•XI•

3 1 0
                                    

THE MISCHIEVOUS PRINCESS

Chapter Eleven:Princess Zephaniah

Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil maaga ang pasok namin, naibigay na sa akin kahapon ang uniform ko at mga libro, nakabili na rin ako ng mga gamit sa paaralan. Sabay-sabay kaming papasok nila Trev at Nix, ayaw pa nga ni Nix nung una pero pumayag na rin nung kinulit sya ni Trev.

Tiningnan kong mabuti ang aking sarili sa salamin. Suot ko na ang uniform ko, checkered skirt na kulay blue above the knee ang haba nito, white short-sleeve na polo na pinatungan ng dark blue blazer jacket at may ribbon din na checkered blue sa gitna, tapos black school shoes at medyas na white na mahaba. Hanggang ngayon ay naninibago pa rin ako sa maiksi kong buhok at itim na mata.

Yung school I.D. ay makukuha ko mamaya, kahapon sa orientation ay kinuhanan ako ng litrato na ilalagay sa I.D. ko. Mamaya ko rin malalaman ang section ko dahil may special exam na pinatake sa akin kahapon para raw malaman kung saang section ako ilalagay.

Nung marinig ko na ang busina ng sasakyan ni Trev sa labas ay kinuha ko na ang bag ko at lumabas na, nagulat pa nga ako dahil pagbukas ko ng pintuan ay nasa harap nito si Nix na nakataas ang kamay at tila naudlot ang plano nitong pagkatok sa aking pintuan,

"Let's go" wika nya at nauna na sakin lumabas ng gate, pagkalabas ko ay sumakay na rin ako sa sasakyan ni Trev,

"Hindi ko akalain na may igaganda ka pa pala Xy, our uniform looks really good on you" komento ni Trev, nahihiyang napangiti ako sa kanya at nagpasalamat. Pagtapos nun ay nagmaneho na sya papunta sa school.

"Sana maging kaklase ka namin, if that happens nako maniniwala na talaga ako sa destiny" pagbibiro ni Trev, natawa na lang ako sa kanya,

"I hope so, magiging masaya rin ako kapag nangyari 'yun. Teka, mabubuting tao rin ba katulad mo ang mga tao doon?" tanong ko sa kanya,

"Yes, they're all friendly. May ilan lang na kinulang sa aruga ng magulang pero hindi naman nangangagat. Basta kapag may nambully sayo dun akong bahala, kung hindi mo naitatanong ay sikat na sikat ako sa school. Ha! baka basketball MVP 'to!"

natawa naman ako sa kanya dahil sa pagmamalaki nya,

"Please Trev, stop bragging and just drive" pag-singit ni Nix sa usapan,

itinapat naman ni Trev ang kamay nya sa kanyang bibig at kunwari ay zinipper ito,

"Umagang-umaga ay mainit na naman ang iyong ulo Nix, samantalang napakaganda naman ng iyong alarm sa cellphone tuwing umaga. You know, I can still remember that song" umasta akong nag-isip at inalala ang kanta,

"You broke my will~~ but what a thrill
Goodness gracious, great balls of fire~~" kinanta ko ang tunog sa alarm nya at umaktong nagda-drum sa hangin, tandang-tanda ko kasi 'yun dahil tila hindi na ito nawala sa isip ko at palaging nagpe-play sa tainga ko,

"Stop it, damn!" naiinis na wika ni Nix at namumula ang mukha nya, si Trev naman ay tawa nang tawa kahit na masama na ang tingin ni Nix sa kanya,

"Really Nix? 'yun ang alarm mo? BWAHAHAHAHAHHA man, hindi mo naman sinabi na—"

"Shut the f*ck up Trev, just focus on driving" madiing wika ni Nix ngunit hindi ito nakatingin kay Trev kundi sa kalsada,

"Ulitin mo nga 'yung kanta Xy, BWAHAHAHA epic! you're really are an amusing woman" natatawang sabi ni Trev,

Akmang magda-drum ulit ako sa hangin at uulitin yung kanta nang biglang humarap sakin si Nix at sinamaan ako ng tingin,

"Don't even dare" he said, kaya hindi ko na tinuloy ang pagkanta.

Nakarating na kami sa school ngunit hindi pa rin matigil ang tawa ni Trev kaya nauna na sa paglalakad si Nix at iniwan kami.

"Pfft, ang hirap talagang biruin ng isang 'yun. Oo nga pala, sa Dean's Office ka pala 'no?"

Tumango ako, Sa Dean's office ko kukuhanin ang I.D. ko at doon ko rin malalaman ang section ko.

"Well then, sasamahan na kita. Tutal maaga pa naman" he said at itinuro sakin ang daan patungo sa Dean's Office at sabay kaming naglakad papunta doon,

Habang naglalakad ay pansin ko na napapatingin ang mga kababaihang estudyante samin. They are giving me death glares at hindi ko mawari kung bakit.

"Omg girl, is that Trev's new girlfriend?"

"I think so, huhu nakita ko syang bumaba sa kotse ni Trev"

"And guess what girls? nakita ko rin sila kahapon sa orientation na magkasama"

"At sino naman 'yang babae na 'yan?"

"I think she's a transfered student"

"She's pretty okay, but not as pretty as me ghash!"

malakas ang usapan nila kaya naman hindi ko mapigilan na makinig, nung mismong padaan na kami sa tapat nila ay nagulat ako nang bigla akong akbayan ni Trev,

"Don't mind them Xy, sila yung mga sinasabi ko sayo na kinulang sa aruga ng mga magulang" bulong nya sakin, nang lingunin ko ang mga babae ay mas lalo pang sumama ang mga tingin nito sa amin.

Hindi ko na lang sila pinansin dahil hindi ko talaga batid kung bakit sila nagkakaganon, hindi ko sila kilala at tiyak kong wala akong nagawang masama sa kanila para tingnan nila nang ganon.

Nang makarating kami ni Trev sa Dean's Office ay pinagbuksan nya ako ng pinto at pumasok na kami doon,

"Ms. Hellington? am I correct?" tanong nung Dean pagpasok namin,

"Yes Ma'am" I answered,

tumayo naman sya at may kinuha sa drawer na nasa likuran nya,

"Here's your I.D." inabot nya sakin yung I.D. at isinuot ko na ito sa akin,

"The result of your special exam is very impressive Ms. Hellington, you got a perfect score. Alam mo bang ikaw lang ang naka-perfect nun sa batch na 'to? That's why you deserve to be in the Royal Class"

"Royal Class has a lot of privileges, mas advance din ang mga subjects na itinuturo sa section na ito. Kaya naman, best of luck Ms. Hellington" she explained at bumaling kay Trev,

"Mr. Dy, dahil nariyan ka na rin naman. Ikaw na ang bahala kay Ms. Hellington, tutal ay magkaklase naman kayo"

"Yes Dean, let's go Xy. Dean mauna na po kami"

Pagtapos namin magpaalam kay Dean  ay lumabas na kami ng office.

"Yes! We're classmates" sabik na saad ni Trev nang makalabas kami,

"Masaya rin akong mabatid iyon"

"Alam mo ba na may tinatawag kaming 'Palace Day' na exclusive lang para sa mga nasa Royal Class? Ginaganap ito tuwing ika-huling araw ng buwan kung saan bumibisita kami sa Palasyo at nakakasabay namin kumain ang Hari at Reyna sa hapag, masayang masaya kami tuwing pumupunta don sa palasyo dahil sobrang ganda don at napaka-relaxing lalo na sa Garden nila dahil puro rare na bulaklak ang makikita mo doon"

Oo, alam ko ang tungkol sa Palace Day.

Ito ang araw kung saan tinatanggal sa palasyo ang mga larawan ko at mga larawan ng pamilya namin na kasama ako. Ito rin ang araw na buong maghapon ay nakakulong ako sa kwarto para hindi nila ako makita.

I really hate that day.

Ngayon, paano ko malulusutan ang araw na 'yun?

The Mischievous PrincessWhere stories live. Discover now