Kabanata 05

2 0 0
                                    

Limang kumpanya siguro ang nangako na tatawagan ako pabalik o iiwanan na lamang ng email kung tanggap ba ako. Pero sa mga experiences ko na ganoon last year, alam ko na kaagad na hindi ako tanggap. Ubos na ubos na ang pag-asa ko at muntikan na sana tanggapin 'yung trabaho sa isang outdoor na grilling restaurant nang makakuha ako ng isang tawag!

Ibang klase ang kaba na bumalot sa puso ko nang makita ang isang unregistered number na tumatawag at nawala rin iyon dahil bakit sila tatawag kung hindi ako tanggap? Hapon iyon, patapos na ang pangalawang linggo ng January at nakatulala lang ako sa labas bahay. Kulang na lang maglupasay ako sa sahig nang marinig ang congratulations at mga salitang tanggap ako sa kumpanya nila!

"We only need one additional requirement." then she proceeds on telling me na kailangan ko ng authentication letter from the university I graduated to prove na hindi fake ang binigay kong diploma sa kanila.

To hell with that! Matayog pa ang pangarap ko sa pamilya ko at sa akin para ilagay sa alanganin ang future ko, 'no! And I'm proud sa diploma ko kaya bakit ko pepekein? But of course, she didn't hear that as I shower her with my thank-yous.

"I know, mister. Congrats again and the Parkes Group of Companies look forward seeing you work in the company." then she dropped the call.

Agad ko binalita sa pamilya ko iyon at muntikan na akong malagutan nang hininga dahil sa mga yakap nila. Lalo na si Mama. Bigla na lang bumuhos ang luha niya at kahit alam ko sa loob-loob ko na masaya lamang siya dahil deretso na uli ang pasok ng pera, niyakap ko pa rin siya nang mahigpit.

Sa kagustuhan ko na uminom bilang selebrasyon ay hindi ko agad nagawa dahil may kailangan pa akong ayusin. Lalo na't as soon as possible daw ang pagpasa ng kailangan kaya kinabukasan, deretso agad ang tulak papunta sa RST.

My heart is floating in cloud 9, so is my amazement towards the new look of RST. Although some points are still the same but knowing RST, who renovates its buildings every other month, ibang-iba na ang itsura kaysa noong nagtapos kami.

Inutusan muna akong kumuha ng request slip sa dean ng dati kong course sabay bayaran kung may fee man tapos balik na sa registrar office. I had a chance to gallivant around my old building at binaha ako ng memories habang naghihintay sa slip.

"Anong company humihingi?" anang registrar nang makuha ko lahat ng kailangan.

"Parkes." simple kong sagot.

I thought she's gonna say another word until she stands up and left for a while. Usually, base sa mga naririnig kong kuwento, kapag duda ang mga kumpanya sa credentials ng applicants, especially their diploma, they will ask for a card na may authentication galing sa pinanggalingan ng diploma to make sure it's real or if not, revoke it. Sa part naman ng mga universities, isa na ang RST, labas sila sa anumang problema kung mapatunayan na the paper was just forged.

Kayang-kaya ko ikwento ang mga karanasan ko sa university na 'to at ang mga kaganapan bago kami maka-grafuate hanggang makatapos na. Pero bakit sobrang bilis ng pintig ng puso ko?

She took a little a while to process what I need kaya sumulyap muna ako sa barricade at tiningnan ang kung anong nasa harap. May dalawang building sa kanan at kaliwa ng building na 'to at hindi ko na sana aalamin kung anong course pero biglang may nagsibabaan na kumpol ng students sa kanang building.

And one of them is Dustin. Like the other boys and girls, around his neck is his camera and he's laughing a little with the boys' jokes being told at him. Tumalikod na halos lahat ng kasama niya pero nakuha niya pa rin ang pagtitig ko sa kaniya.

Even though I looked away and focused my attention on my phone I fished out five seconds ago, alam ko na palapit siya sa akin. There are five notifications from Twitter and they are from alter women I follow and about new videos of them.

Behind His Curtain (COMPLETED)Where stories live. Discover now