andito kami ngayon sa KFC. hindi na rin kami pumasok sa klase pa namin. hindi na rin umiiyak si Mae pero halata pa ring nasasaktan.
D: Okay ka lang ba?
M: palagay mo? okay lang ba ako?! tanga ka rin nho!!!
D: tsss. oo at hindi lang ang sagot dami mo pang sinasabi hahalikan kita diyan! hahaha!
M: wow! may gana ka pang mag joke! palibhasa hindi ka pa kasi naiwanan, ikaw kasi ang nang iwan! bakit ba iniiwan niyo lang kaming mga babae? hindi ba sapat ang mga nagawa namin sa inyo? o dahil nagsawa nalang kayo at gusto niyo na lang maghanap na naman?
hindi ko nalang sinagot si Mae dahil baka mag away na naman kami, tinawanan ko nalang siya at kumain na dahil sa totoo lang wala naman talaga siyang alam sa amin ni Annika noon. hindi niya alam na iniwan ko si Annika dahil siya ang pinili ko. pano ba naman pinapili ako ni Annika ehh dahil feel niya kasi na mas may time ako kay Mae kaysa sa kanya at mas binabantayan ko pa ito. Kaya ayon pagkatapos kong pinili si Mae iniwan ko na si Annika para hindi na siya masaktan.
M: ohh! natahimik ka diyan?! tama ako noh? tss! mga lalaki nga naman!
D: wala lang alam okay?
M: bakit? may dpat ba akong malaman? nakakatakot naman ang tono ng boses mo.
D: wala. sorry! *sabay peace sign ko*
M: uwi na tayo babe! ^^,
babe nga pala tawagan namin ni Mae, ewan ko ba bakit may endearment kami. ganoon lang siguro kami maglambingan. hahay! pero alam niyo sa tuwing tinatawag niya akong babe nakaka heavens talaga ang feeling. ewww! OA ko para akong bakla. haha! pero ganoon naman talaga pag mahal mo ang isang tao diba? nagiging sweet ka...
nag drive na ako pauwi mga isang oras ang biyahe dahil papaano ba naman tong si Mae ayaw kumain doon sa malapit na KFC gusto talaga doon sa malayo dahil para masaya daw. ano yon?! sayang lang ng gas pero bahala na mahal ko eh.
dito na ako sa condo namin, nakatulog na rin pala si Mae. tulog baboy talaga to! binuhat ko nalang siya yong parang bagong kasal. hahaha! sweet naman kakakilig. andito na ako sa kwarto niya, bango talaga ng room niya amoy ng isang baby kagaya niya, sana ganito rin ang amoy ng baby naming dalawa. gawa kaya kami ngayon?! ayy deeee! joke lang! hahaha! paano ba naman ang hirap magpigil basta si Mae andito na sa kama. ang kinis kasi at parang anghel kung matulog.
ewan ko nga ba kung anong naisip ni Mark noong iniwan niya si Mae. ehh! andami kayang naghahabol dito sa bestfriend ko. maganda kasi at mabait kahit minsan daig pa si Vice ganda kong magpipilosopo. haha!
dito lang ako sa tabi ni Mae habang natutulog siya, madami akong naiisip at naaalala.
FLASHBACK!
M: Gusto kita Drake!
D: hahaha! kaw talaga babe!
M: bakit ba hindi ka makapaniwala? alam kong hindi ito tama pero basta gusto kita. gusto mo rin ba ako?
D: Hindi. dahil asadkjskdljal
tang*na! hindi man lang ako pinatapos ni Mae. tsssss
M: ahh, okay lang iyon. haha! siguro hindi ako ang type mo. sige lang bestfriend din naman kita forever, dba? okay na yon!
D: patapusin mo nga ako!!!! tsss
M: nako! wag na, okay na. alis muna ako ha. punta ako sa Mall
at iyon umalis na siya hindi man lang ako pinakinggan. bakit ba ganito ang mga babae? hindi marunong maghintay.
"Hindi kita gusto Mae dahil MAHAL KITA, MAHAL NA MAHAL!"
iyon pa naman ang gusto kong malaman niya pero pano ba yan huli na. ayaw na niyang makinig sa akin.
END OF FLASHBACK
madaming beses akong sumubok na ipagtapat sa kanya iyon pero pano wala pang right time ehh at sa tuwing gusto ko na itong sabihin ay palaging may nangyayari. may mga istorbo at kung ano ano pa. kaya heto ako ngayon nagsisisi dahil hindi ko mn lang naipagtapat kay Mae ang nararamdaman ko ngayon sa kanya kaya ayon matapos noong pagtatapat niya sa akin nakilala niya si Mark na walang ibang ginawa kundi paibigin ng paibigin si Mae sa mga bola niya at ito naman si Mae nahulog ka agad. hahay!
sana mahal mo pa ako mae! *naibulong ko nalang ito habang nakatitig sa kanya*
papunta na sana ako sa kwarto ko ng nagsalita si Mae habang tulog. "Mark, bumalik ka na please. "
hahay! di ko tuloy mapigilan ang pagpatak ng luha ko kaya imbis na bumalik ako sa kwarto ko ay pinuntahan siya at agad na niyakap at hinalikan sa pisngi.
"Mae, kung alam mo lang ang plano ni Mark.. gusto ko mang sabihin pero baka hindi ka maniwala at baka magalit ka pa sa akin. iloveyou Mae"
hindi ko na napigilan ang pag iyak ko kaya pumunta na ako sa kwarto. inaamin ko hindi ito unang beses na umiyak ako dahil kay Mae. maraming beses na ito. lalaki ako at tao rin ako kaya hindi masama ang masaktan. at mas lalong hindi masama ang umiyak sa taong mahal mo ng sobra.