Val POV
"Dito tayo" ani ni Troy. Nasa tapat kami ngayon ng Red na merong dragon na pintuan. Nasa likuran ito ng School, wala masyadong tao dito.
Pinagbuksan nya ako ng pintuan. tumambad sakin ang white colored walls nila na merong Red linings sa ceillings.Mayroon silang flat Screen Tv na batid ko ay sala nila. Gray Couch at round-shape Center table. Sa right side ng sala ay merong basketball game na parang sa Arcade-wait parang arcade talaga ang sa side na ito dahil may iba't ibang claw machine at mini snack-bar. Sa Left naman ay yung kitchen at dining area nila, simple lang naman, color white.
"Hii bro!"
"Wassup bossing!"
"Hey!"
"May pagkain kaba jan boss?"
Pagkapasok namin binati agad nila si Troy. Di pa nila ako napansin dahil na sa likuran ako ni Troy, matangkad kasi sya kaya di nila ako makita. I think eto ang mga ka gang mates nya.
"Hey guys we have a guest" masayang sabi ni Troy sakanila.
"Sino?" Sabay nilang tanong
"Charann!!" Tumabi si Troy sa gilid kaya nakita na nila ako.
Lahat sila nakatingin sa akin. Nasa 5 sila di pa kasali si Troy kaya anim lahat sila. Pero yung lima nakatingin—nakatitig sa akin without saying a word. Tumikhim ako na nakabalik sila sakanilang ulirat.
"Woahh"
"Bossing san mo na bingwit toh?"
"Ganda"
"Wahhh prettyyy"
Sabay sabay nilang sabi at tanong maliban nalang dun sa isa nakaka upo at may hawak na libro at may glasses.
"You want to introduce yourself?" baling sakin ni Troy na nakangiti kaya ningitian ko sya pabalik at tumango.
"Heyy I'm Vallie. Miranda"pagpapakilala ko
"Hiii My name is Rio Dex Rivera!" the Boy na may hawak na chippy
"Miles Clarkson here" the Boy na may hawak na remote
"Jude Luke Flores at your Service Miss" sabay bow. Playboy 1, la lang feel ko lang.
"Nolan Foster madam" sabay kuha ng kamay ko at hinalikan ang likod ng palad ko. Playboy 2 feel ko lang din.
Hindi nagsalita ang lalaking may hawak na libro, naka titig lang sya sakin. Ang mga titig nya ay nakaka ilang pero di ako nagpahalata. Binalingan namin sya ng tingin as in lahat kmi.
"Theo Yair Martinez" nagsalita rin sa wakas
"What brought you here Miss beautiful?" Tanong ni Jude
Hindi ko alam ang isasagot, napansin ata ni Troy kaya sya ang sumagot
"Nakita ko sya sa garden mag-isa kaya inaya ko sya dito mag lunch"
"Ganun ba ate yiii dito kayo upo" Inaya ako ni Rio umupo sa dining area nila. Siya ata ang youngest dito base sa itsura niya.
Sumunod na din ang iba .
" Transferee kaba dito. Ngayon lang kasi namin ka kita ng sing-kaganda mo" sabi ni Nolan may halong pangbobola
"Yeah, first day ko ngayun saya nga ih" (mark the sarcasm)
"Let's eat" Aya ni Miles
"Uhm wait" napatingin sila sakin na nagtataka "Aren't we going to pray first?"
"Ahh sige lets pray. You can lead it val" ani ni Troy. Tumango ako
- -Pagkatapos namin magdasal kumain na kami at nagkwekwentuhan. Masaya sila kasama kahit magka iba ang personalities nilang anim ay makikita mo talaga na close sila. Madaldal sila at hindi kami na ubusan ng topic pwera nalang kay theo na tahimik lang pero nahuhuli ko sya minsan na naka tingin sa akin kaya agad syang umiwas. Nalaman din nila na taga Section Black ako. Okay lang naman sakanila daw kasi ang problema nila ay problema na daw nila yun hindi na ako kasali. At sabi din nila is kaibigan na daw nila ko yehey!!!
Mabuti pa sila mabait hayst ewan ko nalang sa iba dyan
"Thank you guys for eating lunch with me!" Masaya kong pasasalamat sa kanila
"Ofcourse were already friends ate!!!" Masaya den na tugon sakin ni Rio. Napansin ko din na may "ate" bawat makipag usap si Rio sakin. Sabi nila 16 lang daw eto at only Child sya, gustong gusto nya magka ate kaya "ate" daw nya ako
"Hatid ko nalang si Val" ani ni Troy
"Bye guysss see you next time ulit!" Kaway ko sakanila
"Byeee!" Tugon nila pabalik
- -
"Dito nalang ako Val" nandito na kami sa tapat ng Building ng Section Black.
"Oh sige. Thank you ulit ha!" Kumaway kami sa isa't isa. Sinundan ko sya ng tingin hanggang sa di ko na makita.
Umakyat na ako sa classroom namin. Hindi ako nag mamadali kase meron pamang 10mins before mag start. Napansin kong tahimik ang classroom namin kaya batid kong may binabalak sila.
Hmmm sakyan ko nalang kaya trip nila
Tama! Sakyan ko nalang trip. Wawa naman sila pagbigyan na natin
Binuksan ko na ang pinto at bumungad sa akin ang madilim na mukha nila. Parang may ginawa akong kasalan sa kanila. Ay Wait Hehe oo nga pala meron tsk tsk
Hindi ko nalang sila pinansin at dumiretso sa aking upuan. Hinihintay ko ang kagaguhan na gawin nila pero sinundan lang nila akong tingin na parang sinusuri ako.
"What are you doing with the leader of Red Gang?" Malalim at nagbabanta na boses na galing sa likuran ko.
At ang nasa likuran ko naman ay si...
Steel Boy
"Nag lunch" simpleng sagot ko
"Where?" Ba't ba ina alam nya? tsk
"Sa base nila dito sa School"
Nagulat ako ng ibinato nya ang plastic bottle
"WHY DID YOU GO WITH HIM? DO YOU KNOW HE IS OUR RIVAL?" Sigaw nya at nananaliksik nyang mata ay tumama sa akin. Pero di ako nagpasindak. Tinignan ko sya ng bored look.
"Oo"
"Why did you still go?!"
"E alangan naman tumunganga ako dito mag isa sa room?! Sigurado naman akong kakain kayong lahat magkasama not bothering to ask me to eat with you! Kaya sakanila nalang ako kumain tutal mababait naman sila di katulad n'yo" diininan ko talaga and last 3 words. Di na ako nakapagtimpi ih sigawan ba naman ako ang lapit lapit lang naman ng distance namin. Ano ako bingi ha? Bingi?!
Natahimik sila sa aking mga sinabi. Kaya umupo nalang ako, wala naman akong mapapala sila. But one things for sure, I WILL NOT LEAVE THIS SECTION. Kahit ilang beses nila akong eh prank o kaya isumpa, hinding hindi ako aalis!
BINABASA MO ANG
Heiress in Disguise
Teen FictionValda Hailee Hawkins a hard headed and easy going girl, the only daughter of a dangerous family and a MAFIA HEIRESS. But one day she needed to keep a low profile for her safety because of the family she belongs to and the responsibility that awaits...