Chapter 18..

12.3K 341 12
                                    

Hunks Series 3
My Lovely Stranger
"Nathaniel"
By...emzalbino


Napatunganga at hindi nakapagsalita si Kathryn sa mga masasakit na sinabi ni Nathaniel. Tanging pag agos ng luha kanyang ang siyang nagawa niyang ipabaon sa lalaking nananakit ng kanyang kalooban ngunit siya namang itinitibok ng kanyang puso.


"Nath, bakit kahit anong kagaspangan ng iyong ugaling ipinapakita mo sa akin ay hindi ko mapigilan ang aking puso na mahalin ka?" tanong ni Kathryn sa sarili saka nito pinahid ang mga butil ng luha sa kanyang pisngi at ng mapansin nito ang inihandang pagkain ni Nathaniel sa may mesa na hindi man lang nagalaw ay biglang binalot ng pag aalala ang kanyang puso para sa lalaking mahal......" Hindi na niya nagawa pang kumain! Tiyak na magugutom na naman iyon dahil maghapon kahapon na hindi kumain tapos kagabi ay puzza lang ang kinain niya" alalang sabi ni Kathryn sa sarili saka napabuntong hininga ito.


Inilagay lahat ni Kathryn sa isang container box ang inihanda niyang almusal sana ni Nathaniel at ipinainit niya ang left over na ulam sa may fridge at saka nag marinade nalang ng tapa saka nito pinirito at nagsaing sandali ng bagong kanin dahil ubos na ang kanin kinagabihan at ng makaluto ng kanin ay saka nagsalin ng mainit na kanin sa may tumbler at gumawa pa siya ng brewed coffee at inilagay sa isang maliit na thermos at pinuno niya iyon na halos isang dangkal ang laki nito saka nagtungo ng kanyang kwarto para magbihis......"Kailangang dalhin ko sa kanyang opisina ang mga pagkain na ito para hindi mangalam ang sikmura niya sa gutom" wika ni Kathryn sa sarili habang papunta ng kanyang kwarto.

.....

Sa kanyang opisina ay hindi mapakali si Nathaniel, kahit na nakatambak sa kanyang harapan ang kanyang mga gawain ay parang wala sa mga iyon ang laman ng kanyang isip dahil nasa kanilang bahay.


Iniisip nito kung bakit kailangang magpadala pa ng bulaklak ni Keith kay Kathryn samantalang sabi naman nito na magkaibigan lang sila. Litong lito siya sa mga sandaling iyon at dagdag pa ang mga sinabi ni Keith sa munting card na nakaipit sa may bulaklak.

"Keith, ano nga ba ang totoo?" parang tangang tanong nito sa kawalan sabay sapo ng kanyang ulo......"Do you courting Kathryn?" muling tanong nito sa sarili saka kinuyom nito ang kanyang kamao.

Sa isip isip ni Nathaniel ay ngayon lang siya muli naturete sa isang babae since his dearly girl friend was passed away. Pero sa dinami dami pa ng makakabangga niya ay bakit ang kanyang kaibigan pa na itinuring niyang isang kapatid? Ano nga ba ang totoong layunin ni Keith kay Kathryn?.

Mag aals diyes na ng umaga ng biglang gulantangin ng isang katok mula sa pinto ang nakatulalang si Nathaniel at mula roon ay nakita niya ang kanyang secretary na si Lala na may hawak itong mga paper works.


"Yes Lala?" ani Nathaniel sa kanyang secretary.


"Sir, i just remind you that you have a meeting to Mr. Chua" pagbibigay paalala ni Lala sa kanyang amo.


"Oh yeah! What time is it?" naalarmang tanong ni Nathaniel sa dalaga.


"Right now sir and his waiting already at the conference room" sagot ni Lala sa kanyang amo.


"Okay, im coming now!" nagmamadaling turan ni Nathaniel saka inayos nito ang suot na white long sleeve saka isinuot ang kanyang black coat at nagmamadaling lumabas ng kanyang opisina na nakasunod naman si Lala para sa pag te take down note sa mga mahahalagang bagay sa kliyente ng kanyang amo.

....

Alas diyes y media na kaya hindi na inabala ni Kathryn si mang Enggo sa pagpunta niya sa opisina ni Nathaniel dahil naglilinis ito ng sasakyan kaya nagtaxi nalang siya para hindi maabala ang matanda.

HUNKS SERIES 3...My Lovely Stranger...NATHANIEL....by...emzalbinoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon