X

46 0 0
                                    

Huwebes na naman.

Ang nakakatuwang araw ng pasok ko. =____=

Pagdating ko sa school, andoon na sa bleacher ng covered court ang iba kong mga classmates, alas dose y medya palang kasi, hindi pa tapos ang class ni Sir Timario sa Third year.

Ayun, kewentuhan tungkol sa final wave.  Hindi naman ako maka-relate kaya minabuti na ang manahimik sa isang tabi. Wala pa ang apat.

Pagpasok sa room...

“Happy birthday to you, Happy birthday to you, Happy birthday, Happy birthday...Happy birthday to you!!!”

Huh?

“Uy,sinong may birthday?” tanong ko kay Bobby pagkarating ko sa upuan.

“Aba’y malay ko?” sagot nito.

K.

I shrugged ng...

“Happy birthday Sir!” sigaw ng isang klasmeyt ko.

Sabay pa kaming napalingon ni Bobby.

“Birthday ni Sir!?” sabay din kaming nagsalita.

“Narinig lang nila na birthday ni Sir ngayon sa mga third year kaya yun.” Si Emil ang sumagot, tapos e tumabi na sa akin.

Kanya kanya ng batian ng ‘Happy birthday’ kay Sir Timario.  Kaya pala good mood ang prof. naming ngayon. Heha.

“Sir, ilang taon kana?” tanong pa ng isang klasmeyt ko.

“Never mind the age” sagot ni Sir at umugong ang tawanan sa loob ng room.  Lagi nalang,noong 1st day namin sa prof. na ito, tinanong namin ang first name niya, secret ang isinagot. Kung hindi pa naming tinanong sa head namin, di pa naming malalaman na Boyet Timario ang full name niya. Kaya pala, kung makatago ng identity. Ahekhek!!! ^O^

Nag-class na kami.  back to normal.  Signing on,writing ang reading the composition, nung may pagkakataon at oras pa, nag check lang kami ng vocabularies and pronunciations.  Madalang lang naming gawin to dahil minsan, nauubos namin ang tatlong oras sa composition lag, ang hahaba kasi naming gumawa nun.  Mala-speech. Section A kasi kami. ;]

Natapos ang ENG 002 namin sa joke time.  Binibiro kasi naming si Sir na mag treat, kaso tinataboy lang kami palabas ng NR1.  Wala pa daw sahod. XD

Tamang antay lang ng next subject.  Kwentuhan, pinoy henyo na epic ang pinapahula like anit, circuit breaker, pasas, bota at kung anu-ano pang mahirap ipahula.  Minsan nga, sa category ng tao, pangalan mismo ng huhula ang ipapahula.  Kung hindi naman, iyong crush ng huhula. :D

Hanggang...

“Ace, anong oras na?” tanong ni Jordan sa akin.

“Ahmmm...” tiningnan ko ang cellphone ko. “5:43”

“Uy, 1 hour late na si Prof!” sigaw ni Emil ng marinig niya iyong oras.

“UWIAN NA!!!” hiyawan ng mga classmates ko.  Yun kasi ang tinatawag na ‘One Hour Policy.’ Wag ka nang umasa na darating ang prof. mo pag lumipas na ang isang oras.

Napakunot-noo nalang ako.  Ganito ba talaga kapag magpapasko? Early vacation na ang mga Prof.? if i am not mistaken, last meeting na naming ngayong week na ito and after it, Christmas break na. 

Unahan ba kaming magbakasyon? (;/()

“Ace, samahan mo ako!”  wika ni Nica sa akin, nagpupunas ng mukha dahil kakahinge lang ng pulbo kay Nicey.

“Saan?” sabay baling kay Nicey. “Uy Nicey, penge pulbo!”

At hinagisan nga ako ni Nicey.  Nakabukas pa ang lagayan kaya ang ending, nakakain pa ako ng pulbo. :/.

A Number Divided By Zero Part Two: The Tangent LineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon