Chapter 5

5 1 0
                                    

Instant Date

Liezel's P.O.V.

Hindi ko na alam kung anong nangyayari basta ang alam ko lang, wala na akong magagawa para humindi sa acquaintance party bukas.

Dinala ako ni Yanna sa boutique nang mama nya. Gravy lungs! Ang ganda-ganda nang mga damit! No wonder kung bakit ganon kaganda at kabongga ang mga damit ni Yanna. Pang-alis man o pang-ordinaryong araw.

"So, bestie. You make pili na lang nang color and I'll pili the design. Don't worry. I know you're a bit conservative so I will pili something that's hindi daring." Sabi ni Yanna.

Tumango na lang ako. "Gusto ko ung white lang or silver. Ayoko nang red or black. Parang pang-mature na kulay na yun eh." Sabi ko. Gusto ko lang kasi nang simpleng dress. Yung hindi sobra-sobrang mahal. May kaya man kami pero ayoko pa ring sobrang gumastos para lang sa ganitong bagay.

"Hmm kay. Sige. You make pili here. White and other light colors. You are bahala na lang ah?" Sabi ni Yanna at umalis saglit. Kukunin yata ung dress nyang susuotin para bukas.

Nagtingin-tingin ako para sa dress na color white at may isa namang pumukaw talaga nang paningin ko. Isang white sleeveless na cocktail dress. May collar ito at may mga Swarovski gems sa gilid nang collar nito. Mayroon din itong lace sa palda. Perfect ito para sa party bukas.

Agad agad ko itong kinuha at isusukat na sana nang may isang tao na bumangga sa akin. Dahilan para matumba ako pero dahil malaki sya, nasalo nya ako.

Pagangat ko nang tingin. Sobrang nagulat ako kasi galit ung mukha nya.

"Ano ba naman yan, miss. Please be careful next time." Sabi nya at naglakad na paalis.

Diba si Dylan yun? Yung kapatid ni Yanna? Hindi lang basta kapatid kundi kakambal. Pero di naman magkamukha at mas lalong di magkaugali.

Aish. Sa lahat ba naman nang taong pwede kong makasalubong ngayong araw yung bakulaw na yun pa. Eh ang laki laki nang galit at pagkainis nun sa akin eh! Hindi ko naman yun inaano.

Bago pa ako mainis nang tuluyan, nagpunta na ako sa dressing room. At laking pasasalamat ko na lang na kasya yung dress sa akin.

Paglabas ko naman. Saktong nakasalubong ko si Yanna.

"Hey best! Done ka nang mag choose nang dress?" Sabi ni Yanna habang dala dala ang isang kulay pink na dress.

Tumango ako. "Yep. Ano bayaran na natin?" Sabi ko. Binigyan nya naman ako nang isang smile.

"No way, best. Sabi ni Mom, we can make pili what we want. That's her libre na raw." Sabi niya.

"Okay." Sabi ko at dumiretso sa counter. Papapaperbag pa raw kasi namin sabi ni Yanna.

Napatingin naman ako sa relo ko. Oh no! 6:30 na!

"Yanna, uuwi na ako." Paalam ko kay Yanna. Gabi na kasi.

"Wait. I think it's kulang. Ohmy! Shoes!" Sabi ni Yanna at dali-dali akong hinila papasok ulit. Aish! Nga naman! Nakalimutan kong pumili nang sapatos.

Mabilis rin naman kaming nakakuha nang sapatos. Black pumps kay Yanna at isang cream na pumps sa akin.

Napatingin naman ako sa relo ko. Lagot! 7:00 na!

"Bestie, Mom said na you eat your dinner at home na lang. Late naman na kasi eh. Papahatid na lang kita sa driver namin." Sabi ni Yanna. Wala naman akong choice kundi sumama sa kanya. Tumango na lang ako.

Pagkalipas nang ilang minuto, nakarating na rin kami sa bahay nila Yanna.

Pagpunta namin sa dining table nila, naabutan namin si Tita Mirage, ang mama ni Yanna, at sa Dylan. Ang kakambal ni Yanna sobrang hate ako.

"Mom." Sabi ni Yanna at bumeso sa mommy nya. Bumeso rin ako.

Ngumiti sa akin si Tita. "Hi Liezel! Long time no see. How's your mom?" Tanong ni tita. Umupo naman kami ni Yanna sa dining table.

"Okay naman po si Mama, Tita. She's hoping to see you soon." Sabi ko.

"Oh, that's great! I hope she has time to show me her latest designs. You know what, your mom has the most indemand designs. I adore her!" Sabi ni tita. Amazement is written in her eyes.

Yep. Fashion designer si Mama. Pero hindi naman sya ganon kabonggang manamit. She wears ordinary clothes but she wears it extraordinarily. Hindi nga lang halata na anak ako nang designer. Hindi kasi ako mahilig manamit nang sobra sobra.

Pagkatapos kumain nang dinner kumain kami nang dessert. Binigyan kami ni tita nang mango shake atsaka tiramisu.

"So kids, may date na ba kayo para tomorrow night?" Tanong ni tita at tinignan kaming tatlo. Oo nga pala, kasabay namin si Dylan. I forgot.

Tumango si Yanna. "Yes Mom. Anton asked me. He's gwapo naman so walang problem." Sabi ni Yanna.

Tumingin naman sa akin si Tita. "How about you Liezel?" Tanong ni tita sa akin.

Umiling ako. "Wala po. I was planning not to attend but Yanna told me to do so." I shrugged. Sabi ko.

I heard Tita laughed. "So impulsive of you, anak!" Sabi niya kay Yanna.

Tumingin ulit sya sa akin. "Why not you go to the party together with Dyl? I heard he doesn't have a date." Sabi ni tita sa akin.

Napatingin naman ako kay tita with surprise shown in my face.

"What?/Po?" Sabay na pagkasabi namin ni Dylan.

"Yes. Para naman hindi kayo maging loner at third wheel sa friends nyo." Sabi ni tita sabay tawa. Nakupo!

Tumayo si Dylan. "Ma! I am not going to that party. How many times do I have to tell you? Hanggang kailan nyo ba ipipilit sa akin yang party na yan?" Sabi niya sabay walkout. Paakyat na sana sya nang nagsalita si Tita.

"Dylan, you come back here at once or I'll freeze all your credit cards, get all your gadgets, hold-on your cars, and you'll be living with nothing. You will be living like a rat." Sabi ni Tita at napahinto naman si Dylan sa pagakyat at napatingin nang marahas kay Tita.

Pumunta naman sya kay tita nang may mabigat na hakbang.

"Ma, bat naman kasi." Sabi niya nang hindi tumitingin kay tita.

"Anak, I just want you to socialize in the real world. Hindi lang sa underground world." Halatang nagulat si Dylan sa pagsabi ni Tita nang underground world. Yes, he's a gangster.

Natawa si Tita. "Please go to the party with Liezel. She's nice. And pretty." Sabi ni tita na para bang kumakausap nang bata.

Huminga nang malalim si Dylan at nagmura ang mahina. "Sige na nga. I'll go. But promise me this is the last time you are going to manipulate me." Sabi ni Dylan na may nanlilisik na mata.

Tumango naman si Tita at ngumiti. "I promise, Anak!" At itinaas ang right hand as a sign na nagpropromise sya.

Ohnoes! It looks like na hindi lang ako napa-instant 'oo' sa pagsama sa party na ito. Pero hindi pala! Ugh. May instant date pa ako. Mabuti na lang kung gwapo, oo nga't gwapo si Dylan pero, OMIGAD lang! Gwapong demonyo naman ang date ko!

Tricks of FateTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang