XVII

30 0 2
                                    

/Jerson's POV/

"Pakibuhat ng buzzer machine!"

"Pakiabot ng mga plakards!"

"Baka maiwan yung mga props!"

"Uy dalian niyo kaya, malelate na tayo, ala una na kaya!"

Hulaan niyo, ano ng araw ngayon at ganyan sila magpanic?

Nandito po kami sa bahay nina Nica, nag-aayos pa ng gamit para sa presentation namin mamaya. Mga natataranta dahil ala una na, at malapit na kaming malate sa Bio Sci namin. >.<

Puro sigawan na nga dito eh. Nakukulili na tenga ko.

Lahat kaming magkakagrupo, napagdesisiyunan na magkikita-kita nalang kina Nica para sabay sabay kaming pumasok.  Marami kasi kaming props, ang lalaki pa. Pahirap sa buhay naman itong mga ito.

Dalawang tricycle pa nga ang naarkila namin. Mga sampu ata kami, plus yung mga props.

Pagka-akyat ng RB 308...

"Hoy, bakit ngayon lang kayo! Muntik na kayong malate!"

"Oh? Dumating na ba si Sir?"

"Oo no, umalis lang saglit dahil kinuha niya ang class record niya. Pero magsisimula na right after niyang dumating."

"Buti nalang wala pa si Sir, kundi yari! Uy guys! Patulong na sa props!"

Yan lang ang mga narinig ko sa pagdadaldalan nina Aeizhel at Nica. Kami kasi eh pinapasok pa namin yung mga props naming life size. Asar no? Si Nica, daldal lang ang inatupag pagdating namin sa school. Wew.

Haha, nagreklamo?

Bahala sila dyan.

At dahil dyan, dumating na ang prof. namin na may dala dalang class card at laptop. Kanya-kanya namang balik sa grupo ang naging drama dito sa room.

*dug dug dug dug*

Naririnig niyo yun? Kinakabahan ako eh. Ang tindi kasi ng gagawin ko mamaya eh. Kaasar itong mga ka-grupo ko, hindi man lang ako nakapalag sa role ko. Sarap pag-uuntugin.

@_@/

Kung ano man yun, manood kayo.

:p

Nagpalabunutan na. Buti nalang at last kaming magpeperform. Wooooooooooh! Pabor! Kahihiyan lang!

Nagtayuan na yung unang magpeperform. Sina Aeizhel, second sila. Tatlong grupo lang kasi kami.

Share ko lang, masama?

Yung first group, saksakan ng comedy yung ginawa nila. Puro tawa talaga yung buong classroom, ultimo yung prof. namin, hindi nakaligtas sa paglitaw ng gilagid niya. :D :D :D

Bentang-benta kasi yung mala banana split nilang segment, with Dora the Explorer na kasama niya si Boots, boots na as in footwear, XD. Si Jordan, naging si Jimmy Neutron, pati nga yung eksena na nasa ENG 002 kami eh sinama nila. Gayang-gaya nga ng gumanap si Sir Timario eh. May composition time din sila. Laughtrip talaga!

^O^

Puro kami tawa, hanggang sa natapos silang magpresent. Pati nga yung mga nagpeperform, tawa rin sila ng tawa sa ginawa nila.

"Ok, next group after 5 mins., start to set up now." wika ng prof. namin matapos ang presentation ng group 1.  Lumabas sya ng room dahil may kukunin daw.

Sa kanya na talaga ang 'Most Makakalimutin Award'.

Hehehe. :]

Nagtayuan na yung group ni Aeizhel.  Dumiretso sila sa likod ng white board na ginawa ilang "DRESSING ROOM." XD

A Number Divided By Zero Part Two: The Tangent LineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon