CHAPTER-55

35 0 0
                                    

LIAM MINANDRO P.O.V.

Nakakainis talaga siya kahit kailan!

Hindi ko mapigilang huwag magdabog habang ibinabalik ang notebook na binasa niya. Muli ko 'yong ipinatong kung saan iyon nakalagay at inayos pa dahil barubal 'tong tomboy na 'to, nagulo niya!

Wala na! Hindi na si Angeliana ang unang babaeng nakabasa ng first love na isinulat ko! Siya pa man din ang inaasahan kong unang makakabasa nito pero dahil lang sa tomboy na 'yon, naglaho ang lahat!

Sa tuwing nakakasama ko talaga siya, nasisira ang araw ko, eh! Lalo na kanina, muntik pa akong mapahawak dahil sa pagiging barumbado niya! Napakayabang, palibhasa tingin sa sarili walang kinakatakutan! 'Yung galawan niya kanina, akala mo hindi siya ipinanganak na babae. 'Yung mga linyahan niya at swabeng pagkilos kanina, akala mo isa siya sa bida sa action films sa TV! Ang bagra niya, kababaeng tao kung kumilos dinaig pa mga lalaki!

Aaminin kong magaling naman talaga siyang makipaglaban at oo, kaya niya naman sigurong talunin 'yung mga 'yon pero babae pa rin siya. Pwede siyang mapahawak lalo na't unang tingin pa lang sa mga nakalaban niya, mukhang mga traydor kung kumilos. May mga hawak pa ngang kahoy, diba! Tapos kung makapagyabang siya, gano'n-gano'n lang?!

Napagkamalan pa kaming may relasyon, nakakadiri! Hindi ako papatol sa babaeng dinaig pa 'ko kung gumalaw. Mas malakas pa nga sa'kin sumuntok 'yan, eh!

Hindi naman kase dapat magtatagpo ang landas naming dalawa kung hindi ako inutusan ni mama na bumili ng mga pako para sa dingding namin sa kusina na inaayos nila papa kasama ng mga kumpare niya. Nagkataong 'yung bilihan ng mga pako ay isang way lang din papunta sa court, ayon nakita ko pa siya. Naiwan ko pa 'yung nabili kong pako!

Napanood ko pa nga siya maglaro, eh. Hindi ko naman kase alam na mapapansin niya pa ako, gilid na gilid na nga ako non tapos nakita niya pa 'ko! Kung makipaglaro sa mga lalaki akala mo pareho sila ng tangkad at lakas, eh. Hindi ba siya nasasagwaan sa sarili niya? One of the boys siya palagi, pst! Ang panget kaya sa babaeng sumasama sa mga lalaki palagi!

Pero sabagay, buhay niya naman 'yan! Bakit ba ako nangengealam sa buhay niya??! Wala naman akong pake sa buong pagkatao niya!

Tapos ngayon, kailangan ko pa siyang pakisamahan dahil sa reporting namin bukas! Nakakainis!!! Bakit ba minamalas ako? Wala naman akong ginawang masama sa ibang tao, ah??!

"Hoy, tama na 'yang galit mo, magawa na tayo! Padabog-dabog ka pa diyan, ang panget mo naman!"

Napapikit ako nang madiin at pinilit ang sariling kumalma. Kahit 'yung boses niya, nakakainis!

Hindi niya ba alam kung gaano kahalaga sa akin na huwag ipabasa sa iba 'tong story ko??! Hindi niya nga pala alam dahil wala naman siyang pake sa nararamdaman ng ibang tao!

Hindi ko talaga siya kayang pakisamahan! Kung pwede ko lang siyang palayasin, ginawa ko na! Hindi naman din magagalit ang kapatid niyan sa'kin, baka matuwa pa nga 'yon at pasalamatan ako!

Nakakainis pa nito, siya pa ang kauna-unahang babaeng nakapasok sa kwarto ko! Badtrip! Pero sabagay, hindi naman 'ata siya babae!

"Hoy, Minandro!"

"Eto na! Sabi kaseng huwag pakealaman 'tong gamit ko, hindi marunong makinig!" Reklamo ko at humarap sa kaniya.

"Nasaan 'yung libro mo sa Filipino? Hahanapin ko 'yung pages na pagkokopyahan natin?" Imbis ay tanong niya. Bahagya pa akong nagtaka dahil akala ko papatulan niya ako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 04 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

PANGAKOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon