Chapter 59

36.9K 1.5K 473
                                    

Chapter 59

Dali-daling nagtatakbo ako palabas ng hospital. My mind went haywired, natuliro ako bigla nang marinig ang histerikal na boses ni Mama. Nagtatahip ang dibdib ko sa sobrang kaba dahil hindi ko alam na may sakit pala si Papa. He was doing well when I left home. Kinain ako ng konsensya ko dahil ni hindi ko natanong kung kamusta na ba siya.

Nangingilid na ang luha ko. Kahit hindi kami palaging magkasundo ni Papa, hindi pa rin naman nawawala ang pagmamahal ko sa kan'ya. Kaya nga hirap na hirap akong kalabanin siya. Hirap akong iwan sila. Kasi kahit hindi ko responsibilidad na buhayin sila, may responsibilidad ako bilang anak na mahalin sila.

Tumawag ako kay Saturday, nagbabakasaling baka nandoon siya ngayon at baka masagot n'ya kung saang hospital dinala si Papa.

"Saturday," hagulhol ko sa linya ko.

She gasped. "Ate? Anong mayroon? Bakit ka umiiyak?"

"Nasaan ka?"

"Sa bahay."

"Nasaan sina Papa at Mama? Saan hospital dinala si Papa—"

"Hospital?" tulirong tanong ni Saturday. "Ate, teka, baka naman napano ka na?"

Tumulo ang mga luha ko. "Hindi, tumawag si Mama. Inatake raw si Papa sa puso! Hindi ko na alam gagawin ko, Sat. Nasaan ba siya? K-kamusta ang lagay n'ya?"

There was a trail of silence on her end. Hinintay ko ang kan'yang pananalita pero isang mahabang buntonghininga ang pinarinig n'ya sa akin.

"Nandito lang sila," she said in a small voice. "Lasing lang, Ate."

My heart broke. Para akong isang bagay na binasag. It felt like my whole body met with a sledgehammer. Nanginginig ako habang hawak ang phone ko.

"Hindi magandang b-biro. . ." saad ko habang unti-unting nanghihina. Gusto kong sumigaw pero wala na akong lakas.

"Alam mo naman kung gaano ka-OA minsan si Mama. Pero. . .naririnig ko sila sa sala. Ikaw ang pinaguusapan."

My teeth chattered in rage. "At bakit kailangan magsalita nang gano'n? Paano kung natuluyan? Paano kung inatake talaga? Parang tanga naman!" bulalas ko dahil sa tindi ng galit sa ginawa nila.

I hate how they think it was a good joke! Bakit kailangan magsalita ng gano'n? Alam naman nilang seryoso ako sa kanila. Hindi ko nga sila kinakausap na parang tropa lang. Ang laki ng respeto ko sa kanila kahit minsan parang sila ang walang respeto sa akin! Oo, anak nila ako! Pero parang ewan lang! Tao din naman ako na p'wede nilang bigyan ng kahit katiting na respeto!

Sumasabog ang galit sa dibdib ko. Alam ko na dapat kumalma ako. Biro lang naman daw. Pero paano kung ulitin nila? Paano kung totoo na? Naliliyo ako habang pumapara ng isang taxi papunta sa bahay namin.

I have to confront them. I have to set one thing straight. Hindi magandang biro ang ginawa nila. No parent would want to scare their children like that! Para saan ang ginawa nila na 'yon?

Habang nasa byahe ay patuloy lang ako sa pag-iyak. I noticed a few messages from North but I closed my phone to avoid seeing any notifications. Hindi ko kayang makipag-usap habang ganito ang emosyon ko. I could lash out on them! Because I've been bottling my emotions for too long!

Dumating ako sa bahay na bagsak ang dalawang balikat. May namumuong galit sa dibdib. Padabog kong binuksan ang gate, nanginginig pa habang kinakalikot ang susi. In my mind, I wished that I had a wrong hunch. I prayed that I was only thinking of what's worst. I hope that once I'm inside, I will be proved wrong.

Loss of Feelings | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon