Hendery
@user018161994
They've been fighting like hell... Akala ko ba religious people don't scream curses everywhere?I hit the 'Tweet' button and stood up before grabbing the axe. Ilang segundo pa lang ang lumipas at bigla uli may umalingangaw na tunog ng nabasag na salamin. Now, hindi ako nagsisisi na ako na ang nagsibak ng kahoy kahit na gabing-gabi na. Papa's experiencing some body pains at walang ibang gagawa.
That's the reason I gave them earlier even though I'm tired from working all day. Yet this is the only way to know what's happening in the other house. Ilang linggo na ang lumipas, dalawa na yata, simula nang mangyari ang scandal sa simbahan pero kaysa magmove-on gaya ng ibang taga-rito, hindi natatapos ang away ng mga nasa kabila.
I wish I wasn't away para malaman ko kung anong nangyayari habang may araw pa but Mama told us that they barely left the house and if they do, iyong haligi ng tahanan lang at lagi raw bad mood.
This feeling of uneasiness is not for those parents, not for Dustin's parents or the Mayor's family but for Dustin himself. Hanggang ngayon ay hindi ko malimutan ang tagpo naming dalawa sa banyo sa may simbahan.
"Saan banda ako naging mayabang?" tawa ko habang inaayos ang bawat nahating kahoy. "I'm just extending help! He should be grateful."
And I have nothing to say. Nasabi ko na lahat sa Twitter ng gusto kong sabihin but I didn't badmouth Dustin because... baka ako ang mali. There's a reason why he locked the bathroom door: gusto niya mapag-isa ngunit anong ginawa ko?
Yes, my intentions were clean (help, console, and talk to him) but the time is not right. Kaya lahat ng previous tweets ko ay tungkol sa akin. Tungkol sa kung paano ako insensitive at papansin dahil hindi niya ako kilala ay um-akto ako na parang kilala namin ang isa't-isa.
My supposed relationship with the girl I met at the mall after the basketball game didn't work, but installing this Twitter app did. Tuwing may inuman lang ako nakakalabas ng mga hinanaing dahil puno ako ng alak pero paano naman kung hindi ako lasing at nasa trabaho ako?
Napansin ko na kung dati ay parang wala o winawala ko lang ang bigat ng loob ko dahil sa nangyayari sa buhay ngayon (sa pagiging breadwinner, sa pagkawala ng trabaho, sa hirap maghanap uli ng maayos na pagkakakitaan, hanggang sa pag-aasa sa akin lahat ng pamilya ko) pero nang simula ko ilabas kahit paisa-isa ang mga iyon sa bawat Tweet, gumagaan ang loob ko.
Mabilis ko rin natapos lahat ng kahoy at humihina na ang away sa kabilang bahay. But when I'm about to return the ax sa lalagyan niya, kung saan nasa mismong sulok ng pader na naghihiwalay sa lote namin at sa kanila, bigla uli may nabasag.
Dali-dali akong kumuha ng upuan at sumampa upang sana makita pero kahit anong tangkad ko ay hindi sapat. Sumunod sa ingay ang pag-iyak na alam kong galing sa iisang taong kilala ko.
"You had one job, one job!" sigaw ng ama nito. "Lalaki ka pero bakit hindi mo nakumbinsi na maging babae ang pinapakasal namin sa'yo! Lalaki ka ba talaga?! Or are you identifying yourself the opposite of that?!"
Lumubog ang upuan sa lupa nang sinubukan kong tumalon dahil nakarinig lang naman ako ng pagsampal sa pisngi. Pero wala rin nangyari, mas lumakas ang impit na pag-iyak ni Dustin hanggang mawala ang tunog ng pag-alis ng kaniyang ama.
My jaw hurts from clenching so hard, my heart feels heavy for not being helpful to someone like him.
Kung hindi ko ba siya nakita sa araw na iyon, proproblemahin ko ang mga bagay na ganito? Wala akong ideya pero kung hindi man, alam ko na ganito pa rin ang gagawin ko.
I just don't know how to approach him without making him afraid or think I'm too vain in plain sight. Ano nga ba ang dapat kong gawin?
***
YOU ARE READING
Behind His Curtain (COMPLETED)
RomanceFor all Hendery Castillo knows, Dustin Rodriguez is the only person in their neighborhood he's not close with. Aside from having different ages and family classes, he... just doesn't know who Dustin is. Not until after spending a party with sex he m...