HUNKS SERIES 3
MY LOVELY STRANGER
"NATHANEIL"
By...emzalbino"Agnes pwede mo ba akong tulungang makatakas please!....lumuluhang nagmamakaawa si Kathryn kay Agnes.
"Ang hirap ng hinihiling mo sa akin Kathryn, parang hindi ko kaya".....buntong hiningang sagot ni Agnes sa dalaga kaya naman mas lalong napaiyak si Kathryn sa isiping hindi talaga siya makakatakas sa lugar na iyon..
Natahimik ang dalawa ngunit si Kathryn ay patuloy sa pagluha dahil hindi niya matanggap sa kanyang sarili na magiging isang taga aliw siya ng mga kalalakihan..
Matamang pinagmamasdan ni Agnes si Kathryn at kitang kita nito sa mga mata ng dalaga ang sobrang pagkadismaya at ang pag aalala kaya naaawa siya rito..
"Alam mo bang ganyan na ganyan din ako sayo noon! Si mamita Josie ang nagpasok sa akin noon dito at kahit na mismong tiyahin ko pa siya ay walang awang nilublob niya ako rito at kahit na gustuhin ko mang tumakas ay hindi ko magawa dahil alam naman niya kung saan ako hahanapin"...,,pahayag ni Agnes at noon ay hindi napigilan ng dalaga ang mapaluha..
"Huh! Tiyahin mo iyong nagpasok sayo rito?....hindi makapaniwalang wika ni Kathryn..
"Oo Kathryn at wala akong magawa dahil hawak niya ako sa leeg, dahil may sakit ang aking ama noon ay pinautang niya ang aking mga magulang ng malaking halaga at ako ang ginawa niyang pambayad at hindi rin alam ng aking mga magulang na ganito ang klase ng aking trabaho"....salaysay ni Agnes.
"Kawawa ka naman pala".....hindi napigilang sabi ni
Kathryn sa dalaga."Mas kawawa ka Kathryn dahil hindi mo pa alam ang patakaran dito at tinitiyak ko na pagdurusahan mo ang ginawa mong pagtitiwala kay Arnie dahil ilang araw ka lang na sasayaw sa entablado ay isasabak ka na nila para magbigay ligaya sa mga kalalakihan upang mas malaking pera ang maipapasok mo sa club"....paglalahad ni Agnes na siyang ikinataranta ni Kathryn..
"Agnes please tulungan mo ako, ayokong sirain ang munting dangal na natira sa akin, ayokong magtrabaho sa ganitong lugar, maawa ka tulungan mo ako Agnes"....sumasamong wika ni Kathryn at noon ay napakuhod sa paanan ni Agnes.
Napabuntong hininga si Agnes dahil sa awa nito kay Kathryn, naiintindihan nito ang dalaga dahil ganoon siya noon, nagmakaawa siya sa kanyang tiyahin ngunit naging bato ang puso nito hanggang sa wala siyang nagawa kundi yakapin ang putikang kanyang kinasadlakan.
"Dito ka lang muna at titingnan ko ang paligid, basta relax ka lang rito at wag na wag kang maingay at kung sakaling may magtatanong sa akin ay sabihin mong nagpunta ako ng toilet".....ani Agnes saka lumabas ito ng dressing room..
Abot abot ang pagdarasal ni Kathryn na sana ay matulungan siya ni Agnes na makatakas para hindi siya tuluyang maging isang dancer o kaya ay puta.
"Oh Diyos ko sana po ay gabayan Mo ako sa gagawin naming ito, sana Po ay magtagumpay ako"......piping dasal ni Kathryn na noon ay panay ang kabog ng kanyang dibdib..
Lumipas ang kalahating oras ay biglang bumukas ang dressing room kaya biglang kinabahan si Kathryn ngunit ng makita niyang si Agnes iyon ay kumalma nag kanyang dibdib ngunit andun parin ang takot at pag aalinlangan.
"Gamitin mo itong nasa loob ng plastik bag, sa may banyo ka magbihis at bilisan mo, wag mo ng dalhin ang mga gamit mo dahil baka diyan ka pa mabuking, sa may harapan ka rin dumaan dahil may nagbabantay sa labas".....saad ni Agnes.
"Eh papaano ako makakataks kung sa harapan ako daraan?......kinakabahang tanong ni Kathryn.
"Kaya nga gamitin mo ang nasa may plastik bag at wag na wag kang pahalata basta lumakad ka lang ng tahimik na para bang walang anumang katarantahan sa mga galaw mo".....paliwanag ni Agnes..
![](https://img.wattpad.com/cover/38175002-288-k887794.jpg)
BINABASA MO ANG
HUNKS SERIES 3...My Lovely Stranger...NATHANIEL....by...emzalbino
RomanceTEASER... Nathaniel De Vera..isang lalaking kilala sa larangan ng negosyo. Mabait at maalalahaning kaibigan ngunit sa edad niyang biente nueve ay nananatiling nag iisa parin o sa makatuwid ay walang nobya o nagmamay ari ng kanyang puso dahil takot n...