Naomi's POV:
"Is that all your things?"
Tanong saakin si Ian ng makita nya ang movers team na nag didiskarga ng mga gamit ko. Tumango lang ako sakanya.
"That's a truck load of equipments. Wala ka bang mga damit?"
I asked for a 1 whole room to be my personal working place since I cannot work on "our" bedroom. Maiistorbo ko lang sya at ayoko rin ng istorbo kapag nag ta-trabaho ako.
"Meron. Isang maleta lang."
"Bakit isang maleta lang ang dinala mo?"
"Kasi yan lang naman mga damit na meron ako." He look at me with confusion. I can't blame him.
"Bakit may mga music equipment. Akala ko ba graphic artist ka?"
"Composer din ako. Pwede bang mamaya ka nalang mag tanong?..Mag aayos pa ako."
"Tatawagin ko si Nanay Tess para tulungan ka."
Few hours ago, we held our civil wedding. Mabilis lang, walang masyadong hasel. Hindi sana ako papayag sa proposal ni Roy kaso may "deal" kasi kami. Okay naman si Ian. Mabait sya sa totoo lang. Wala namang masama kung tutulungan ko sya sa goal nya. Deserve nya naman yun. Hindi ko nga lang sya personal na kialala. In fact, hindi ko talaga sya kilala. Rich people are so damn complicated.
Ngayon, nandito na ako sa bahay nya. Very elegant and neat sub-urban house. I think I'll like it here. Tahimik lang at malayo sa maingay na lungsod. Malaki ang bahay nya at ang front & back yard. Highlight dito ang kanyang napaka laking pool area. Si Nanay Tess ang head maid nya. Sabi ni Ian, yaya nya ito nung bata pa sya. Tatlo ang katulong nya dito sa bahay at may isang family driver. Wala syang guards dahil isa itong malaking luxury subdivision. Nasa main gate ang mga security personnel.
Mabilis naming na set-up ang working area ko. My work station is impressive he said. Wacom Cintiq plus double monitor. May separate system unit din ako, gaming keyboards and speakers for sounds. Mawala na ang lahat wag lang ang work station ko na ito. Hmp!
Medyo naiilang din ako kay Ian. Bukod sa epic na tagpo namin sa elevator, bakit ba kasi ang gwapo nya? God, I need to stop this stupid fetish of mine but older guys in a suit, is the best. Plus points pa dahil big boss. isa kang malaking death threat Ian Lee! I really like your face and your body.
"Sir, mag hahanda na kami ng dinner sa baba."
"Sige po Nanay."
"Your people are nice. So... saan ba ako?..Left side or right side?..pero pwede bang sa left side ako? gumugulong kasi ako minsan eh." Tinatanong ko sya saaming sleeping positions.
"No. sa right ka. Gusto ko madali akong makakapag lakad papuntang bathroom."
*siiiggghhhhhh* "Fine. Bahala ka."
"Don't worry, wala naman akong balak sayo. Safe na safe ka." *smirks*
"Ikaw wala ako meron...uwuuuuuu!...charot lang." Sabay finger heart sakanya. Hehehehe... Nakakatawa ang reaction nya. HAHAHAHA!
"Heh!..So this is how it's gonna be...*smirks* ..by the way.."
Kinuha nya ang wallet nya at may dinukot syang card.
"..This is yours. (Debit Card) Dito papasok ang monthly allowance mo plus may monthly fund ka to spend on anything that you want. For now, I want you to fill up your walk in closet like my walk in closet. Okay?"
Sa totoo lang, hindi ko kailangan ng pera nya. Kukunin ko ang card at itatago ko nalang ito. Siguro for emergency use only ko nalang sya. Hindi din naman ako masyadong lumalabas so, hindi ko rin ito magagamit.
BINABASA MO ANG
In Love with You
RomansaA short story... Language: Tagalog - English Ian is a 35 years old multimillionaire heir that is in desperate need of a wife just to claim his father's Last Will and Testament. Along with his goals, he then realized that he is a lonely man that need...