Hunks Series 3
My Lovely Stranger
"Nathaniel"
By...emzalbinoNapatanga ang lahat lalo na si Helena sa inasal ng kanyang binata at ng tingnan niya si Kathryn ay nangingilid ang luha nito na pilit niyang pinipigilan. Agad na sinundan ni Helena si Nathaniel na papunta ng kwarto nito kaya bago pa isara ng binata ang kwarto nito'y nakapasok na si Helena.
"Can we talk?" nakataas ang kilay na sabi ni Helena.
"About what mommy?" maang maangang tanong ni Nathaniel.
"Don't be silly Nathaniel! How could you act like that infront of me and to the others, lalo na kay Kathryn. Walang kasalanan iyong tao at ni hindi niya alam kung ano ang ipinagpuputok ng butse mo! Is that the right way how you treated a woman huh Nathaniel?!" napipikong turan ni Helena.
"Please stop talking me nonsence mommy!" pormal ang mukhang tugon ni Nathaniel.
"Nonsense! But you are annoying of nonsense things! This few days i've noticed that you hated Kathryn so much when you found out that she went out with Keith. Do you like her?" lantarang tanong ni Helena kay Nathaniel.
"Mommy your sounds like that im jealous to Keith?" kunot noong sabi ni Nathaniel.
"Aren't you?" deretsahang tanong muli ni Helena.
"Of course not!" mariing tanggi ni Nathaniel.
"Liar! You are liar Nathaniel. I know you,so don't deny it because your eyes, your moves and the way you acts are proven that you're jealous to your best friend and that's why you always yelled out Kathryn to voice out your temper. Bakit hindi ka lumaban ng patas? Bakit mo dinadaan sa ganitong sitwasyon? Lalaki ka, alangan namang iyong palay ang lalapit sa manok? Gamitin mo naman minsan ang kukute mo Nathaniel para hindi ka katawa tawa sa paningin ng iba!" singhal ni Helena sa anak saka iniwan nitong nakatulala na para bang nag iisip.
Ngunit kapagkuwa'y hinubad niya ang kanyang damit pang opisina na suot nito at deretso ng banyo at naligo. Nang matapos ay saka nagmamadaling nagbihis at bago lumabas ng kwarto ay idinayal nito ang kanyang cell phone at ilang sandali lang ay sinagot naman sa kabilang linya ang kanyang tawag.
"Hello Shannnon, are you tonight?" walang paligoy ligoy na tanong nito sa kaibigan na nasa kabilang linya.
"Well actually im here at Ulysses house. Bakit gusto mo bang gumala?" sagot ni Shannon.
"No nevermind i will drive over there" sabi ni Nathaniel.
"Okay,we will wait you here" sagot muli ni Shannon saka pinatay ni Nathaniel ang cellphone nito at lumabas ng kanyang kwarto.
....
Samantala ay parang tulala lang na nakaupo si Kathryn sa may sala na nakaharap sa tv ngunit hindi naman nakasindi ito. Iniisip niya kung bakit ganoon nalang ang galit ni Nathaniel sa kanya. Pilit niyang inaalam sa sarili kung anong mabigat na kasalanan ang nagawa niya sa binata ngunit wala naman talaga siyang alam.
"Nakakaloka naman kung iisipin kong nagseselos ito dahil ni wala namang linaw ang nangyaring halikan sa amin noon?" tanong ni Kathryn sa sarili saka huminga ito ng malalim at aalis na sana siya ng biglang dumating si Helena.
"Iha pagpasensiyahan mo na ang anak kong suplado, ewan ko ba kung bakit kay init ng ulo niya nitong mga nakaraang araw? May hindi ba kayo pagkakaunawaan? Or may pinag ayawan ba kayo ni Nathaniel?" deretsahang tanong ni Helena.
"Pilit ko nga po tita na inaalam kung anong nagawa kong kasalanan sa kanya ngunit wala naman akong maisip eh. Ginagawa ko po ang lahat upang magkabati kami pero hindi ko alam kung bakit minsan ay mabait naman siya sa akin ngunit nitong nakaraang araw ay kaysungit niya ulit na parang gusto niya akong sakmalin" paliwanag ni Kathryn.

BINABASA MO ANG
HUNKS SERIES 3...My Lovely Stranger...NATHANIEL....by...emzalbino
RomanceTEASER... Nathaniel De Vera..isang lalaking kilala sa larangan ng negosyo. Mabait at maalalahaning kaibigan ngunit sa edad niyang biente nueve ay nananatiling nag iisa parin o sa makatuwid ay walang nobya o nagmamay ari ng kanyang puso dahil takot n...