Unang araw ng pasukan ngayon, andito ako sa quadrangle upang hintayin si Athena. Ang sabi niya sa text niya kanina ay otw na raw siya, malamang 'on the water' sa tagal ko na siyang kasama sanay na akong lagi siyang late sa usapan.
Maya-maya pa ay natanaw ko na siyang papalapit sa gawi ko. Kakaway-kaway pa ito at nagtatakbo papalapit sa akin.
"Sorry late hehe""Kelan ba hindi?"
"Sungit naman nito."
"Hayy tara na nga hahanapin ko pa kung saan ang una kong klase ehh." Naglalakad na kami paalis ngunit bago pa man kami makalayo ay biglang may mga babaeng nagsisigawan sa may quadrangle, nilingon namin ito ngunit puro babaeng nagkakagulo lang naman ang nakita namin kaya pinili na naming magpatuloy sa paglalakad.
Natapos ang aming klase at sabay kaming bumaba ni Athena para kumain. Namangha ako sa cafeteria nila sapagkat doble ang laki nito kumpara sa cafeteria ng dati naming pinapasukan. Nauna na akong humanap ng mauupuan at si Athena naman ay pumila na upang bumili ng makakain.
Dahil sa may malaking salamin ang napili kong pwesto, kitang-kita ang mga estudyanteng nakatambay sa labas at mga naglalaro sa soccer field. Sa labas ng cafeteria ay may mga puno na may mga lamesa at upuan sa ilalim nito. Muli ko pang pinasadahan ng tingin ang paligid hanggang sa maagaw ang atensyon ko ng grupo ng mga kalalakihan, hindi ko man sila naririnig ngunit sigurado akong kumakanta sila dahil ang isa sa kanila ay may hawak at tumutugtog ng gitara. Nakapaligid sa kanila ang mga babaeng wari mo'y nadadarang sa boses ng kanilang nasa harapan."Totoo pala yung mga ganyan 'no." Maya-maya'y sabi ni Athena na nakaupo na sa aking harapan at inaayos ang pagkaing kaniyang inorder. "Akala ko sa mga palabas sa tv at libro lang nangyayari ang mga ganyan." Pagpapatuloy niya. Nagtataka ko naman siyang tiningnan.
"Huh? Alin?"
"Iyan" sabay turo sa grupo ng kalalakihan na tinitingnan ko kanina. "Akala ko kasi hindi totoo yung mga oa na estudyante na grabeng makapag-fangirl sa isang sikat na boy group sa kanilang school."
"Well, hindi naman siguro iyon maiiwasan, sa nakikita ko may mga itsura ang grupo ng mga lalakihang 'yun."
"Sabagay, dagdag na lang kung maganda talaga ang boses nila. Teka kanina mo pa tinititigan ang mga iyon, may crush ka ba sa isa sa mga yan? Nakamove on ka na?" Tatawa-tawa pa niyang tanong, nang-aasar.
"Kumain ka na nga lang diyan." Sagot ko upang matapos na ang walang kwentang topic na gustong umpisahan ni Athena. Agad naming tinapos ang pagkain at agad na bumalik sa classroom bago pa man mag time.
...
Two days na ang nakalilipas simula ng mag pasukan. Nauna ng bumaba papuntang cafeteria si Athena. Andito ako ngayon sa may locker ko para iayos ang gamit ko since nag-announce ang isang student council na magtitipon-tipon daw ang mga estudyante sa quadrangle, ibig sabihin noon matagal pa ang susunod kong klase.
Panay ang tawag sa akin ni Athena dahil kanina pa raw siya nakaorder at mukha raw siya dung heart broken na nags-stress eating sa gilid kaya bilisan ko na raw.
Nang matapos ko ang pag-aayos ay agad akong tumayo at akma na sanang aalis. Ngunit nagulat ako ng biglang bumukas ang pinto ng locker na katabi ko at napahampas ito sa mukha ko!"Aarghh ARAY!"
Napaupo ako sa sahig sapo ang aking noo. Bahagya pa akong nahilo dahil doon.
Naramdaman kong may lumapit sa akin at hinawakan ang aking kamay na nakaharang sa aking mukha. Hindi ko pa rin maimulat ang aking mata.