Hindi ako magaling magsulat. Hindi ako magaling magpahatid ng mga totoong nilalaman ng utak ko. Madalas iba ang pagkakaintindi ng mga tao sa totoong nais kong iparating sa kanila.
Pero eto ang sasabihin ko, nagsulat ako upang ilabas ang mga katagang hindi ko masabi ng direkta sa taong gustong gusto kong kausapin. Dahil ayokong malaman kung paano sila tutugon dito. Minsan din kasi walang kapararakan kung magpapaliwanag ako. Mayroon na rin namang iisang bagay sa isip nila at hindi na yun mababago ng kahit ano pang sabihin ko. Nasa sarili na nilang pagpapasya kung paano ako huhusgahan batay sa pananaw nila sa aking pagkatao.
Minsan nakakadismaya. Dahil yung mga taong inaaasahan mong totoong makakaintindi, ay sya pang huhusga ng walang pag-aalinlangan sayo. Kung anong unang magrehistro sa utak nila, 'yun na. Wala nang pagdadalawang isip o pagkokonsidera sa iba pang posibilidad sa nais mo iparating.
Kaya ano pa nga bang magagawa ko? Hahayaan na lamang kayo sa kung paano nyo bibigyang-pakahulugan ang mga akda ko. Isang karangalan po sa akin kung magustuhan ng mga mambabasa ngunit di maiiwasan ang mga kritiko o mga simpleng panghuhusga lamang. Murahin at laitin nyo pa kung gugustuhin nyo. Basta tatandaan nyo na wala akong pakealam. Dahil nagsusulat ako para sa sarili ko, at hindi para punan ang ang mga gutom at saradong pag-iisip ninyo.
![](https://img.wattpad.com/cover/26484278-288-k821908.jpg)