Chapter 31: Need Help

74 5 1
                                    

Val POV

"Ate"

"Oh?"

"Sungit mo naman ate. Nanghahamon kaba ng away?"

"Hindi. Ano ba yun?"

"Please master ka muna"

"Ayaw ko, sabihin mo nalang"

"Please master nga ate!"

"Ayaw ko nga!"

"Hindi ko sasabihin kung ganon" Nakahalukipkip niyang ani. Iniinis talaga ako nang batang pandak!

"Ano kasi yun Archie?!" Inis kong ani. Ang kulit ng batang pandak na toh.

Sinama ko siya dahil kukuha kami ng inorder kong pagkain para sa aming lunch. Hindi ko sinama ang iba dahil may mga cast at pilay sila.

Si Archie wala siyang bali or pilay pero may mga pasa siya sa mukha dahil pinagsusuntok siya. Kaya siya nalang yung sinama ko.

"Hehe chill lang ate. Ito na nga, nagka or may boyfriend kana?" Napatigil ako sa paglalakad at hinarap siyang nakakunot ang noo.

"NBSB ako" sagot ko.

"Di nga?!" Di maka paniwalang ani niya. Totoo naman kasi. Wala pa ako naging bf dahil nga sa dating kong school ay kilala ako at kinatakutan.

Kung may tumangkang man mang ligaw ay hindi ako kilala pero nang sabihin ko sakanila kong sino ako or malaman nila sa iba, syempre like others matatakot rin sila at hindi na itutuloy ang panliligaw.

"Oo nga. Bakit sobrang ganda kona ba at hindi ka makapaniwalang wala akong bf or naging bf?" Ngisi kong ani.

"Luh ate ang hangin mo! Nagtatanong lang ihhh" pinisil ko ang pisngi niya at nag patuloy na kami sa paglalakad papuntang guard house dahil doon namin kukuhanin ang inorder ko.

Nang makuha namin ang orders ay nagtungo kami sa tambayan nila at doon kakain.

Pagkapasok namin ay na abutan namin silang nasa sala at may kanya kanyang ginagawa. Napunta samin ang tingin nila ng makapasok kami.

"Andito na ang pagkain!" Anunsyo ni Archie at tinaas ang dalawang kamay na mayhawak na plastic.

Lumiwanag naman ang mukha ng mga patay gutom. Nag uunahan sila Drew at Jaron papunta sa dining. Gusto rin sana tumakbo si Rylee pero may bali ang left leg niya kaya kailangan niya pang nang saklay para maka lakad. Hindi naman gano ka lala ang bali niya pero need niyang 2weeks para mag heal actually lahat sila need 2weeks ang iba 3weeks kagaya ni Steel Boy dahil mas madami at Malala ang natamo niya.

"Careful! Baka gusto niyong dagdagan bali niyo sa kamay!" Sigaw ko sa dalawa.

Nilapag muna namin ang pagkain. Si Archie ang nagready ng table habang alalayan ko ang iba papunta sa Dining. Inuna ko muna si Rylee na nakapasok na sa dining room. Kinuha ko saklay niya at at inalalayan kong umupo. Sinandal ko ang saklay sa pader sa likuran.

"Thank you ate!" Ngiting aniya. Sinuklian ko rin siya ng ngiti at ginulo ang buhok.

Pupuntahan ko ang iba na nasa sala parin. Nakasalubong ko si Kadyn, akmang alalayan ko siya dahil may bali ang right leg niya.

"I'm fine Val. I can handle myself. Mas kailangan ng tulong mo nang iba" nakangiting aniya. Tumango nalang ako at pumunta sa sala kong saan ang Silent 4.

Hindi pa sila gumalaw na ikinataka ko.

"Bakit nandiyan parin kayo? Hindi ba kayo kakain?"

Heiress in DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon