HUNKS SERIES 3
MY LOVELY STRANGER
"NATHANIEL"
By....emzalbino"Good morning mommy,daddy"....bati ni Nathaniel sa kanyang mga magulang na nadatnan niya sa kusina na noon ay nag aagahan..
"Good morning din iho, maupo kana at ng makapag almusal ka"...yaya ni aling Helena sa bunsong anak nito.
"Ang aga mo yata ngayon iho?....tanong ni mang Ferdinand kay Nathaniel sabay tingin sa relo nitong pambisig.
"May mahalagang dokumento ako pipirmahan na kailangan mamayang hapon para sa conference meeting."....sagot ni Nathaniel sa ama sabay abot sa kapeng ginawa ng ina nito.
"Ah okay at pupunta rin ako mamaya sa opisina para makadalo sa conference meeting"....saad ni mang Ferdinand.
"Mabuti nga po daddy para marinig ko rin ang panig ninyo at kuro kuro para hindi na palaging ako ang mga kinukulit ng mga investors"....
"Kasi naman daw iho eh napakaistrikto mo at ni hindi man lang daw sila maungot ng kunting tawad"....natatawang wika ni mang Ferdinand.
"Daddy negosyo ang pinag uusapan at hindi po mga paninda sa palengke o kaya ay sa mga talipapa kaya walang tawaran".....sagot naman ni Nathaniel sa ama.
"Ay siya nga pala daddy kailan ba uuwi si Nelly at kuya Dan?....muling tanong ni Nathaniel ng naalala ang kanyang kaisa isang kapatid na babae na nasa New York nakadestino at doon narin naninirahan.
"Sabi nila ay sa kasal mo nalang daw".....birong sagot ni mang Ferdinand sa anak.
"Ano!?....kasal!......biglang bulalas ni Nathaniel.
"Oo iho bakit ayaw mo bang ikasal o kaya ay magkaroon ng pamilya?....
"Dad, Ayaw ko ng maramasan ang naranasan ko noon dahil natatakot na ako na baka muling mangyari sa akin iyon"....iiling iling na saad ni Nathaniel.
"Anak siguro ay may plano ang Diyos sa iyo kaya Niya ginawa o kinuha si Digna at siguro ay hindi kayo para sa isa't isa kaya tanggapin mo na ang katotohanan at muli mong buksan ang iyong puso para muli mong maranasan ang magmahal! Wag kang matakot dahil ang lahat ng mga naranasan mo ay tanging mga pagsubok lamang ng Diyos upang sukatin ang iyong katatagan kaya wag kang padala sa emosyon mo at alisin mo ang alinlangan sa iyong puso".....paalala ni aling Helena sa kanyang bunso..
"Ewan ko po pero parang hindi ko na kaya pang buksan ang puso ko".....malungkot na sabi ni Nathaniel saka ininom nito ang huling laman ng kanyang tasa na kape saka tumayo ito.
"Aalis na po ako mommy,daddy"....tanging turan nito sa mga magulang at saka deritsong tinungo ang daan patungo sa may main door..
....
Sa probinsiya ng Pangasinan ay naninirahan ang maglolang si Kathryne Nuquid at ang kanyang lola Pilar.
Lumaki siya sa piling ng kanyang mga lola at lolo dahil namatay daw ang kanyang ina ng siya ay kapapanganak lamang at ang kanyang lolo ay pumanaw narin dahil sa katandaan narin nito sa edad na otsienta seis.
"Lola mano po, Ano na naman ang ginagawa mo riyan at hapon na eh naririto kapa sa labas ng bahay?.....ani Kathryn saka inakay papasok sa loob ng bahay na gawa sa kawayan ang kanyang lola na paika ika ng mag lakad gamit ang tungkod nito.
"Eh ano pa kundi hinihintay kita"....sagot ni lola Pilar habang may nakapasak na sigarilyo sa kanyang bunganga.
"Ay naku naman lola! Sa susunod lola wag niyo akong hintayin sa labas ng bahay dahil baka kung gabihin ako eh mahahamugan kayo sa labas at baka magkasakit kayo eh wala pa naman tayong pera na pampagamot mo"!....sermon ni Kathryne sa kanyang lola na nasa otsienta narin.
BINABASA MO ANG
HUNKS SERIES 3...My Lovely Stranger...NATHANIEL....by...emzalbino
RomantizmTEASER... Nathaniel De Vera..isang lalaking kilala sa larangan ng negosyo. Mabait at maalalahaning kaibigan ngunit sa edad niyang biente nueve ay nananatiling nag iisa parin o sa makatuwid ay walang nobya o nagmamay ari ng kanyang puso dahil takot n...