Chapter 12

42.3K 2.9K 5K
                                    

Chapter 12

There are different types of evil. Most of them have different ranges too. Ang isa sa mga malala ay 'yong alam mo na ngang nakakasakit ka ng tao pero wala kang pakialam. Wala kang pakiramdam kung makatapak ka ng tao basta ba't masaya ka.

The true root of ruthlessness is the lack of empathy and the veins that become shackles to stop people from being kind is insensitivity. Walang sobrang sensitive na tao, marami lang talagang walang pakialam.

I gritted my teeth in rage as I glared at him while he was still smiling at me.

Sobra kang insensitive, Leand! Ang kapal ng mukha mo! He should have told me earlier! Hindi ako papayag na sumama rito kung alam ko lang! I just thought it was a party with them—not a party for them!

"I believe most of you know her as my ex. Siya rin ang nagpakilala sa akin kay Astrid, without her, I won't meet the woman of my life. I'm grateful towards Miye for that sole reason," saad n'ya at pinaunlakan n'ya ang pagpunta ko roon sa stage.

I wouldn't go near it. Nanigas na ako nang tuluyan sa aking kinauupuan. Napansin ito ng mga katabi ko. Markus snorted and averted his gaze, refusing to help. Loraine was worried but she also decided not to barge in. Pero si Caroll. . .she was smiling at me.

Did they plan this?

Did they want me to clear their names during their engagement party?

Hindi nila magawang mag-sorry pero kayang-kaya nila ipasan sa akin ang ginawa nilang kagaguhan?

"Huy, Miye. Tawag ka sa harapan," yakag ni Caroll. Siniko n'ya pa ako dahil magkatabi lang naman kami.

"W-wala naman akong masasabi. . ." I ignored their persistent stares. It was the truth, ano naman ang sasabihin ko sa harapan 'di ba? I would only have an outburst. . . I wouldn't want to destroy their day.

Let me just go home, please.

"Miye, kahit sana ilang salita lang. Pagbigyan mo na sila," Markus said and even looked at me pleadingly.

How about me? Halos magmakaawa na rin ako gamit ng mga tingin. Kahit konting awa ba para sa akin ay wala sila? I don't want to ruin their day but I also don't want to congratulate them either. Ayoko isipin ng iba na hindi nila ako nasaktan kahit ang totoo ay hanggang ngayon iniisip ko kung ano ang ginawa kong mali sa kanila.

It feels unfair that sometimes you're the one who gets hurt but you're also the person who has to forgive. Yet, it might be because those who have the capability to hurt someone aren't capable of forgiving their own mistakes.

"Ayoko talaga. . ." I uttered in dismay. "Uuwi na lang ako."

Bahagyang gumalaw ang lamesa. Naramdaman ko ang padabog na pagbaba ni Loraine ng kan'yang baso. It made my head turn in her direction.

"Gan'yan na ba katigas ang puso mo, Miye?" Loraine blurted out which made me look at her. She was looking at me with disappointment.

"Intindihin n'yo naman ako. . ." humibik ako nang mahina. "Hindi ko naman intensyon na sirain 'yong araw nila kaya 'wag na lang, sige na pagbigyan n'yo na ako, ayoko magsalita sa harap. . ."

Kahit ang mama ni Leand ay napailing. She was obviously upset too. Pinag-krus n'ya pa ang kan'yang mga braso habang nakatitig sa akin. She never did that to me but now I have no doubts anymore that she was siding with her son. Hindi ko naman siya masisisi, anak n'ya 'yon e.

Caroll sneered at me. "Huwag n'yo na pilitin. Di naman kawalan ang mensahe ni Miye. Wala nga siya ng dalawang taon sa buhay ng mga 'yan. Gan'yan siya ka-selfish. . ."

Loss of Feelings | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon