good morning, M-ma'am..." mahinang usal ni Vina.



"Sleeping at my class again?" Mataray na sambit ni Ma'am Alvarez.



"S-sorry ma'am, hindi na po mauulit. P-puyat lang po." Hinging paumanhin ni Vina at napayuko.



"Tss. Kaka cellphone mo 'yan." Inis na sabi ng Professor namin sa mahinang tono. Lumingon ako kay Vina, kinindatan lang ako nito, napangiti nalang ako.



Itinuloy ng professor namin ang pag check ng attedance hanggang sa matapat sa akin.



"Dimasalang, Ma. Olivia."



"Present, ma'am." Sambit ko at itinaas ang kanang kamay.



Nang matapos ay nagsimula na si Ma'am Alvarez mag discuss ng lesson namin. She is teaching as History of Architecture II. Second year na namin sa kursong ito, sa awa ng diyos ay nakakaya naman namin kahit na lagi kaming puyat sa kakagawa ng plates. Mahirap pero kailangan, dahil nakasalalay dito ang mga grades namin kaya dapat kayanin.



Pangarap ko talaga maging Architect someday, just like my late Father. Siya ang inspirasyon ko, sila ni Mama. Kahit na maaga nila akong iniwan, nakatatak parin sila sa puso't isip ko, alam ko namang ginagabayan parin nila ako at alam ko din na masaya sila sa mga achievements na nakukuha ko ngayon.



Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 11, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

TIED BY BLOOD (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon