•XXI•

3 1 0
                                    

THE MISCHIEVOUS PRINCESS

Chapter Twenty One: Princess Zephaniah

Isang linggo na ang lumipas simula nung nag-overnight sa bahay sila Brielle. Sa loob ng isang linggo ay mas lalo pa akong naging malapit sa mga kaibigan ko, pero wala ring araw na hindi ko namimiss ang mga tao sa palasyo maliban sa aking Ama.

Parang ayaw ko nang umusad pa ang araw dahil sa susunod na linggo na ang Palace Day, It means that I need to head back to the Palace dahil required pala ang sumama. What if my Father recognize me? Makukulong na naman ako sa palasyo, ayaw ko nang mangyari 'yun, ngayon pa na napapamahal na ako sa bayan at sa mga tao dito. Pero kung gagalingan ko ang pagpapanggap, magkakaroon ako ng chance para makita muli sina Ina, Xavier at Lily. I am so excited to tell them about my experiences here in town, they will surely be delighted to know that I have made many friends. I also want my friends to meet Lily, sigurado na magkakasundo sila at magiging magkaibigan din.

"Guys guys! nabalitaan n'yo ba?" hinihingal na tanong sa amin ni Vien,

Nandito kami ngayon sa room at hinihintay si Mrs. C, kararating lang ni Vien at mukhang tumakbo ito papunta dito sa room,

"Ang alin?" Khylie asked,

"Bukas ng umaga, wala tayong klase pero required lahat na umattend sa gymnasium dahil darating sila Prince Alexavier at King Arthur. All of the students are required to attend because according to my reliable source ay mayroong importanteng announcement ang Hari"

P-pupunta dito sila Ama? Alam na ba n'ya na narito ako? Hindi, hindi pwedeng makita n'ya ako... P-pero kasama n'ya si Xavier, imposibleng sinabi sa kanya ni Xavier na dito ako nag-aaral,

"Xyrelle?"

"Hello? Xy, are you still here with us o physically present but mentally absent ka?"

"Xy, are you alright?"

"Hey woman what's wrong?"

Natigil ako sa pag-iisip dahil sa paulit-ulit na banggit nila sa pangalan ko, hindi ko namalayan na nabitiwan ko pala ang librong binabasa ko kanina,

"A-ahh yes I'm fine, sorry I just remembered something" pagpapalusot ko,

"Are you sure?" Nix asked,

"Yes"

"Ano pa Vien? Hindi mo ba nabalitaan kung anong iaannounce?" Kai asked, that's what I wanted to know as well,

"Ayun lang, hindi raw alam eh basta may iaannounce daw"

"How sure are you that your 'reliable' source is one hundred percent reliable?"

"One hundred and one percent Brielle, dahil kay Dean ko mismo nasagap ang balitang 'yun hehe"

magtatanong pa sana si Trevor pero biglang tumayo si Nix habang nakatingin sa cellphone n'ya,

"Speaking of Dean, She wants the student council to come to her office because she has something important to say"

Hindi na hinintay ni Nix na may sumagot sa kanya dahil nauna na s'yang lumabas na sinundan naman nila Brielle, Kai, at Seb na mga miyembro rin ng student's council.

"Sure ako na tungkol sa magaganap bukas ang pag-uusapan nila" Vien said nang makaalis sila Nix,

"Ano kayang announcement 'yun" Stefan asked habang nakatingin sa kisame at nakahawak pa sa baba na tila malalim na nag-iisip,

"I'm excited, sana good news 'yun"

Hindi ko na napakinggan ang iba pa nilang pinag-uusapan dahil kinakabahan ako para bukas. Anong mangyayari bukas? Huling araw ko na ba sa bayan ngayon?

The Mischievous PrincessWhere stories live. Discover now