"Shit! Kuya, keep the change!"
Hindi ko gets bakit kung kailan nasa tapat na ako ng school ay doon ko lang napansin na marumi pala ang pantalon! You know what, fuck that soy sauce na tumapon sa akin kanina at tumakbo ako sa ilalim ng araw.
Wala na gaanong tao sa field ng school ng mga kapatid ko dahil alam ko nasa amphitheater na silang lahat at isang sign na sobrang late na ako. Damn it, huwag muna sana umakyat ang dalawa.
The scalding March breeze erupted on my face as I quickened my pace, turned right then ran straight, like I was fighting for a gold medal, until a large and high roof of this school's amphitheater finally showed in my sight.
Sandali akong naghabol ng hininga sa tabi ng plantbox na may mga tanim na gulay. Kung maaga ako umalis kanina at hindi tumulong sa paglinis ng mga natapong rejected orders, nasa loob na sana ako at hindi parang kidnapper na tinakbuhan ang biktima.
"Saan kayo banda, 'ma?" paos kong tanong sa telepono.
"Pupunta ka pa ba?!" kahit dito ay rinig ko ang maingay at malakas na tugtugan sa speaker kaya hindi ko pinansin ang pagtaas ng kaniyang boses. "Nasaan ka ba?!"
"Saan kayo banda!" Ulit ko.
As soon as she told me where they were, I wiped the sweat on my forehead and stood straight. Wala pang kalahating araw at mabango pa naman ako... maybe... but I'm here for Heil's Recognition Day. Hindi pa magtatapos si Haiden pero may award siyang makukuha at pinagsabay daw iyon ngayong araw.
I ignored the curious eyes of other guests when I walked on the side of the middle dahil mas malapit sa aisle ang puwesto ng pamilya at makakaupo na rin ako kaagad kapag nandito na. Haiden was the one looking back and detected I'm already here so Papa, Mama, Heil, and Hans' face looked back, too.
"Kuya, nakahabol ka!" masayang tugon ni Heil sa akin habang suot ang kulay puti na toga nila.
Malaki ang ngiti ko na hinaplos ang balikat niya at dumaan sa harap nila hanggang nasa tabi na ako ni Hans. Ang mga graduates ay nasa mismong tabi ng aisle habang si mama ang katabi, si Papa ang kasunod, si Haiden ay nakaluhod sa upuan habang kuryoso ang tingin sa akin ng pangalawang kapatid.
"May nangyari ba?"
"Traffic." singhal ko at paypay sa sarili gamit ang damit ko. "Umakyat na ba?"
"Mamaya pa. Buti umabot ka."
Ngumisi lang ako at tinapik ang balikat niya. "Siyempre, ako ang nagpapa-aral kaya dapat ma-witness ko ang pag-akyat niya."
Hans gave me a tight smile and looked down. "Anong nangyari sa pantalon mo? Hindi ganiyan suot mo kaninang umalis ka."
There's this huge splash of soy sauce from my knee up to ankle. Hindi na siya masyadong vibrant pero halatado masyado lalo na't faded blue jeans ang suot ko ngayon. "Nakabungguan ko sa kumpanya habang paalis ako. Badtrip nga, eh."
"Umuwi ka muna sana," aniya habang malamlam ang boses.
"Huwag mo akong diktahan dahil alam ko ang ginagawa ko." I answered in gritted teeth.
He quickly nods and glance back at the stage. Halos wala rin akong naintindihan sa mga sinasabi ng mga tao sa likod ng podium kaya iniikot ko na lang ang tingin bago kuhanan sila ng picture.
Iyon nga lang, nasita ako dahil bawal pala mag-picture habang on-going ang program. "Pero okay lang kapag aakyat na 'yung mga graduates?"
The guard looked at me dryly. "Yes, sir."
"Okay!" Masaya kong sagot at tumuwid na sa pagkakaupo.
True enough to Hans' statements, nagsimula na umakyat ang mga bata sa stage. Pangalawa ang section nila Heil pero aligaga na ako na kuhanan sila ng picture o kaya mapasama sa picture.
YOU ARE READING
Behind His Curtain (COMPLETED)
RomanceFor all Hendery Castillo knows, Dustin Rodriguez is the only person in their neighborhood he's not close with. Aside from having different ages and family classes, he... just doesn't know who Dustin is. Not until after spending a party with sex he m...