Chapter 2

6 0 0
                                    

You're cute.

Liezel's P.O.V

Totoo ba to? Katabi ko na ang dream boy ko simula Grade 3 na lagi naman akong sinusungitan?!

"Like Gah! Bestie, look who is your new seatmate! Oh, my! Finally makakatabi mo na si your crush after how many decades! How kakalungkot lang kasi it is the last taon na here sa school." Sabi ni Yanna.

Bumuntong-hininga sya at tsaka ngumiti. "I thought pa naman na the bintana and me will be your seatmate habangbuhay. Di naman pala. Thanks to God na lang kasi he made Nathan late. Hahaha." Bulong ni Yanna.

Hinarap ko naman sya. "Alam mo, ang daldal mo. Mamaya pag-pinadetention tayo dahil dyan sa kaingayan mo, ibubunyag ko na talaga kay Stephen na crush mo sya. Ay mali pala, na sya pala yung sinasabi mong manhid na gwapong mahal mo." Banta ko sa kanya. Mamaya kasi marinig pa ni Nathan ang pinagsasabi nitong ni Yanna.

Umikot naman ang mata nya. "Like OMG. Sa lahat nang threats mo this one is the most nakakatakot. Kay, fine. Tatahimik na si me." Mataray na sabi nya.

Nagsimula naman ang klase ni Ms. Roxas. As usual, pinagiinitan nya ako. Ewan ko ba kung bakit.

"Liez, cafeteria na tayo after this ah? Treat kita. I miss the cheesecake there e." Sabi ni Yanna na busying-busy sa pagaayos sa gamit nya. 2 hours kasi ang klase ni Ms. Roxas at 2 hours ding nananakit ang mga tenga namin dahil sa sigaw at palo nya sa table nya nang stick nya.

At dahil first day, half day. Yes! Ang favorite part ko nang first day.

"Oo. Sige. Libre mo ah?" At nagtawanan na kami doon.
Naputol lang ang tawanan namin nang nag-ring ang phone ni Yanna.

"Best, I'll take this muna ah? Kitakits na lang sa cafeteria, okay?" Sabi niya. Tumango na lang ako.

Nagpatuloy na lang ako sa pagaayos nang gamit ko. Natagalan nga lang dahil parang may nawawala akong notebook? Ugh! Gutom na ako! Pwede bang magpakita ka nang notebook ka?

"Ehem, miss." May kumalabit sakin. At dahil nakatalikod ako hindi ko makita ang mukha nya.

"Hmm?" Sabi ko habang nakatalikod.

"Sayo ba to? Nakita ko sa bag ko eh. Napasama ko yata?" Sabi nya. Teka, parang alam ko ang boses na yan ah?

Unti-unti akong humarap sa kanya at dahan-dahan rin namang lumaglag ang panga ko nang makita ko sa Nathan na hawak hawak ang notebook ko sa Biology. Ang notebook na nawawala ko.
Shet! Bat ba ang hot at gwapo mo kahit pare-parehas lang naman kayo nang mga boys dito nang uniform. Bat extra special sayo?

"Ah-eh. O-oo. A-a-akin nga." Sabi ko. Ugh. Kung kelan naman kinausap nya ko nabuhol pa yata ang dila ko. Mapaghahalataan ka nyan Liezel eh!

Tumikhim ako. "Oo. Akin nga yan. Salamat." At kinuha ko na sa kanya ang notebook. Di naman sinasadyang nahawakan ko ang kamay nya. At naramdaman ko naman ang paginit nang tenga ko at ang pagsabog nang pisngi ko sa pula at kilig.

Nagulat ako nang tumawa sya. "Hahahahaha. You're cute." Pinisil nya ang pisngi ko. Ngumiti sya sakin at nagpatuloy na sa pagalis. Pero nagulat ako sa pagbalik nya.

"You're welcome, Liezel Therese Delos Reyes." At kinindatan ako.

May maitutulong rin naman pala minsan ang kairesponsablehan no? Huh! Sabi na nga ba. May positive side rin ang ugali kong ito!

Pero, OH MY GOSH! Alam nya ang buong pangalan ko! Nginitian nya ako, binigay nya sakin yung notebook ko, nahawakan ko ang kamay nya, sinabihan nya akong cute, kinurot nya ang pisngi ko at for the first time narinig ko syang mag 'you're welcome'!

OMG! Sign na ba ito?

Tricks of FateTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang