Chapter 2

8 1 0
                                    

Ako ang unang bumitaw sa titigan namin at bumuntong hinga ako,

"Kain na daw"

Mariin ko na wika, tumango lang siya sa akin at sumunod na sa dining area

Umupo ako sa upuan at umupo siya sa katapat ko na upuan, WTF? It's a ten sitter table, at sa tapat ko pa talaga? Umirap nalang ako at kumain na tulad niya.

Tanging paglapat lang ng mga tinidor at kutsara sa plato ang maririnig galing sa amin, well I don't want to talk to him.

And I guess he also don't want too.

Di rin ako sumusulyap sa kanya kasi I am blaming him why we ended up in this messed up situation.

Akala ko ganun nalang matatapos ang Brunch ko nang nagsalita siya. 

"How was your sleep?" Tanong niya sa baritonong boses at malamig ito. I don't feel any warmth nor care in his voice after all. "Fine" tipid na wika ko na di siya tinitignan, bigla siyang tumigil sa pagkain at tumayo patalikod sa akin "Where are you going?" Tanong ko na naka hangad eh may katangkaran kasi eh, bumaling siya sa akin na nakakunot ang noo pero agad ito nawala "why would you care?" Ang lamig ng boses niya not literally. Di nalang ako sumagot pa sa kanya sabay ng pagkawala niya sa dining area ay ang pag bitaw ko sa fork and spoon ko at napasandal sa upuan, hanggang kailan ko ba makakaya ang ganitong set up namin?

Bumuntong hinga ulit ako, pansin ko its been my habit since last night.

"This sucks" wika ko sabay bagsak ng table napkin sa mesa tsaka naglakad ako pabalik sa itaas pero bago ako maka akyat sa third floor ay napatingin ako sa kabouhan ng second floor, ang ganda, Modernize na lahat.

Wooden tiles, may parte na glass walls sa gilid ng mga pinto.

Kaya pumunta ako doon at binuksan ang isang pintuan the room was empty kaya agad ko itong sinara, binuksan ko ang isa pa and it was filled with different kinds of instruments, well I guess this is the music room, di ko na pinasok pa at pumunta sa isa pang door, Gym equipment ang andun, at sa isa pang room ay theater room, medyo malawak ito, its kinda good, sinara ko ito at nilapitan ang last door, pero lock, napasimangot ako at tinawag si manang.

"Maam wala po ang susi, di makita" usal ni manang diding,

"Ganun ba? O sige sa susunod nalang" wika ko at ngumiti sa kanya, "Pahinga nalang po ako manang" wika ko at umakyat na sa itaas.

Pinasadahan ko ng tingin ang 3rd floor, sobrang luwag nito, may 8 na kwarto, 5 meters apart sa kaharap nito na pinto, parang mansion ang bahay na ito eh, anlaki .

Pumunta ako sa terrace at humiga sa may duyan doon, Clear clouds plus fresh air, makaka wala ng stress.

-

"I'm sorry" bulong ni Blue after he kissed me on my lips.

Napa balikwas ako ng bangon, nakatulog pala ako, tumingin ako sa paligid, gabi na pala at madilim sa loob ng third floor, dim lang ang ilaw at nagtataka ako asan galing

"Andito ka lang pala" wika ni blue tsaka lumabas sa madilim na sulok.

"Why are you looking for me?" Tanong ko sa kanya at tumayo ako mula sa duyan.

"We need to talk" usal niya at lumakad palayo

"Oh akala ko mag uusap tayo as-"

"Follow me" mariin niyang wika kaya napabuntong hinga nalang ako at sumunod, such a bossy individual, may period ata to eh.

Ano ito?! Follow the leader?!

Usal ko sa isipan ko pero nakasunod parin ako sa likuran niya, good thing medyo may ilaw parin, teka, asan nga galing to?

"Ow" natisod ako sa isa sa mga sofa dito, pero walang kaabog-abog na gumalaw si blue tinignan niya lang ako kaya umirap na lang ako, just then, nakita ko ang mga bituin sa kalangitan ang ganda, siguro dito nga nag mumula ang liwanag "wow, " bulong ko, gawa sa glass ang roof, ang ganda

Napangiti ako sa tanawin nang tumikhim si blue kaya napasimangot ako.

"What is it?" Tanong ko sa kanya, tahimik lang siya at humungad sa kalangitan,

"I want an annulment"

Usal niya, ang tagal nag process sa utak ko ang sinabi niya then "What?!" I reacted.

My Deepest FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon