Chapter 3

32 1 0
                                    

It's been 5 years since the incident happened, but his eyes still remain the way it looks at me.

I stern my gaze to the pot, and i heard him cleared his throat like there's something in there. Once again i meet his deep blue eyes.

Mag sasalita pa lamang siya nang dumating na ang aking kapatid, at medyo nagulat pa sa nadatnan sa kusina. Kasunod ng aking ate si kuya Dylan na naka bihis na at buhat si Mia.

Nag salita ako, at sinabing tapos na ang aking niluluto. Nag hain na kami ni ate para maka kain na rin kami at ma kapag pahinga.

Sa kalagitnaan ng pagkain namin, tumikhim bigla si Kuya Dylan at sinabi kay Ate Emily na iniwan niya ang kanyang sasakyan sa talyer kaya nag pa hatid na lang siya sa kapatid niya. Tumango naman si ate at sabay tingin kay Adan na ginagalaw ang pagkain gamit ang tinidor.

Adan dito kana lang mag palipas ng gabi, mang hiram kana lang sa kuya mo ng damit. Tumingin naman si Adan kay ate na para bang nag da-dalawang isip pa kung tatanggi ba.

Sa huli tumango ito at nag pa tuloy kumain, tapos na kumain ang lahat at
nag prisinta ako na mag hugas nang mga pinag kainan. Tumayo na sila ate at kuya buhat si mia. Kami na lang ni Adan ang naiwan sa kusina.

Tunog ng pag bagsak ng ulan lang ang maririnig at langingit ng plato at kutsara na nag u-untugan sa isa't-isa, nang biglang nag salita si Adan. Ang baritonong boses niya ang lumukob sa buong kusina na nag patindig ng aking mga balahibo.

Na patigil ako saaking ginagawa at tumingin sakanya. Nag salita siya muli, ako na ang mag tutuloy neto mag pahinga kana sa taas. Tumaas ang aking kilay sakanya at napa isip
dapat siya ang mag pahinga dahil siya ang galing sa trabaho kanina.

Umiling ako sakanya at nag pa tuloy sa ginagawa, dinig ko ang kanyang malalim na pag hinga na tila walang nagawa kung hindi tumulong na lang saakin.

Habang nag sasabon ng mga pinag kainan, isang mainit na hininga ang dumapo saaking leeg at ang tunog ng huling plato ang narinig ko,  agad akong napalingon saaking likuran.

Sumalubong ang mga nakakalunod na mata ni Adan saakin. Nanlalaking mata akong nag salita "tangina nakaka gulat ka naman." ang malakas na halakhak ni Adan ang lumukob sa kusina.

Sinamaan ko siya ng tingin, at tinuloy na lang ang ginagawa. Sumandal si Adan malapit sa lababo, at pinapanood kung paano ako mag hugas.

Hindi ako maka kilos ng maayos, sa paraan ng pag titig niya saakin para akong nanghihina. "Tangina netong lalaking 'to alam na alam ang kaniyang ginagawa."

Nag mamadaling tinuloy ko ang aking ginagawa, sa pag pupunas ko ng mga plato hindi ko mapigilan na hindi mataranta, at  sa pag sasalansan ko ng mga baso.

Dumulas sa kamay ko ang huling basong ilalagay ko sa lalagyan, at ang tunong ng pag kabasag neto ang lumukob sa katahimikang meron sa kusinang 'to.

Dali-dali akong yumuko para pulutin ang malalaking bubog upang itapon. Nang bigla kong na diin ang aking daliri sa sobrang kabang nararamdan.

Napawaksi ang aking kamay sa sakit na dulot na tumusok na bubog sa aking hintuturo, piniga ko ang ang aking daliri at ang pulang likod umagos mula sa aking daliri.

Isang malaking kamay ang umagaw saakin neto, at hinatak ako patungong lababo upang hugasan ang daliri ko. Walang imik na nilisan ni Adan ang ang aking sugat.

Habang nililinisan niya ang aking sugat hindi ko maiwasang tumingin sakanyang namumulang labi dulot siguro ng kaniyang pag ka-kagat dito.

Pataas mula sakanyang labi, ang matangos netong ilong, mahahabang pilik mata at ang makapal netong kilay. Nag bigay saakin ng kakaibang pakiramdam.

Sa pag bitaw niya saaking kamay, umangat ang kanyang tingin saakin at sumalubong ang matang niyang nakikitaan ko ng pag-aalala.

Dali-dali siya tumayo at nilinis ang nabasag na baso. Habang ako naman ay umakyat na sa taas upang maligo at mag pahinga.

Naalala ko nga pala na isa lang ang guest room nila ate. Pag katapos kong maligo at mag bihis hinanap ko si Adan na galing labas.

Tinawag ko siya, at lumingon sa pinanggalingan ko. Lumapit ako sakanya lumukob agad saaking ilong ang amoy ng pabango at yosi na pinag halo.

Tinanong ko siya kung saan siya matutulog, sapagkat isa lamang ang guest room nila ate. Tumingin lang siya saakin ng matagal at umakyat na sa taas bitbit ang isang bag.

Pumunta ako sa kusina upang uminom ng gatas, at tumambay lang ng ilang minuto sa kusina. Umakyat na ako at pumasok sa guest room.

Tunong ng lumalagasgas na tubig mula sa banyo ang aking naririnig pag ka pasok ko sa kwarto. Nahigit ko ang aking hininga sa pag kakatanto ko na si Adan ang nasa banyo.

Shit, lalabas na sana ako ng kwarto ng tumunog ang pintuan ng banyo at nakita ko si Adan na naka tapis lamang ang pang ibaba niya ng towel na puti, at nag lalakad patungo saakin.

Hindi ko mawarian ang aking gagawin at paniguradong namumula na ang aking mukha. Amoy ang bagong ligong si Adan umatras ako paakyat sa kama nang maka lapit sa siya sa pwesto ko.

Nanlalaki ang aking mata bumulalas saakin bibig "Tangina" napatingin saakin si Adan na malamlam ang mga mata, na para bang wala lang sakanya 'tong mga nangyayari ngayon.

Tuod na natauhan, kinuha lang pala ni Adan ang damit at bumalik na sa banyo. Pag ka alis niya tsaka lamang ako naka hinga ng maayos.

Dali-dali akong humiga at nag talukbong ng kumot. Narinig ko ang pag bukas ng pintuan sa banyo, at lumubog ang kabilang side ng kama tila nanigas ang aking katawan ko.

Putangina, putangina sigaw ng utak ko, ba't hindi niya kase sinabing dito siya matutulog sa kama edi sana sa sofa na lang ako natulog.

Kahit naka talukbong ako ng makapal na kumot amoy na amoy ko pa rin ang bango na nangangaling sa katawan niya.

Tangina naman hindi ako sanay na naka talukbong, kaya naman wala akong nagawa kung hindi tanggalin ang pag kaka tabon ng kumot saaking mukha sumalubong saakin ang lamig ng kwarto saaking mukha.

Malalim na pag hinga ni Adan ang naririnig ko ngayon, at dahan dahan kong nilipat ang aking tingin sakanya.

Ang kanyang mahahabang pilik mata halos tumama na sa kanyang pang ilalim na mata. Tulog na agad. Siguro pagod talaga eto galing trabaho.

Ilang minuto ko pa siyang pinag masdan at napag pasiyahan ko ng matulog na.




Pieces Of TimeWhere stories live. Discover now