XIV

34 0 0
                                    

/Ace's POV/

It's another year.

Belated nalang ah? Happy Christmas and Merry New year!! :]

Ayun, eto at pasukan na naman ulit.  Wala namang nangyari masyado noong Pasko at Bagong Taon, maliban noong nangaroling kaming mga youth ng church namin, pumunta sa bahay nina Lala para pag-usapan yung tungkol sa presentation namin sa Biological Science this month, namasko sa mga mayayaman kong pinsan, (Hehe, sensya naman, gusto ko ng gifts eh. :p) nagpraktis ng presentation namin sa Phase 7, at noong Bagong Taon, gumala kaming mag-iina sa Tondo, Bagong Barrio at Malabon, nangingain lang sa mga Tito at Tita ko, at nag window shooping kami ni Stan sa SM Fairview, umuwi ng 8pm na naglakad, lakas trip lang. c:

Walang nangyari no? :D

At kakaumpisa palang ng taon, eto't may graded recitation na kaagad kami sa Fundamentals, practical test sa P.E., walang kamatayang practise ng presentation para sa Bio Sci., activity sa FIL 002. Di naman yata kami na-miss ng mga prof. namin di ba?

Pero sa kabila ng mga iyon, may nangyayaring kahit nakaka-hagggard na, nakakagaan at nakaka-inspire paring mag-aral.

With Jerson's presence.

Simula ng nakabonding ko sya, lalo na noong Christmas Party namin, lagi na niya akong pinagtitripan.  Haharutin ako, Kukulitin, minsan naman, tutulungan niya ako sa Fundamentals, eh sa mas matalino sya sa akin, di ba?  Yung mga ganung tipo ng bonding, nakakatuwa lang, kasi hindi naman kami ganito ka-close dati.

Pero, Aeizhel parin ang tawag niya sa akin hanggang ngayon.  Ewan ko doon, ang simple lang tawagin yung 'Ace'. ?_?

Kung kukulitin niyo ko kung anong nangyari noong Christmas party, one word lang yung masasabi ko.

A Number Divided By Zero Part Two: The Tangent LineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon