THE MISCHIEVOUS PRINCESS
Chapter Three: Princess Zephaniah
Natapos ang pagdiriwang nang maayos, masaya naman sana kung hindi lang 'masama' ang tingin ng mga dumalo sa akin.
Ang laki ng galit nila sakin, hindi ko alam kung bakit at wala akong panahon na alamin pa!
Umaga na ngayon at kasalukuyan akong nagpapakain ng aking mahal na kabayo, si Lucky my white horse. May tig-isa isa kaming kabayo at iba pang mga sasakyan. Ngunit hindi ko naman nagagamit ang akin dahil hindi nga ako nakakalabas ng palasyo.
Kahit subukan ko sigurong tumakas dito ay hindi ako magtatagumpay dahil sa higpit ng pagbabantay dito sa palasyo.
"Hi Lucky, bukas ay nangako sakin si Xavier na dadalhin ka nya sa bayan. Hmm, pagbalik mo dito ay balitaan mo ako at kwentuhan tungkol sa makikita mo sa bayan ah?"
Madalas kong kausapin si Lucky kahit na hindi naman ito makakasagot sakin, feeling ko kasi ay naiintindihan nya ang bawat emosyon na nararamdaman ko. Sa tuwing malungkot kasi ako ay palagi nyang ikinikiskis ang ulo sakin na para bang sinasabi na palagi syang nariyan para sakin.
Pagtapos kong pakainin si Lucky ay umakyat na muli ako sa aking silid, wala sila Ama dahil may inasikaso sila sa bayan kasama si Xavier at ilan sa mga kawal, Si Ina naman ay kasama ni Queen Elyxia at may mahalaga silang pag-uusapan.
Nagtungo ako sa terrace at muling sinilip ang pwesto kung saan ko nakita yung tao kahapon,
"OMG! nandon ulit sya!" nakita ko syang nakatayo at tila nakatingin na naman sa akin, hindi ko masyadong makita kung sakin nga ba sya nakatingin,
Anong ginagawa nya? Pangalawang beses ko na syang nakita riyan, tila may hinahanap. Ano kaya ang kailangan nya dito sa palasyo?
Pinagmasdan ko sya, maya-maya ay tumingala lamang ako saglit sa mga ulap pagbalik ko ng tingin sa kanya ay wala na sya.
"Saan sumuot yun?"
"Mahal na Prinsesa, handa na po ang inyong tanghalian"
"Jeez! you scared me Lily, sige na susunod ako"
Muli akong sumulyap sa kakahuyan ngunit wala na talaga sya roon, bakit kaya ang bilis nyang nawala?
***
Lumipas ang ilan pang mga araw at palagi ko nang inaaninag ang kakahuyan, palagi ko ring nakikita ang lalaki. Natitiyak kong lalaki sya dahil sa kanyang tindig, pula ang buhok nya ngunit hindi ko maaninag ang mukha at pananamit nya. Ano kaya ang ginagawa nya sa kakahuyan at bakit palagi syang nakatanaw sa palasyo?
"What are you thinking little sister? " Xavier asked, narito kami sa library upang magbasa at mag-aral. Si Xavier ang nagtuturo sa akin ng mga bagay na dapat kong matutunan dahil ayaw pumayag ni Ama na pag-aralin ako sa labas ng palasyo.
"The solution to the problem that you gave me ofcourse"
Kumunot ang noo nya, pahiwatig na hindi sya naniniwala sakin,
"You can't lie to me Zeph" sabi nya sabay kurot sa pisngi ko kaya naman agad kong tinampal ang kamay nya,
"Psh, nagsasabi ako ng totoo Xavier"
"Fine, sige na tapusin mo na 'yan. May susunod ka pang sasagutan"
...Pagod, pagkarating ng hating gabi ay nahiga na ako sa silid upang magpahinga ngunit napalingon ako sa terrace. Tumayo ako at lumabas doon,
YOU ARE READING
The Mischievous Princess
SonstigesThis is a story of an unknown princess who has many questions about her identity, ngunit paano masasagot ang kanyang mga tanong kung buong buhay n'ya ay tila naging isang kulungan ang Palasyo? She believes that the town will complete her identity, s...