hi po. pwede niyo po bang sagutin to? :)
******************************************************************************
Mae's POV
habang andito ako sa park nakakita ako ng dalawang old couple. malamang dalawa sila hindi naman pwedeng couple pag isa lang diba? aiiiish! pilosopo ko talaga. haha! deeeee joke lang!
ang sweet nila, pero bago pa sila naging sweet meron din ba kaya silang mga pagsubok na naranasan? diba kung sa quotes ay merong "after the hurricane comes the rainbow" pero paano kung puro hurricane nalang at walang rainbow? posible bang maging forever pa rin at may happy ending sa huli? malamang wala naman sigurong happy ending sa unahan diba? ayy joke lang ulit! HAHAHA!!!
balik na nga tayo. loka ko kasi kahit nasasaktan na. pero bakit nga ba tayo nakakaranas ng sakit? bakit sa tuwing tumatawa tayo ay may darating na luha at pagsubok pagkatapos noon? hindi ba pwedeng maging masaya nalang palagi para wala ng maging bitter kagaya ko? hindi ba pwedeng makita mo nalang kaagad si Mr. Right para hindi ka na masaktan ng iba? pwede mo bang kunin nalang ang pana ni Kupido at ipana ito sa kung sino ang gusto mo para mahalin ka rin niya?
sakit ng maiwan noh? mas masakit pa ito sa kahit anong sugat o paso na iyong nararamdaman. hindi man ito nakikita pero kung ito ay tumama sa iyo doble, triple o ano pa karami ang sakit na madadama mo.
END OF POV
hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako rito. ang dami ko talagang iniisip hindi naman ako ganito noong wala pa si Mark sa buhay ko.
wait anong oras na nga ba? ayyyy tang*na 2:00 na pala! lagot late na ako sa afternoon classes ko.
dali dali akong pumunta sa school hindi na ako umuwi para magbihis maganda naman ako kahit ano pang look ko. haha! Messy look muna ako ngayon. bongga diba! hahaha! pero kahit na sa anong itsura ko o kahit na maganda pa ako iniwan pa rin ako. hindi pa rin nakontento yung si Mark. tssssssss.
andito na ako sa school nakita ko na ang BFF kong si Drake. simula pa noong nasa sinapupunan pa kami ay mag BFF na kami dahil sa BFF din ang mga magulang namin. hindi na rin nga pala ako pinapasok sa klase namin dahil late na ako kaya tambay2x lang naman din sa canteen ang peg ko ngayon.