Party Time

24 1 0
                                    

Karylle's POV

                I'm on my way na sa party at talagang sa Valkyrie pa nilang naisipang magparty huh. Mga baliw talaga!

———

Anne: Asan na ba yun? Hay palagi na lang syang late.

Vhong: Hayaan mo na di ka na ba nasanay? Lalo pa ngayon sikat na sikat na sya, syempre busy yun.

Billy: Oo nga, pero excited na ako sa pasalubong nya.

Anne: Kaw talaga Billyboy yan na lang palagi ang iniisip mo.

Vhong: Oh eh andito na  pala sya (habang papalapit kay Karylle)

Karylle: Hi Vhong, I miss you! (sabay yakap sa binata)

Billy: Wow!!! (literal na napanganga sa kagandahan at kasexyhan ng dalaga na           nakasuot ng backless na black dress na talagang makikita mo ang kurba ng katawan nya)

Anne: Oh Billy pasara yang bunganga mo baka pasukin ng langaw.

Billy: Wow K! ikaw na ba yan? Mas lalo kang gumanda at sumexy.

Karylle: Hahaha... Billyboy di ka lang pala bully, bullyro din.

Billy: No, di kita binobola (sabay yakap at beso sa dalaga)

Karylle: Oh well sige na nga, Thank you.

Anne: Oh tama na yang chikahan baka matunaw sa inyo tong si K. Party Party na tayo!

            Nagsimula na nga ang kasayahan sa Valkyrie. Ang magbabarkada'y nagsimula ng mag-inuman at magsayawan. (Nagkakilala  silang lahat dahil sa magkakaklase sila noong High School at hanggang ngayon ay magbabarkada pa rin sila).Habang nasa dance floor sina Anne at Vhong,masaya namang nagkwekwentuhan sina Billy at Karylle sa kanilang counter.

 

Billy: so totoo pa lang ilang buwan ka lang mananatili dito?

Karylle: Yep, may company pa kasi ako sa Paris kaya di ako pwedeng magtagal dito.

Billy: Sayang naman!

Karylle: Bakit sayang?

                  

             Hindi lingid sa kaalaman ni Karylle na may pagtingin pala sa kanya si Billy at nanghihinayang ito dahil gusto sana nyang ligawan si Karylle.

 

Billy: ah...eh... eh kasi matagal ka naming di nakasama tapos yun pala di ka naman magtatagal dito.

Karylle: I can come here naman every reunion and kung gusto nyo every weekends tayo magbonding habang nandito ako sa Pilipinas.


                Para namang batang binigyan ng candy si Billy sa sobrang tuwang nararamdaman sa sinabi ni Karylle.

 

Billy: sige...sige...Deal! Sabi mo yan ha? Promise?

Karylle: Oo naman. Promise.

           

               Dumating na rin sina Anne at Vhong na sobrang nag-enjoy sa pagsayaw sa dance floor.

 

Vhong: uy uy uy... ano yan? Bat ang saya mo brod?

Billy: eh kasi brod sabi ni K every weekends daw tayo magbobonding.

Anne: talaga? Free ka ba girl pag weekends?

Karylle: I'm not sure but I'll find time since nagpromise na ako.

Vhong: sige siguradong masaya yan!

Anne: pero K si alam mo na, pwede ba natin siyang isama? Bihira din kasi nami syang makasama eh.

Karylle: Sure, why not?

Vhong: Talaga??? (tanong nito na may kasamang pang-aasar)

Karylle: Whatever Vhong!

Billy: Wag nyo na ngang asarin si K. Nakamove on na sya.

Anne: Edi Wow! Hahaha....alam naman namin yun eh, 8 years na kaya ang nakalipas.

Billy: pero kung di ka pa K komportable na kasama sya wag kang mag-alala nandito lang ako para icomfort ka . (sabay kindat sa dalaga)

Karylle: Thanks Billyboy but I think I can manage naman eh.

Vhong: ganun naman pala eh... magparty na tayo ulit wohooo...

Anne: Let's go guys!


             Pagkatapos ng mahaba-habang kwentuhan ay bumalik naman sa pag-inom at sayawan ang magbabarkada. Sobrang lasing na lasing na sina Karylle at Anne kaya napagpasyahan ng umuwi nina Vhong at Billy. Si Vhong ang naghatid kay Anne habang si Billy naman ang kay Karylle dahil pinauwi na pala ng dalaga ang kanyang driver. "Thanks  sa paghatid" sabi ni Karylle habang inaalalayan siya ni Billy sa elevator dahil sa gumegewang-gewang na ito sa sobrang pagkalasing. "Wala to, gusto naman talaga kitang ihatid" sabi ni Billy na patuloy pa rin sa pag-alalay kay Karylle. Nakarating na nga sa pintuan ng condo ni Karylle ang dalawa nang biglang halikan ni Karylle si Billy sa labi nito. Sa una'y nagulat si Billy pero di kalauna'y sinuklian nya din ang mga halik ng dalaga. Tumagal lang naman ng dalawang minuto ang kanilang paghahalikan ng biglang sabihin ni Karylle na " I miss you, I hate myself kasi hanggang ngayon naiisip pa rin kita" at nagsimula na ngang tumulo ang luha sa mga mata ni Karylle gayundin si Billy dahil alam nya na hindi siya ang tinutukoy ni Karylle at nasasaktan sya na makita ang babaeng mahal nya na nasasaktan pero hindi sya susuko dahil gusto nyang pasayahin ang dalaga at para makalimutan na nito ang nakaraan nya.

              Kumatok na nga si Billy sa pinto at ilinuwa nito ang yaya ni Karylle na si Aling Rose at ipinasok na ni Billy si Karylle sa kwarto nito.

 

Aling Rose: Salamat iho ha sa paghatid sa alaga ko.

Billy: Walang ano man po, di ko naman hahayaang umuwi si Karylle ng mag-isa.

Aling Rose: Sige na iho umuwi ka na rin. Lumalalim na an gabi baka mapaano ka pa dyan sa labas. Ako na bahala sa alaga ko.

Billy: Sure po kayo? Baka kailangan nyo po ng tulong?

Aling Rose: Hindi na iho, salamat na lang kaya ko na'to. Hindi naman ito yung unang beses na umuwi sya ng lasing eh kaya alam ko na yung gagawin ko.

Billy: Ah ganun po ba, Sige po mauuna na ako.

Aling Rose: Sige iho mag-iingat ka.

Billy: Salamat po

                 

                   Pagkalabas na pagkalabas ni Billy ay hinawakan nito ang kanyang labi dahil naisip nya ang nangyari kanina sa kanila ni Karylle."Mahal ko na nga talaga sya" sabi nito sa sarili."Gagawin ko ang lahat para makalimot sya at para magawa nya na kong mahalin".Para naming baliw na kinakausap ang sarili nya habang nababakas ang pagkakilig sa mukha nya.

                    Tuluyan na ngang umuwi si Billy at habang mahimbing na natutulog si Karylle ay patuloy naman syang pinupunasan ng maligamgam na tubig ni Aling Rose at binihisan na din nito ang dalaga para maging komportable sa kanyang pagtulog.

 

 


Thank you for reading J I dedicate this chapter to all the Billyrylle fan out there hehehe... kaso alam kong nasaktan si Billy pero nakapoint naman xD Geh bye!


                                                                             

Unending Love (Vicerylle Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon