•VI•

6 2 0
                                    

THE MISCHIEVOUS PRINCESS

Chapter Six: Princess Zephaniah

This is it! wala na sila Ama at kasalukuyang ginugupit na ni Lily ang buhok ko, nasuot ko na rin ang contact lense at ang damit na hiniram ko sa kanya,

"Kahit anong ayos ay napakaganda mo pa rin talaga mahal na prinsesa"

pinagmasdan ko ang sarili sa salamin, itim na ang nga mata ko, maiksi ang buhok.

malayong malayo sa Princess Zephaniah na nakasanayan,

"Sya nga pala mahal na prinsesa, kanina ay humingi ako ng pabor kay Lady Mirna. Ayon kasi sa kanya ay may kanya kanyang I.D. ang mga taong bayan na syang palatandaan na isa kang mamamayan doon. Sakto naman na nagtatrabaho ang kanyang asawa sa gawaan ng mga I.D. kaya naman nagpagawa ako ng para sayo kaninang umaga, mabuti nga at mabilis ang gawaan nila roon. Iniba ko ang pangalan mo dito mahal na prinsesa. Xyrelle Hellington, ito ang magiging pangalan mo sa bayan, naka-rehistro na ito at wala nang magiging problema"

inabot nya sakin ang isang I.D. nakasaad doon ang bagong pangalan ko, ang pekeng pangalan ng mga magulang ko at ang birthday ko, hindi nya iniba ang birthday ko dahil wala namang nakakaalam na may pinanganak na prinsesa nung araw na yun,

"Ang inilagay kong pangalan ng mga magulang mo dito ay matagal nang patay, wala silang iba pang kamag-anak kaya naman hindi maku kwestiyon ang iyong pagkakakilanlan, napa-enroll ko na rin po kayo sa Sapphire University. Ito raw po ang pinaka-tanyag na unibersidad sa bayan, kung sakaling makakatakas ka man ngayon ay sa susunod na lunes magsisimula ang klase mo. May orientation na magaganap bago ka makapasok, para na rin malaman nila kung saang section ka ilalagay"

namangha naman ako sa kanyang sinabi,

"Lahat ng 'yan ay inayos mo lamang kaninang umaga?" namamangha pa ring tanong ko,

"Hindi po mahal na prinsesa, kagabi pa po nung oras na maghiwalay tayo ay kinausap ko po agad si Lady Mirna. Ngunit 'wag po kayong mag-alala dahil hindi nya alam kung para kanino at para saan ang pinagawa ko, hindi nya rin po nakita ang pangalan sa I.D kaya natitiyak ko pong ligtas ito"

Inilagay ko sa bag ang I.D. at mga papeles na magpapatunay na ako ay isang ordinaryong mamamayan lang din, ang pana ay isinakbit ko na sa akin. Naiready ko na rin ang bababaan ko sa bintana ng kwarto ko, nasecure na rin ni Lily na walang makakakita sa akin sa oras na lumapag ako sa garden,

"Maayos na po ang lahat mahal na prinsesa, mauuna na po ako at gagawin na ang huling plano natin. Mahal na prinsesa, mag-iingat ka. Kumain ka ng tama doon, mag-aral ka nang mabuti, 'wag ka masyadong magpapagod sa pagtatrabaho, 'wag kang—"

"Shh, Lily I got it. Don't worry, sige na. I will miss you"  I hugged her, pagtapos ay umalis na sya para gawin ang plano,

I waited five minutes, bago bumaba sa may bintana. Gumamit kami ng mga matitibay na tela at ipinagdugtong-dugtong ito para makababa ako. Nung oras na makalapag ako ay dahan-dahan akong naglakad, buti na lang ay may matataas na puno dito sa garden, ito ang ginawa kong taguan upang hindi makita ng mga kawal.

Nang makalapit sa may gate ay natanaw ko na si Lily na kinakausap ang mga kawal na nagbabantay sa napakalaking gate ng palasyo.

Buti na lang madilim na kaya hindi nila ako madaling makikita,

Saglit pang kinausap ni Lily ang mga kawal at maya maya lang ay nagulat ako nang buksan nila ang gate, kaya nagmadali akong tumakbo papalabas dito,

akmang lilingon ang mga kawal sa gawi ko pero pinigilan sila ni Lily,

"A-ahh pasensya na po mga kuya. A-ano kasi, akala ko nariyan na ang Hari. Mali siguro ako ng dinig sa inutos sakin ni Lady Mirna, p-pasensya na po" dinig kong wika ni Lily nang matiyak na nasa labas na ako,

Sinulyapan ko sya saglit at tumakbo na sa kagubatan,

maingat akong naglakad, hindi rin bumaba ang aking depensa sakaling may magtangka sa akin na mabangis na hayop o tao.

masyado nang madilim, tanging liwanag ng buwan na lamang ang nagsisilbing ilaw ko.

malayo pa ang bayan dahil nga nasa tuktok ng bundok ang palasyo, sobrang lalaki ng mga puno dito kaya hindi ko na alam kung saan ang daan, bahala na. Sinunod ko na lang ang instinct ko, walang anu't ano ay mararating ko rin ang bayan.

"Ahh!" napatili ako nang matisod ako sa mga nagkalat na sanga,

"Tsk, so clumsy Zeph" I whispered, tumayo ako at pinagpag ang mga dahon na dumikit sa damit ko, nagpatuloy ako sa paglalakad at kung minsan ay nagpapahinga sa ilalim ng puno at umiinom ng tubig,

Maya-maya ay napatayo ako dahil sa narinig na kaluskos,

nagtago ako sa likod ng malaking puno at sinilip ang pinagmulan ng tunog,

"Nasan na yun?"

"Dito ko lang nakita boss, nawala bigla"

"Tatanga-tanga ka kasi! hanapin mo! baka nagtatago lang sa tabi-tabi!"

"Hoy letse ka NV! makakaganti rin kami sayo! tandaan mo na kapag nahanap ka namin sa gabing ito ay hindi mo na masisilayan ang araw!"

nakita ko ang dalawang malalaking lalaki, naka brown at gray itong t-shirt at naka maong na pantalon, mga naka-cap ito na kulay puti,

hindi naman ako ang pakay nila, siguro naman hindi nila ako gagalawin sakaling magtanong ako sa kanila tungkol sa bayan, tatanungin ko lang naman ang daan,

aalis na sana ako sa pinagtataguan ko para kausapin ang mga lalaki kaya lang ay may humila sa akin at tinakpan ang bibig ko,

"Mmm!" pilit akong kumakawala sa kanya ngunit masyado syang malakas,

binitawan nya lamang ako nang makaalis na ang dalawang lalaki,

"Ano ba?! Sino ka?! P-parang awa mo na 'wag mo akong sasaktan" napaatras ako, but he just smirked at me!

"Seriously? natatakot ka sakin samantalang muntik mo nang ipahamak ang sarili mo dun sa mga lalaki kanina?" mahina ngunit madiin ang pagkakasabi nya,

Hindi ko masyadong maaninag ang itsura nya dahil madilim na nga, mas matangkad sya sakin. Pero batid ko na kasing edaran ko lamang sya,

"This is not the right time to drool over me, lady" sarkastikong wika nya kaya naman agad ko syang naitulak,

"Who are you? what do you want from me?" tanong ko sa kanya ngunit hindi nya ako sumagot at tumalikod lang sa akin at astang aalis na pero hindi pa man nakakalayo ay tumigil sya,

"Papunta ako sa bayan" yun lamang at nagpatuloy na sya sa paglalakad, agad naman akong sumunod sa kanya.

The Mischievous PrincessWhere stories live. Discover now