CHAPTER-27

58 5 0
                                    

ANFELISA DALTON P.O.V.

-Prinsesa-

Kasalukuyan akong nagsusuot ng sapatos ko nang biglang lumabas si mama mula sa kusina at nilapitan ako.

"Oh, bakit ang bagal mo? Mag 5:40 na oh?" takang-tanong niya at tinignan ang orasan namin na nakasabit sa dingding.

Bumuntong-hininga ako bago siya sagutin. "Wala naman 'atang klase ngayon, ma? May debate ngayon, eh. Baka manood lang kami." sagot ko.

Pagkatapos kong magsapatos ay tumayo na ako at tamad na tamad na inabot ang suklay sa gilid para suklayin ang buhok kong buhol-buhol at gulo-gulo.

Nakatayo lang si mama sa tabi ko habang pinagmamasdan ako. "Bakit hindi ka na lang um-absent ngayon? Wala naman pa lang klase?"

Nilingon ko siya habang blangko lang ang itsura. "Attendance lang habol ko do'n, ma. Wala rin naman akong balak manood ng debate, tinatamad ako." saad ko at inilapag na ang suklay sa lamesa.

Kung ako nga lang rin ang masusunod ay hindi na ako papasok, eh. Iniisip ko lang talaga si Aly dahil gusto niya daw na manood ako ng debate niya. Kinakabahan daw kase siya dahil ang kalaban niya ay si Satan.

Kung manonood man siguro ako ay ang debate na lang ni Aly ang papanoorin ko dahil baka magtampo 'yon. Grabe pa naman magtampo 'yon, hindi namamansin. Tsh.

Dinampot ko na ang bag ko na nakapatong sa upuan at tyaka sinuot.

Lumapit naman sa akin si mama at tyaka inayos ang kwelyo ng damit ko at pinagpagan ang palda kong lagpas sa tuhod ko. Ayoko kase ng maikli kaya sinabi ko kay mama na pahabaan.

Ang uniform ng SHS o Sawi High-school ay sa babae, white blouse na may ribbon na kulay green. Nakalagay din sa blouse namin ang logo ng SHS at sa palda naman ay checkered pleated skirt na kulay dark green na may pagka-light. Ang lahat ng palda ng mga babae ay kailangang hanggang tuhod o lagpas pa, bawal sa amin ang maikli. Sa lalaki naman ay, white polo na may kasamang logo ng SHS, black pants at syempre, kailangan black ang sapatos namin.

"Alis na 'ko, ma," paalam ko kay mama at naglakad na palabas.

Bago ako makalabas ng pintuan ay nagsalita muna siya. "Ingat, ha? Umuwi ka agad!" bilin pa niya.

Hindi na ako lumingon pa sa kaniya at tumango na lang sabay wagayway ng kamay ko habang palabas ng bahay.

Sinuot ko ang ear-phone ko at nagpatugtog. Nang makalabas sa gate ay sandali akong natigilan nang makita ang grupo ng maiingay na nilalang. Malas, umagang-umaga.

"Ang tagal naman ni Noah, pupunta pa tayo kay Liam, eh!"

"Shh! Ingay mo, lalabas din 'yan!"

"Bakit nga pala hindi sasabay si Joseph sa 'tin?"

"May quiz-bee sila sa ibang school diba? De-deretso na siya doon."

"Sus,"

Natigilan silang lahat nang biglang bumukas ang gate nila Noah. Nakatalikod sila sa akin kaya hindi nila ako napansin.

Nakita kong nakasimangot na naman si Noah nang lumabas ng bahay. Natigilan siya nang makita ako kaya nagtataka ang mga kaibigan niyang nilingon kung saan siya nakatingin.

PANGAKOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon