CHAPTER-20

58 5 0
                                    

"Isa pang tawa mang Baldo, sasamain ka sa 'kin," pagbabanta ko at kunwaring pinatigas ang boses ko, ginaya ko pa nga si FPJ, e.

Napahinto siya at inambahan ako nang hampas kaya awtomatiko akong napatakip sa mukha ko, "Mang Baldo naman!" gulat na usal ko.

Matunog siyang bumuntong-hininga at napatikhim na lang, napalingon siya sa cake na binili ko kaya nginisihan ko siya.

"Uyy, gusto ng cake kahit bungi! Bumili lang ako nito mang Baldo pero hindi ka kakain," pagbibiro ko pa.

Kumunot ang noo niya. "Ano?! Sana hindi ka na lang bumili kung hindi mo pala ako papakainin ng handa mo!" galit pang sabi niya pero tinawanan ko lang siya at kunwaring napailing-iling.

Uto-uto kase 'to si mang Baldo, e. Biruin mong gusto rin pala ng cake ko tapos tinawanan ako, hehe, pagtripan ko kaya 'to? Bwahaha!

"Mang Baldo lapit ka dito," utos ko pa sa kaniya kaya nagtaka siya. "At bakit?!" singhal niya.

Sininyasan ko lang siyang lumapit sa akin habang nakangisi pa rin. Naiiling-iling niyang inilapit ang mukha niya na parang handang makinig sa sasabihin ko.

"Kase mang Baldo, kapag kinain mo 'tong cake na binili ko, may tutubo na buhok diyan sa ulo mo," bulong ko pa at itinuro 'yung cake na nasa lamesa.

Kita kong nagtaka siya kaya pinigilan ko ang sarili kong matawa, napatango-tango ako habang kinukumbinsi siya. "Oo nga, mang Baldo.. ang tawag dito, biglang buhok." bulong ko ulit.

Nagsalubong ang kilay niya at iiling-iling na napalayo sa akin, "Niloloko mo 'ata ako, e!"

Todo iling naman ako sa kaniya. "Tanga--ang ibig kong sabihin, oo nga mang Baldo! Tignan mo 'to," yumuko ako at itinuro ang ulo ko sa bandang gitna.

Inilapit niya naman ang mukha niya doon. "Oh, anong meron diyan?" tanong pa niya.

"Tignan mong maigi, mang Baldo," utos ko pa sa kaniya. Mas lumapit naman siya sa akin kahit nahihirapan na at pinilit talagang titigan ang ulo ko.

"E, ano ngang meron, Benjamin?!" Tila inip nang tanong niya.

Inusente kong itinaas ang ulo ko kaya napalayo siya sa akin, nangati pa 'yung ilong ko kaya sandaling akong nangulangot, napangiwi naman siya at agad lumayo.

"Wala lang," saad ko at pinatalsik ang kulangot ko sa kung saan. Pinapalaya ko na siya, pwede na siyang sumaya sa iba.

"Ano??!" galit na tanong niya at tumayo sabay hampas ng kamay sa lamesa.

Tatawa-tawa naman akong tumingala sa kaniya. "Pinakita ko lang sayong may buhok ako tapos ikaw, wala! Wahahaha!"

Agad akong napatayo nang kunin niya ang kahoy sa gilid at akmang papaluin ako.

"Mang Baldo n-naman, joke lang, e!" kabadong sabi ko habang nagpapaikot-ikot kami sa gilid ng lamesa. Hindi naman mabiro!

"Lumapit ka sa aking bata ka at nang matikman mo ang palo ng isang kalbo," nanggigigil pang sabi niya.

"Pst, HAHAHA!" pagtawa ko dahil sa sinabi niya pero agad ding napahinto nang maabutan niya ako at pinagpapalo.

"A-Aray! Mang Baldo, joke lang--joke lang 'yon! Arayyyyyyyy!" malakas at parang batang daing ko dahilan para wala na siyang magawa kundi huminto.

Grabe si mang Baldo, dinaig pa si papa kung makapako! Ang tanda-tanda na, ang lakas pa pumalo. Pag ito nilabanan ko, yari 'to. Joke lang!

Hinihingal siya nang umupo sa upuan niya at nagpunas ng pawis gamit ang palad niya.

PANGAKOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon