Ako nga pala si Shanice Mae Dela Cruz. "Mae" for short. isang 18 years old at MedTech student sa isang sikat na unibersidad. Mabuti at isang masunuring anak. NBSB ako noon pero lahat ng iyon ay nagbago simula ng makilala ko si Mark. Oo si Mark, siya lang naman ang first love ko at hoping na maging last na rin pero hindi na pwede. madaming nagbago at ang masakit pa doon ay iniwan ako.
Inaamin ko na naging bitter na ako simula noong iwan niya ako. paano ba naman ginawa ko na nga ang lahat pero mas pinili pa rin niya akong saktan. halos nga ibigay ko sa kanya ang lahat ng sa akin pati na ang pinakaiingatan ko pero mabuti naman at hindi iyon natuloy. Ayaw ko ng ibalik pa ang mga alaala namin kaya hindi ko na sasabihin ang mga nangyari ang gusto ko lang ay malaman niyo ang mga tanong na pwedeng natanong niyo na rin sa sarili niyo.