IX

57 0 0
                                    

/Ace’s POV/

          Na-miss niyo ako?

For sure hindi.  Ganyanan naman eh, alam kong di niyo ko love.

Echos.

Musta na ako? Eto maganda parin. Kontra ka, panget ka. :]

Lovelife ko? Back to zero.  Wala eh, sinagot  ni Abba ang prayer ko na mawala ang feelings k okay Rio. Basta, nawala bigla. Ewan, pero it doesn’t matter.  Besides, we’re friends naman na.  Okey na iyon.  I’m contented. Tama na yon.

Anyway, di sya ang concerned here.

Move on, ika nga. Chapter 2 na nga eh, diba?

10 days before Christmas.

Katatapos lang ng Biological Science namin, PE na ang next subject namin.

“Woah!!!”

Napalingon ako sa sumigaw na iyon.

Si Lala.

Bihira lang sumigaw itong babaeng ito, at baka may nakita itong super nag-pa-amaze.

“Hoy, ano yan?!” sita ko kay Lala. Pababa na kami ng RB, sa third floor para pumunta na sa PE class namin.

“Nakakita lang naman ng manga eh.” Si Nica ang sumagot nun.

0____0?

“Uy, anong manga yan? Pabasa!” wika ko, napukaw na ang aking imahinasyon.

“Doraemon.”

“WHAT!?!” lumaki pa lalo ang mga mata ko, yung tipong labas na ang pupil. “Waaaaaaaaaah!! Pabasa!!! Please, Please, Please!!!!!”

“Sorry, first come, first serve!” wika ni Lala at ngumiting nakakaloko.

“E di pagtapos mo, ako naman sunod, sige naaaaaaaa!!!” pangungulit ko cause i’m very fond of Doraemon, soooooooooo maaaaachhhhh!!!

“As if matapos ko agad?”

“Grabe naman ito!”

“Oo na, hintayin mong matapos ko.”

“Bakit, gaano ba yan kakapal?”

“Sus, Ace, manipis lang yun!” si Nica ang sumagot noon at ipinakita niya sa akin ang manga.

“Waaaaaaaaah!!!” hahablutin ko na sana kaso biglang iniwas ni Nica at inabot na kay Lala.

“Ang daya niyoooooo!!”

“Better luck next time Ace, hehe.” Wika ni Lala at binelatan ako.

“Am bad, nambelat pa!”

Tumawa lang silang dalawa.

“Teka, saan tayo? Covered Court?” tanong ko, nakababa na kami ng building.

“Sa NR5 muna daw tayo sabi ni Jordan, maglelecture lang naman daw muna si Ma’am Reynoso eh” sagot ni Nica.  Si Jordan yung president naming sa PE Class.

Naglakad na kami papuntang NR5.  May mga klasmeyts na kaming naroon ng dumating kami.  Mangila-ngilan nalang ang mga nasa loob ng school.  Alas singko pasado na kasi ng hapon.

Ang pangit nga ng sched namin sa PE, 5-7pm.  Kaso, yun lang ang available time ni Ma’am Reynoso sa amin kaya no choice.

“Lala, tawag ka ni Sir Rentino sa faculty.” Tawag ni Mich kay Lala habang busy sa pagbabasa ng manga.

Napaangat ako ng tingin.

“Uy, bakit daw?” ako ang nagtanong.

“May ipapagawa daw. Ewan kung ano.”

A Number Divided By Zero Part Two: The Tangent LineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon