Chapter 4

4 0 0
                                    

Bahala Na

Liezel's P.O.V.

Isang araw na ang nakalipas nung ibinigay ni Nathan sa akin ang notebook ko. Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makaget-over.

Eh kasi naman, yun yung 'firsts' namin eh! Chos! Pero seriously, pagkatapos nang pangyayaring iyon ay may improvement! Aba'y akalain mo naman. Kinikibo na nya ako. Pinapansin na rin.

Pero madalas na sabihin sa akin ni konsensya na 'Hindi lang naman ikaw girl ang pinapansin nya. Sila rin kaya. Huwag umasa! Sobrang masakit yun!' Napapabuntong-hininga na lang ako.

Wednesday. Ibig sabihin ay merong acquaintance party bukas. Karaniwan kasi itong ginaganap every fourth day since nang nagsimula ang school days. Masaya naman kaso ayokong pumunta.

"What?! You are not pupunta? Why naman?! This is our huling year no! Why not enjoy it?!" Ekseheradang sabi ni Yanna. Nasabi ko na kasi sa kanyang hindi ako pupunta.

Nag-kibit balikat ako. "Ayoko lang. Alam mo naman na wala akong kahilig-hilig sa mga ganyan. Tsaka, wala akong dress na para dyan." Sabi ko.

Nanlaki naman ang mga mata niya. "Dress?! Seriously?! Yun lang?! That is the dahilan kung why you are not attending? Have you forgotten my mom's bussiness? Tara! We are pupunta there. I'll find you a dress." Sabi niya at tumayo. Hala! Oo nga no? May-ari ang mama ni Yanna nang isang botique. Aish, wala nang lusutan ito!

"P-pe-pero Yanna. Baka magalit si mama?" Dahilan ko. Tumaas naman ang kilay nya. Patanong kasi ang pagkasabi ko.

"Si tita? I am oh-so-sure she's going to make payag. Hay, bestie. I know you pretty well. You are just making palusot. Again." Sabi niya at hinila na ako patayo. Half-day rin kasi ngayon kasi kailangan daw nang mga student na mag-prepare para sa event bukas.

Sasama ba ako?

Hay. Hindi lang naman ang damit ang problema ko eh. Wala rin akong date. Oo! Date! Ang arte naman kasi! Para acquaintance party lang kailangan may date pa! Parang shunga, hindi makapaghintay nang prom?

Bumuntong hininga ako. Although naman na pwedeng magpunta mag-isa eh ayoko. Kasi balita ko pupunta raw si Nathan pero may date na. Haist.

Pero wala naman akong karapatan na mag-selos kasi ano ba naman ako sa kanya? Isa lang naman ako sa mga babaeng may gusto sa kanya. Tsaka, crush pa lang yan Liezel nageemo ka na! Eh pano pa kaya kung mahal na!

Kunot ang noo ni Yanna nang tumingin sa akin. "Hey, dont tell me. The dahilan why you are not going is because of him! Naman, best!" Sabi niya nang nakasimangot.

Ngumuso ako. Naiiyak na ako! Hays. Wala akong dress. Pero nakahanap naman nang paraan si Yanna. Wala akong date. Pero pwede namang pumunta mag-isa. May date na si crush. Eh for sure magagalit lang si Yanna sa akin at ma-tuturn off kay Nathan kapag nalaman nyang yun ang dahilan. Haist, what to do? Pero alam ko naman na kahit anong gawin ko ay pipilitin at pipilitin pa rin ako ni Yanna.

Hay nako, bahala na nga si Batman!

Tricks of FateDonde viven las historias. Descúbrelo ahora