AUTHOR POVS
Hinawakan ni Louis ang kamay ni Jim hanggang sa masaksihan nila ang paglubog ng araw at ang pag akyat ng buwan. Bakas sa kanilang mukha ang magandang ngiti ng masaksihan nila ito magkasama. Bumungad na rin sa kanila ang mga paru-paro na iba’t iba ang kulay. Napahanga si Jim sa maala pantasya nito tignan.
“I told you magugustuhan mo sya.” Louis said while looking at the flying butterflies.
“Tama ka nga.. nakakamangha. Lalo na ang mga paru-paro. Paano mo nalaman ang lugar na ito?” Jim asked.
“Sa panaginip ko.”
Nagtaka bigla si Jim sa mabilis na sagot ni Louis.
“Nung una hindi ako naniniwala na may ganitong lugar subalit may humahatak sa akin na puntahan ko ito. Hindi ko maintindihan kung bakit ko sya nakita at ramdam ko nakapunta na ako rito noon.” Saad ni Louis.
“Alam mo ganun rin nararamdaman ko.. parang nakapunta na ako dito noon. Siguro nung bata ako napunta na ako dito.” May pagtataka si Jim sa nararamdaman nya subalit hindi na lamang nya ito pinansin.
“Siguro nga..”
Pareho sila natahimik at pinagmasdan ang mga paru-paro.
“I like you, Jim.”
Bigla nanlaki ang mata ni Jim at napatingin sa gawi ni Louis. Hindi ito nakatingin sa kanya kundi sa malayo.
“ Ano?” Taka nito.
“I said I like you.”
And this time Louis look at Jim.
“Nung una pa lamang kita nakita. Hindi ko maintindihan kung bakit nahulog ako sayo. Sana hindi ka mailang sa akin dahil sa pag amin ko sayo.”
He said with a sweet smile. Still, Jim remain speechless.
JACOB POVS
Naglalakad ako papunta sa bridge. Inabutan na ako ng paglubog ng araw pero ayos lang maganda nga kapag gabi sa bridge na yun.
“Malamig pa rin ang hangin..”
Angal ko buti nalang naka coat ako ngayon. Napahinto ako sa paglakad ng makarating ako sa bridge. May nasisilayan kasi ako lalaki na nakatayo at nakatingala sa tapat ng Cherry blossom.
‘Kilala ko ang Lalaki na ito, ha?’
Nilapitan ko pa ito at doon ko na nga ito namukahan. Sya yung lalaking sinuntok ako dahil sa corndog!
Nagawi ang tingin nya sa akin kaya nagulat sya at napaatras ng kaonti.
“Ikaw!?” gulat pa sya ng makita ako.
“Oo ako nga! Ikaw!? Ano ginagawa mo rito?” Inis ko tanong sa kanya. Sa dami ng makikita ko, sya pa talaga!?
“Tinatanong mo!?” Inis naman nya pamimilosopo sa akin.
“Edi hindi ko na itatanong. Sungit.” Angal ko. Arte nya!
“Tss! Napunta lang ang paa ko dito. Naglakad-lakad lang kasi ako.” Sagot nya pa. Sasagot rin pala umangal pa!
“In the middle of snow fall?” I asked curiously.
“Oo.. gusto ko rin kasi mag muni-muni.” Medyo mahinahon ang sagot nya sa akin.
“Ako rin.. pareho pala tayo ng pinunta dito. Bored kasi ako sa bahay at nakipag date pa kapatid ko.” Hindi ko alam bakit lumabas sa bibig ko ang tungkol kay kuya.
“Same. Nakipag date rin kapatid ko. Sa lalaking nakita nya sa bridge.”
Napatingin ako sa kanya. Pareho kami ng sitwasyon akalain mo nga naman.
“Same rin. Mukhang maayos naman ang ka date nya kaya pasado sa akin.” Sambit ko.
“Sa akin rin eh.. kaso parang masungit nung una kong kita sa kanya pero.. pwede na rin. Pasado na.” patango-tango pa sya.
“ Ano ba pangalan ng kapatid mo?”
“Jim. Ikaw?”
Bigla nanlaki ang mata ko at napanganga pa. Kapatid nya yun!?
“Jim!? Weh!? Lhu! Si Louis kapatid ko! Sila ang magka date!” Nanlaki rin ang mata nya at napalayo sya bahagya sa akin.
“Lha! Si Louis? Kapatid mo!? Paano!?”
‘Mapanlait!’
“Mapanakit ka na ahh!” Angal ko sa kanya. Parang babae makaangal. Tinawanan lang ako ng loko. Nakakapikon ahh! Hindi ba kami magkamukha ni Louis!?
“Tama rin naman kasi ako eh. So, kaya pala pareho tayo ng rason dahil sa kapatid natin.” Napataas kilay sya at napa cross arms.
“Oo nga.. hindi ako makapaniwala na kapatid mo sya.” Aniya ko. Hindi naman talaga ako makapaniwala. Aba magkaiba silang magkapatid. Ang bait ni Jim tapos sya maldita.
“Hindi ko rin naman akalain na kapatid mo sya.”
‘Oh diba ang maldita!’
“Kung ganun.. bakit hindi rin tayo mag date? Para it’s a tie!”
‘Bakit ko nasabi yun? Lalaki ito eh!’
“Ano!? Baliw ka ba!? Anong it’s a tie! Buhulin kita dyan eh!” Angal nya pa.
“Choosy ka pa!? Ako na nga ito nag suggest eh! Ako na lumalapit sayo!” Hindi ko maintindihan ang sarili ko bakit ko sinasabi sa kanya ito!
“Aba! Parang ako pa masama!? Hoy! Hindi ako makikipag relasyon sa katulad mong mang aagaw ng corndog!”
SA CORNDOG PA RIN!?
“Aba’t! Bakit ba!? Paborito ko yun eh!” Angal ko naman.
“Ako rin naman ah! At saka nabili ko na yung corndog bago ka sumingit sa eksena!” Angal nya rin.
“Haysst! Oo na! Kasalanan ko na! Tss! Sorry!” Pagsuko ko na grabe hirap nya katalo kaso nasa katwiran naman sya.
“Ano!?” Nagmaang-maangan pa.
“Isang beses ko lang sasabihin!” Inis ko sambit.
“Edi bye na!”
Sabay lakad palayo. Aba’t – nakakainis sya!
“OO NA! SORRY NA!” Lagi nalang ako ang sumusuko!
“Hindi sincere..” angal nya pa rin!? Dami nyang angal ah!
“Okay.. I’m sorry.. please forgive me..” kinalma ko na ang sarili ko para sa kanya.
“Okay.. apology accepted. Now.. dahil mabait ka. Libre mo ako corndog.” Pag aaya nya sa akin na may kasama pang nakakalokong ngiti.
“Haysst! Galing mo rin eh. Lika! May alam ako spot!” Bilis ng moves nya makaka libre pa sa akin.
“Yehey!” May kasama pa syang palakpak sa tuwa. Hayy ewan ang weird nya.
AUTHOR POVS
“Ano.. okay lang naman hindi mo ako sagutin eh.. sinabi ko lamang sayo para.. mabawasan ang kaba ko.. ganun.” Aniya ni Louis kay Jim.
Jim chuckles dahil hindi ito makatingin sa kanya.
“Ang cute mo kapag nagba-blush ka.” Lalo pa hindi makatingin si Louis sa kanya.
“B-Blush? Ako? Tss! Hindi noh!” Pag aanlinlangan pa nito.
“ AHAHA! Louis..” natawa na lamang si Jim.
“O-oh?” Natatarantang may halong kaba si Louis.
“I actually like you too.. ako rin nagkaroon ng love at first sight sayo.” He answered and put a smile.
“Ha? Talaga?”
Tumango si Jim at sa sobrang saya ni Louis napasigaw sya sa langit at niyakap ng mahigpit si Jim.
YOU ARE READING
HAVE WE MET BEFORE (Yoonmin au) (COMPLETED)
FanfictionWhere in year 2016 Louis Williams (Min Yoongi) is a farmer and live in Japan to teach piano lesson while Jim Loren (Park Jimin) who loves capturing pictures of random people and nature goes to Japan to visit his grandmother. - Bakit nararamdaman ko...