BiIsAlwaysRight followed you.
Kumunot kaagad ang noo ko. Kasalukuyan kong inaayos ang buhok dahil paalis na ako para tumulak sa trabaho nang mag-beep ang telepono. Who is this? Sinubukan kong halukayin ang utak pero... oh! I think this is the same account who replied on that issue I had on alter world before! Pinindot ko iyon at nakumpirma ko na tama lang ang hula.
"Why are you following me?" did I post a video? Pero wala naman akong video na lagi nitong nire-retweet o video na pagkakainteresan niya. Madalang na ako sa app na ito dahil kay Dustin pero nagtw-tweet ako ng picture naming dalawa.
I check my media and am only welcomed by Dustin's back pictures or some video I took of him eating or drinking. Anong nangyayari?
Hindi ko na lang pinagtuunan ng pansin at tinapos ang ginagawa. Walang tao sa bahay nang makababa ako kaya deretso larga na ako. I didn't knock on Dustin's gate dahil sinabihan niya ako na wala na sila sa bahay nila.
My day went the same: fixed some maintenance problems and stayed behind my small table and typed what was needed to be type. Natapos ang araw na masakit ang buong likuran ko.
Dumaan muna sa isang botika para bumili ng ilang pain relief na patches at ulam na iuuwi. As soon as I arrive home, bagsak ang balikat ko dahil walang reply sa akin si Dustin kung nasaan siya. He said he'll be busy today so I didn't bother but his silence is...
Oh, come on, you endured 21 years of not talking to him since you two are not close that much and now, you're complaining he hasn't called you in one day?
Of course, sa mga panahon na iyon I know he's just there, in his house! Pero ngayon?
"Kakain na, saan punta?" si Mama nang makita na patulak na naman ako palabas.
"Diyan lang." sagot ko at dali-dali lumabas.
Kumatok ako sa gate nila at agad sinalubong ng guard. "Umuwi na ba si Dustin?"
"Nandiyan na ang parents niya pero siya ang wala," aniya. "Pero binilinan niya ako kanina."
"Umuwi siya rito kanina?" Inikot ko ang keychain sa daliri. "Akala ko ba nasa school siya?"
"Mga bandang alas kuwatro siya umuwi pero umalis din." kampante nitong sagot. "May kinuha siyang box dahil umalis siyang may hawak na box. Binilinan niya ako na may aayusin siya sa kabilang bayan."
"Kabilang bayan?" mas lalong nabalot ng kuryosidad ang puso ko. Anong mayroon sa box at umuwi pa siya?
"Iyon lang ang nabanggit."
Inikot ko ang mata sa paligid at napabuntong-hininga. Bumalik ako sa bahay at hindi pinansin ang mga tanong ng kapamilya kung bakit lugmok ako. Pagkatapos kumain, ginawa kong busy ang sarili pero pag-akyat ko para magpahinga, mas binagabag lang ako.
Pagayak na ako matulog nang may kumatok. Si Papa iyon at may hawak siyang cover ng electric fan at... I can't see it well... Mga pira-piraso ng elisi? "Bakit, pa?"
Nahihiya itong sumulyap sa akin bago tinuro ang hawak. "Nasira? Bakit? Anong nangyari?"
He proceeds on telling me how Mama knocked their electric fan off and it shattered. Hindi na raw gumagana ang bentilador dahil may tunog na raw. "Baka puwedeng... hiramin muna namin. Hindi makakatulog ang nanay mo ngayong gabi..."
Binalingan ko ng tingin ang sarili kong electric fan. Bakit ngayong oras pa? At wala kaming extra na bentilador na nakatago!
"Sige po. Kunin n'yo na."
Marahil natunugan niya ang dismayado kong boses kaya tumikhim siya saglit pero inulit ko ang sinabi at kinuha na niya iyon. He remained standing in the doorway, with my fan between his arms. Tinitigan niya ako na tila ba hindi alam ang sasabihin o gagawin...
YOU ARE READING
Behind His Curtain (COMPLETED)
RomanceFor all Hendery Castillo knows, Dustin Rodriguez is the only person in their neighborhood he's not close with. Aside from having different ages and family classes, he... just doesn't know who Dustin is. Not until after spending a party with sex he m...