Chapter 6

2 1 0
                                    

Magkayakapan

Liezel's P.O.V.

Kinabukasan, maaga akong nagising. Syempre, with the help of my ever reliant alarm clock. Takot ko lang na malate no!

Flashback:

Naku naman! Magiging partner ko pa tong si bakulaw! Aish! Sana maging masaya ang last acquaintance party ko.

Pasakay na ako sa kotse nila Yanna nang may biglang sumulpot sa likuran ko.

"Ay gwapong demonyo!" Tili ko. Grabe lang parang nagka-mini-heart attack lang ako. Lagot talaga sa'kin kung sino ang tao na to!

"Sino ka ba ha? Pasulpot-sulpot ka na lang na parang kabute!" Sabi ko at nilingon sya. Nagulat naman ako nang isang nakakatakot at galit na ubod nang gwapong nilalang ang nasa likod ko. Si Dylan.

"Ang ingay-ingay mo! Ano ba!" Sabi niya na halatang-halata na iritado na. What? Sya na nga ang may kasalanan. Sya pa ang galit.

"Hoy! For your information, ikaw tong nanggugulat dyan pero ikaw pa ang ga--" Hindi na nya ako pinatapos kasi tinakpan nya yung bibig ko nang kamay nya.

Inilapit nya ung mukha nya sa akin. "Will you let me speak?! Damn! Ang ingay-ingay mo talaga! No wonder why you and my sister are bestfriends. Tsk! I just want to tell you that I will not be nice to you. It doesn't mean that my mom and my sister likes you means I have to like you or be nice to you." Binitawan na nya ako. Hindi muna ako nagsalita. Nakakatakot ung tingin nya eh! Gangster kaya yan!

Bumuntong-hininga sya. "Mom told me that I have to fetch you tomorrow. Hindi ko alam kung san ka nakatira. So you better come here early because we need to go there together, or else I have to face the consequences."

Tumango ako. "Oo, alam ko. Sinabi na sa akin ni Yanna kanina. Dito na rin daw ako aayusan." Sabi ko. Wala kasi si Mama. May business trip sa Netherlands. So no choice ako.

Sya naman ang tumango. "Good. So don't be late. Alam kong lagi kang late at maninibago ka. But, you have to be punctual with me or else you'll never see tomorrow. Goodbye." Sabi niya at iginaya ako sa kotse at isinara ang pinto.

Ako naman? Eto, gulat na gulat. Para malalate lang di na agad masisikatan pa nang araw? O.A. Ah?

End of Flashback

Pero dahil takot akong i-risk ang life ko, sumunod ako. Aba, kung ikaw ba pinagbantaan ang buhay mo kung malalate ka? Anong gagawin mo? Syempre magpapakaaga at kung pwede ay ikaw pa ang magsilbing alarm clock nang taong nagbanta sa'yo ay gagawin mo.

Mabilis akong naligo at nagbihis. Hmmm. Tamang-tama naman dahil may halos kalahating oras pa ako bago pumunta sa bahay nila Dylan.

"Good morning everyone!" Hyper na pagkasabi ko. Halatang-halata naman na gulat si Ate Asha. Ang nagiisa kong kapatid. Sya lang ang nagmana sa kakikayan ni mommy. Magkaibang magkaiba kami pero close na close kami.

"O, Liezel. Ano namang ispirito ang sumapi sayo para magpakaaga? Alas diyes palang oh! Not the usual 1-o'clock-wake-up-routine. Aba't mamarkahan ko yan sa calendar!" Sabi ni Ate. Psh! If I know lagi rin naman syang late noon. Nagcucutting pa nga raw yan eh! Tsk tsk!

Si Ate Natasha Realle Delos Reyes o ngayon ay Natasha Realle Delos Reyes-Garcia ay ang Head Manager sa boutique ni Mommy sa Seoul. May asawa na sya, si Kuya Art. At may anak na rin, si Jewel. Mas matanda sa akin si ate nang 8 years.

Inirapan ko lang sya. "Ate, what are you doing here? Akala ko nasa Seoul ka? Atsaka, bakit hindi kasama si Jewel? Nako, ate ha! Bat hindi mo sinama ang pamangkin ko?"

Pinuntahan ako ni ate at anong gulat ko na lang nung hinila nya yung buhok ko. "Ano ba, Johanna Liezel Delos Reyes! Anak ko na lang lagi ang gusto mong makita! Pano naman ako?! Aba! Ako kaya ang nanay non! Ako ang kapatid mo!" Sabi ni ate sa tonong nagtatampo.

"Nasaan sila Kuya, ate? Magisa ka lang? Nakooo, ate ah! Wag mong sabihin na lumipad ka papunta dito nang ilang oras dahil nagselos ka nanaman!" Sabi ko sabay upo. Hindi kasi to ang unang beses na ganto. Una, kasi raw nagparty all night si kuya kasama ang mga empleyado nya tapos daw lasing na lasing. Ang katwiran ko naman. "Ano ba ate. Syempre iinom yun. Party nga eh! Alangan namang mag-kape yun tapos magbiscuit eh, hindi naman yun lamay!"

Kumain na ako. Baka kasi malate pa ko mamaya.

Ngumuso si Ate. Parang naiiyak. "Eh kasi naman si Arthur eh! Asar! Sabi kong wag na syang pumunta sa conference sa Thailand, ang kulit! Pupunta raw sya! Eh alam mo naman na dun nagtatakbo yung ex nya diba? Takot lang akong baka magbalik ang feelings nya." Sabi ni ate. And I swear, may nakita na akong luha.

"Hay ate. Easy lang! Eh, business trip yun eh. Para yun sa kumpanya nyo. Wag kang magalala. Atsaka kung may feelings pa yun sa ex nya edi sana hindi yun nagpakasal sayo at hindi ka binuntis. Hay, ate nakakaloka ka! Bye muna!" Sabi ko at tumayo na. 10 minutes na lang ang natitira kong time!

Naglakad na ako papunta sa Buenavista Residences. At hindi ko talaga inasahan ang bumungad sa akin. Omaygash! Si Dylan yun diba? Atsaka si Ms. Romualdez? Yung bagong teacher? Oh-em! Bakit magkasama sila sa kotse ni Dylan? And worst, magkayakapan?!

Tricks of FateOù les histoires vivent. Découvrez maintenant