Hunks Series 3
My Lovely Stranger
"Nathaniel"
By...emzalbino"Kausapin mo ako Nath! Alam kong matagal mo na akong iniiwasan, ni hindi ko alam kung ano ang dahilan! Kung ilang ulit ko ng tinanong ang aking sarili kung anong pagkakamali ang nagawa ko saiyo pero wala naman akong makitang dahilan na alam kong ikinakagalit mo kaya parang awa mo na sabihin mo kung ano ang mga nagawa ko saiyo para maitama ko!" sigaw ni Kathryn sa harap ni Nathaniel.
"Wag kang mag iskandalo rito sa opisina ko dahil baka kung ano ang isipin ng mga makakarinig sayo" sagot ni Nathaniel saka tumayo ito mula sa kanyang swivel chair at humarap sa may bintana.
"Wag mo akong talikuran dahil kinakausap kita!" muling sigaw ni Kathryn sabay hila sa braso ni Nathaniel paharap sa kanya.
"Stop it and shut up your mouth!" singhal ng sagot ni Nathaniel saka nito iwinaksi ang kamay ni Kathryn.
Pak!....pak!...sa sinabing iyon ni Nathaniel ay agad pinadapo ni Kathryn ang palad nito sa magkabilang pisngi ng binata na halos namula ang magkabilang pisngi nito.
"Ako na nga ang gumagawa ng paraan upang maging maayos ang lahat! Ako na nga ang kusang lumalapit saiyo kahit na pilit mo akong pinagtatabuyan dahil nasasaktan na ako sa tuwing nakikita ka sa hitsura mong ganyan tapos ikaw pa ang may ganang magalit! Tinitiis ko ang lahat ng masasakit mong salita at pilit kitang inuunawa kahit na ang dulot sa akin ng masasakit mong salita ay ang pagtulo ng aking mga luha! Halos hindi ako makapag isip ng tama sa tuwing alam kong galit ka, sa tuwing sinisigawan mo ako. Kahit na nanliliit na ako sa mga salitang kaytatalim na lumalabas sa mga bibig mo'y pilit kong tinatanggap dito sa dibdib ko dahil alam kong lilipas din ang galit mong iyon. Kaya ginagawa ko ang lahat upang tunawin ang galit mo pero hindi mo man lang binibigyan ng importansiya ang lahat ng pagpapakasakit ko saiyo! Ni hindi mo man lang naisip na ginagawa ko ang mga iyon dahil sa isang rason! Dahil papaano mo ba naman kasi maiisip kung puro galit at pagdududa ang nasa iyong puso't isipan? Ano pa nga ba ang silbi ng lahat ng aking mga pagsasakripisyo saiyo kung nabulag ka ng iyong galit?" lumuluhang pahayag ni Kathryn....." Sayang nga lang eh! Sana kung kaya ko lang na diktahan ang aking puso ay ginawa ko na! Sana kung kaya kong turuan ito ay ginawa ko ng matagal para hindi na ako parang tangang umasa at nagpakaalipin sa isang taong manhid at duwag na tanging sarili lang ang alam niyang isipin! Kayhaba ng panahon na nagpakatanga ako dahil sa pag aakala kong makakamtan ko ang pagmamahal niya ngunit nagkamali pala ako, maling mali ako na nagmahal sa isang lalaking walang paninindigan!" humahagulgol na sigaw ni Kathryn sa harap ni Nathaniel na noon ay napatanga at ni hindi magawang makapagsalita dahil sa mga narinig nitong sinabi ng dalaga. At ng mahimasmasan ay wala na si Kathryn sa kanyang harapan dahil matapos niyang masabi ang lahat ng iyon ay halos patakbong lumabas ito ng opisina niya habang umiiyak ito.
"Kath!" habol na tawag ni Nathaniel na lumabas ito ng kanyang opisina upang habulin ang dalaga ngunit hindi na niya ito nakita at ng tanungin niya ang isa sa mga staff ng kumpanya kung nakita nila si Kathryn ay sinabi nito na kasasakay lang niya ng taksi.
Agad na idinayal ni Natatawang ang numero ng cellphone ni Kathryn ngunit hindi sinasagot ng dalaga ang kanyang tawag....."Kath, please answer my call. Pick it up my sweetie" nagsusumamong turan ni Nathaniel na noon ay pasakay na siya ng kanyang kotse dahil nais niyang sundan ang dalaga.
"Sorry Kath kung naging hangal ako, im so sorry kung naging duwag ako. Natakot kasi ako na baka maging kagaya na naman ng dati ang maging kalalabasan ng lahat. At akala ko ay sapat na ang ipadama ko ito saiyo ngunit para saiyo pala ay hindi sapat iyon" iiling iling na bulong ni Nath sa sarili habang pinapaandar niya ang kanyang kotse at ng muli niyang tawagan ay hindi parin sinasagot ni Kathryn ang kanyang tawag kaya alam niyang nagtampo na talaga ang dalaga.
![](https://img.wattpad.com/cover/38175002-288-k887794.jpg)
BINABASA MO ANG
HUNKS SERIES 3...My Lovely Stranger...NATHANIEL....by...emzalbino
RomansaTEASER... Nathaniel De Vera..isang lalaking kilala sa larangan ng negosyo. Mabait at maalalahaning kaibigan ngunit sa edad niyang biente nueve ay nananatiling nag iisa parin o sa makatuwid ay walang nobya o nagmamay ari ng kanyang puso dahil takot n...