Chapter 43

31.4K 1.6K 1.2K
                                    

Chapter 43

I was an awful sister. I was a bad girlfriend. I'm a failure as a daughter. Lahat ng 'yan ay tumatak sa 'kin na para bang mga marka na hindi ko kayang mabura. It was written in the sky, for everyone else to see. It pained me because I was aware that it's all true.

"Lumayas lang naman si Tuesday, OA lang talaga si Mama." ani Monday na naghuhugas ng pinggan. "Nakakainis! Dapat sina Saturday at Sunday ang naghuhugas e! Bakit ba kasi lumayas si Tuesday! Nabuntis lang, naging madrama na!"

I wasn't eating despite the food being my favorite. Ngayon lang ako lumabas ng kwarto at di ko namalayan na ilang araw na pala akong nakakulong doon. Sunday and Saturday can't look at me, ramdam ko ang pagtatampo nila sa 'kin. Hindi ko alam ang dahilan pero marahil dahil ito kay Tuesday. After all, they were closer to her than to me.

It only plummets down my mood. Kung sabagay, mas naging ate naman si Tuesday kumpara sa akin. Ako na walang inisip kundi si North at ang sarili kong mga problema. I wasn't able to look over them.

Ate ba talaga ako? Panganay ba talaga ako? Kung di ko naman kaya pangatawanan ang mga 'yon.

I failed at something that I should be the one who strives more. Ako 'yong panganay pero mas naging ate pa si Tuesday sa akin. Wala na akong maiyak kaya tanging katahimikan na lang ang humihiyaw ng sakit sa loob ng aking dibdib.

"Itabi n'yo kay ate Tuesday ang leg part! Fave n'ya yon!" ani Friday habang kumukuha ng pininyahang manok. He looked at me and tried to spread a goofy smile.

"Wala naman na siya!" Monday shrugged off, winaksi ang mga kamay at tumalsik ang tubig mula rito papunta kay Friday. "Pero babalik 'yon. Madrama lang talaga."

"Kuya Monday, tumahimik ka na nga lang." Saturday rolled her eyes, nakaupo sa harap ko at hindi rin magalaw ang pagkain. "Iisa na nga lang paborito kong kapatid, nawala pa."

That felt like an arrow wrapped in thorns being aimed at my heart. Tinitigan ko si Saturday ngunit kiming-kimi itong nakatitig sa pagkain n'ya. Mugto naman ang mga mata ni Sunday habang pilit kumakain.

"Kayo na maghugas ng pinagkainan n'yo ah! Hinugasan ko na 'yong akin!"

"Dapat hinintay mo muna kami matapos Kuya Monday!" saway ni Saturday.

Naririnding umirap si Monday. "Hugas lang! Tinatamad ka pa! Edi 'yang si Friday ang paghugasin n'yo!"

"Bata pa si Friday!"

"Paano 'yan matututo?!"

Tumikhim ako nang mahina. "A-ako na lang maghuhugas."

Hindi sila kumibo. Lumingon lang sila na para bang may sinabi akong mali.

Nabalot kami ng katahimikan. Kahit si Monday na maraming sinasabi kanina ay nanahimik. Friday was the only one who ended the reigning silence.

"A-ako na lang po, Ate Miye. Papaturo ako kay Ate Sat." Friday said, meekly.

"Kami na lang d'yan, ate." ani Sat.

"Okay na, Ate Miye." sangayon ni Sunday. "Kaya na po namin 'yan."

I looked at our round table but I could feel the distance between us. Sobrang layo namin sa isa't isa. Parang isang long table ang gamit namin at nasa dulo ako. Hindi ko sina maabot. Parang hindi ko sila kilala.

Bakit hinayaan kong maging ganito kami kalayo sa isa't isa? Ganito ba ako naging busy? I lost touch with them and now. . .I don't know where to start.

They say it's hard to befriend strangers but it's harder when you have to befriend someone close to you that became a stranger. And right now, it hurts because we're of the same bloodline.

Loss of Feelings | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon