CHAPTER 10: PICTURES & PAST LIVES

267 14 0
                                    

JIM POVS

Tinawagan ko si Louis tungkol sa nangyari sa bahay namin. Sinabi nya rin sa akin na ganun rin naging reaksyon ng mom nya. Hindi ko maintindihan bakit sila ganun sa amin ni Louis.

Nasa attic ako ngayon may hinahanap akong cd sabi kasi ni manang mayroon raw dito si lola. Gusto ko lang kasi magpatugtog for less stress kakaisip. May nahanap akong box at doon may nakita akong album. Pero hindi album ng mga singers kundi photo album.

Binuksan ko yun at bumungad sa akin ang picture ni lola kasama si lolo. Habang nililipat ko ang mga pahina may nakalikdaan akong isang photo. Nanlaki ang mata ko ng makita ang isang babae kamukhang-kamukha ko.

May nakalagay na pangalan na Jen. Naghanap pa ako ng picture nya at mayroon pang isa subalit kalahati lang iyon parang sinunog ang katabi nya. Napatayo ako bigla kaya tumama ako sa lamesa na nasa likuran ko. Bumagsak ang vase at nahatak ko ang kurtina na nakatakip sa isang frame.

Napanganga lamang ako sa frame. Yung kamukha kong babae ang nasa frame. Napatingin rin ako sa katabi nya at dun na ako napatakip ng bibig at lumuha. Si Louis ang katabi nya.

Bakit mayroon kami picture nito? Bakit!?

May napansin ang mata ko na isang record player. May papel doon at ang nakasulat.

"Let it be me..?"

Pinatugtog ko ang player at bigla ako nakaramdam ng bigat sa dibdib ko.

What is happening? Why am I feeling so happy and sad at the same time?

"JIM!"

Isang malakas ng pagbukas ng pinto ng attic ang narinig ko. Nakita ko ang paglaki ng mata ni dad habang nakatingin sa picture frame namin ni Louis.

"Dad, can you tell me who is she?"

I pointed to the woman in the frame.

LOUIS POVS

Nasa attic ako para kunin ang notes ko. Matagal ko na rin kasi gusto patugtugin yun kaso nakakatamaran ko lang hanapin sya.

Nang makita ko na ang box para sa mga cord notes kinuha ko ito subalit may nahulog na box na isa na nabangga ko.

Pinulot ko ang mga old pictures na nakakalat at dun ko napansin ang punit na picture ko na may kasamang babae.

"Bakit punit ito? At saka hindi naman ako nagsusuot ng lumang damit?"

Kinalkal ko pa ang loob ng box at doon ay nakita ko ang picture ni Jim pero babae sya at na sa cherry blossom at picture magkasama sa kasal nila.

" Bakit kasal kami ni Jim dito? Ano ba ang mga pictures na ito?

JIM POVS

Hindi nakapag salita matapos ko sya tanungin tungkol sa picture namin ni Louis. Ang luma na ng litrato at hindi ko maintindihan kung bakit magkamukha kami ng babae sa picture. Lalo na kamukha ni Louis yung nasa frame.

"Dad? Who is she?" i asked again.

"Your aunt."

I frowned.

LOUIS POVS

Umalis na ako sa attic at pinuntahan si Mom na nasa kusina upang itanong sa kanya ang picture namin ni Jim. Pag bungad sa akin sa kusina nandun sila lahat. Si Jacob na kumakain, si Dad na kumuha ng tubig at si mom na nagluluto.

"Mom? I found this sa attic natin?"

Pinakita ko sa kanya ang picture at bigla nalang nya naihulog ang sandok.

"Tinago ko na yan!" Yan ang sagot nya sa akin.

'Bakit naman nya itatago ito?'

"Well uhh nakita ko po eh. Sino po ang lalaking kamukha ko at ni Jim?" taka tanong ko.

"Hindi mo na kailangan malaman -" hindi ko na sya pinatapos pa magsalita. Kailangan ko malaman kung sino sila.

"Mom! Kailangan ko po malaman. Who is he? Why is he look like me?" I asked her again and she gulped.

"He is your uncle. "sagot nya sa akin. I frowned.

"Bakit hindi mo sya nakukwento sa akin?" Totoo rin naman na hindi nya nakukukwento about kay Uncle.

"Dahil hindi na namin gugustuhin pa maalala ang nangyari sa kanila ni Jen!" sagot nya na lalo ko lang pinagtaka.

"Kaya ba nung nakita nyo si Jim.. ayaw nyo na agad sa kanya? Dahil ba sa kamukha nya ang babae na ito?" Sagot ko sa kanila.

"Oo.. dahil nakikita namin mauulit na naman ang past nyo." She answered.

"Nak, natatakot lamang kami para sa inyo." Singit na ni dad.

"Sino po ba ang babae sa picture?" Nagtataka na talaga ako sa nangyayari. Ano ba mangyayari sa amin? At anong mauulit?

"Jim's aunt. I heard na dapat ipapangalan nila kay Jim ay Jen pero lalaki pala ang lumabas kaya Jim ang pinangalan nila at ikaw kapangalan mo ang tito mo. Silang dalawa na nasa picture. Mag asawa sila at una sila nagkita kung saan una kayo nagkita ni Jim." Paliwanag ni mom.

"Sa bridge?"

Mom nodded.

JIM POVS

Nasa living room kami lahat. Sabi kasi ni dad na kailangan ko na raw malaman ang katotohanan tungkol sa aunt ko at sa uncle ni Louis.

" Its all started in the Sahogawa bridge." Dad said to me.

HAVE WE MET BEFORE (Yoonmin au) (COMPLETED)Where stories live. Discover now