nagising nalang ako sa amoy sunog na kung ano ba yon! puno ng usok ang kwarto ko kaya dali dali akong pumunta sa kusina at doon ko nakita si Mae na umiiyak.
D: oyy! ano ba yan? ang baho! sabay ubo ko.
M: nagluto kasi ako pero paano ba yan hindi ako marunong. ayan tuloy nasunog ang niluluto ko. sorry. sabay iyak ng iyak.
D: naku! okay lang yan wag ng umiyak babe. sige doon ka nalang sa kwarto at ako na ang magluluto ano ba gusto mo?
papasagot na sana si Mae ng bigla kong nakita ang kamay niya na napaso ng mantika. agad ko kinuha ang gamot. mas mabilis pa nga ako kay flash kung kumilos.
D: ano na ka ba babe ayan tuloy nagkapaso ka. masakit ba? sabi ko naman sa iyo diba na mag ingat ka ayaw kong nakikita kang nasasaktan at umiiyak, sana ginising mo nalang ako para ako na ang nagluto ng almusal natin. ayan tuloy napaso ka.
M: gutom na ako babe eh. at saka okay lang naman hindi naman masakit kaya wag na galit okay at wag ng mag alala. okay? ako pa sing lakas ko kaya si Darna at isama mo pa ang ka HOTan niya. hahaha!
D: nakuuu! alam mo naman na hindi kita matitiis ehh. oh sige hindi na ako galit. basta ipangako mo ha na hindi mo na sasaktan ang sarili mo at mag iingat ka na palagi? iloveyou!
M: iloveyoutoo babe! ayieeee! mahal na nya ako. first time to ahh. haha! kilig much naman ako!
D: matagal na kaso hindi mo ako pinataposehh.
M: ano? ingay kasi ng speaker mo. patayin mo nga yan.
D: ahh wala! haha!
mabuti nalang at hindi niya ito narinig dahil hindi pa ako ready at natatakot pa ako kaya iniba ko nalang ang usapan.
D: babe, gusto mo bang kalimutan si Mark?
M: oo naman, bakit? ikaw gusto mo na bang kalimutan si Annika?
hindi pa rin pala alam ni Mae na ako nga ang nang iwan at matagal ko ng iniwan si Annika pero para hindi halata sinabi ko nalang sa kanya na
D: oo gusto na rin, may plano ako.
M: ano na naman yon? hoy! wag mo akong isama dyan sa kalokohan mo ha! baka suntukin kita.
nginitian ko nalang si Mae at hindi ko nalang tinuloy ang plano ko dahil baka hindi siya pumayag at mas masakit yon kung hindi man iyon matuloy kaya tumakbo nalang ako. hahaha!
hindi rin ako nabigo dahil hinabol din naman ako ni babe ko. ganito talaga kaming mag BFF. habulan ang gusto naming laro. sweet dba? haha!
andito kami ngayon sa sahig pano ba naman ang clumsy din nitong si Mae natumba ba naman matapos kong habulin at higit sa lahat natumba ito ng naka hug na position. ayy basta yun na yon! dahil kapag sinuwerte ka nga naman at ang ganda din ng ihip ng panahon nagka dikit ang na naman ang labi namin ni Mae. hindi man ito first kiss namin pero iba ang feeling dahil aksidente ito ngayon at sobrang kilig ko. ang pula ko yata ngayon daig ko pa ang kamatis at ang mas naikatuwa ko ang noong nakita kong namula rin ang pisngi ni Mae.
hindi pa rin kami gumagalaw ni Mae, oo! yung mga labi magkadikit pa rin. dahil sa lalaki ako at hindi ko napigilan hinalikan ko siya ulit, hindi na ito smack ngayon kundi kiss na kiss na talga ay basta yong ano. laking gulat ko ay nag respond naman si Mae. hindi ko magawan tapusin ang paghahalikan namin ni Mae matagal ko ng pinapangarap to. ang sarap ng kanyang mga labi kasing sarap ng mga tsokolate. ang amoy niya, amoy baby. gusto ko to. gusto ko lahat ng ito. pero sandali lang!!! tinigil ko ang paghalik ko kay Mae.
D: sorry. hindi ko sinasadya.
M: okay lang. habang nakayuko
tinigil ko iyon dahil baka isipin ni Mae na pinagsasamantalahan ko siya at baka wala akong respeto sa kanya pero hindi naman iyon totoo dahil sa totoo lang lagpas langit ang respeto ko sa kanya kahit minsan nahihirapan na ako.