XXII

17 0 0
                                    

"Martinez for thrrrrrrrrrrreeeeeeeeeeeeeeee!!!"

Pakihulaan, nasaan ako?

"O, aalis na kayo?" puna ko kina Lala at Mich ng tumayo sila sa bleacher at akma ng aalis ng court.

"Wala namang mapanood dito eh." pakli ni Mich.

"E anong tawag mo dito, hindi napapanood?" Sportsfest kasi ng department namin, part parin ng Math Fair.

"Naku." wika ni Lala.

@_@

"O sya, bahala kayo.  Ingat pauwi!" ano pa nga bang magagawa ko kung hindi sila fan ng basketball?

At eto, alone ang peg dito sa bleacher. Marami namang tao pero, hindi ko close. Mga lalaki pa naman karamihan.

Ano pa bang asahan, basketball yan.

Well, don't get me wrong, bihira lang sa mga babae ang mga die hard fan ng larong basketball.

AT ISA AKO SA MGA BIHIRANG IYON.

GO GINEBRA!!!! :D

"Ey, dito karin pala?" tapos tumabi na sya sa akin.

Aba, feeling close si Koya?

Sabagay, sige na, close na nga kami.

"Ay, wala ako dito." nilingon ko siya saglit, tapos lingon sa score board.  Adik tong mga scorer, halatang mga AB Math.

Wanna know why?

Yung Team A, 4^2 na ang score. Yung Team B, 2x - 10 = 30 na.  Alam niyo ba kung anong score na?

>.<

:DDDD

"Sanchez for two!!!"

"12 na yung team B!!!" sigaw ng isang nanonood, natutulog na kasi yung isang scorer.

Pinalitan na nila.

6 x 2 na yung sa score board.

Sabay kaming tumawa ni Jerson.

"Pambihira naman itong mga scorer na ito, hindi mo agad malalaman kung ano yung lumabas sa ending." at ako ay tawang-tawa parin.

"Tumataya ka nun?"

"Hoy hindi ah?!" angil ko agad.  "Pamilyar lang dun. Talamak sa lugar namin yang ending ending na yan eh."

"Eh bakit galit ka?"

"Hindi ako galit, nagpapaliwanag lang." inhale, exhale. Good girl Ace.

"Ah, ok."

At dumaan ang anghel ng katahimikan sa aming dalawa.

"ACE!!!!!"

Ano ba naman itong si Emil, kailangan talagang sumigaw?

"Aaaaannnnoooo???" bilang ganti, sigaw din ang sagot ko. Aba. Ako pa hinamon sa sigawan.

"Wag ka nga sumigaw, nabibingi yung katabi mo!" wika ni Emil ng makalapit sa amin ni Jerson.

"Nagsalita ang malumanay tumawag sa akin!" sabay hampas sa braso niya na siyang ikinaigik niya.

"Kailangan talagang manghampas?"

"Kailangan ding mamulahaw?"

"Ui, ang ingay niyo." wika ni Jerson habang nakatakip na ang dalawang kamay sa tainga niya.

"Aaaaaaaabbbbaaaaaaa!!!" sya naman ang hinampas ko sa braso.

"Aray Ace! Masakit! Aray! Aray!"

"Tinawag mo akong Ace?" napahinto ako sa panghahampas dahil sa may narinig ako na sinabi niya ang nickname ko.

A Number Divided By Zero Part Two: The Tangent LineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon