Chapter 3

3 0 0
                                    

"Hi Conrad!"    Bati ni Yna sa kadadaan lang na binata. Agad din naman itong ngumiti at kumaway sa kanila. Mula ng mangyari ang aksidente noong nakaraang linggo ay napapadalas na rin ang pagkikita namin lalo na kapag nanduon kami sa gazeebo. Napaka approachable at friendly naman ni Conrad kaya nadagdagan na ang crush ko sa kaniya, 12% na!

"Magtigil ka nga diyan Yna! Di ka ba nahihiya sa tao?"    Pag saway ko sa kaibigan.

"Mabait naman kasi si Conrad no, hindi pa snob!"    Inirapan ko na lamang siya at hinayaan sa trip niya sa buhay.

"Hi girls!"    Nabibigla akong napatingin sa nagsalita! Hindi ko inaasahang babalik siya at lalapit sa amin!

"Anong chika natin d'yan Conrad?"     Tatawa-tawa lang naman si Conrad at bumaling sa kaniya.

"Hi Beatrice!"   Ngiting-ngiti ito sa kanya. Agad naman akong nag-iwas ng tingin dahil alam kong nag b-blush ako! Kainez! Act normal! Act normal!

"H-hi Conrad! A-anong kailangan mo?"     Shit! Gaga! Bakit ka nags-stutter!!! Halos batukan ko ang aking sarili dahil hindi ko na nga matingnan ng ayos si Conrad, hindi pa ako makapagsalita ng ayos!

"Cute."    Lalo akong napayuko dahil kahit bulong lang niya ito ay naririnig ko siya!   "By the way, may free time ba kayo? I just want to invite you two. Baka gusto niyong tumambay with me. Ipapakilala ko rin kayo sa mga friends ko."    Napaangat ako ng tingin dahil sa sinabi niya. Kami? Tatambay kasama niya? Sigurado ba siya?

"Eh k-kasi Conrad—"

"Sure! We'll be there! Sabihin mo lang samin ang location, wala namang pasok bukas eh."    Pinandilatan ko si Yna. Ano bang sinasabi nito? Yari ako kay nanay!
Ngunit hindi ito nagpa-apekto at lumapit pa talaga kay Conrad para ibigay ang numero nito at itext lang siya para sa location! Gaga talaga!

"Ano yun?!"    Maya-maya'y tanong ko sa kaibigan nang makalayo na si Conrad.

"Tatambay lang naman tayo ghorl."    Para bang isang simpleng bagay lang iyon at hindi dapat inaalala. "Tsaka ayaw mo nun? Mas makikilala mo pa si Conrad, malay mo type ka pala nun kaya ganyan ang turing satin."  Inirapan ko lang siya.

"Alam mo naman ang nanay ko! Yare ako dun!"     Hindi naman ganun ka strict si nanay, pero may mga oras na hindi lang talaga niya ako pinapayagan. Lalo na pag gabi! Ang gusto niya ay nasa bahay na ako ng mga oras na iyon.

"Wag ka ngang praning! Akong bahala kay ate Len. Yakang-yaka ko yan."    Palibhasay kilalang-kilala na siya ni nanay kaya madalas pinapayagan ako basta siya ang kasama.

...

First time ko makapunta sa ganitong lugar. Nasa labas pa lamang ay rinig na namin ang malakas na tugtugan na nagmumula sa loob. Agad naming nakita si Conrad na mukhang kanina pa kami hinihintay. Nakangiti niya kaming sinalubong.

"Akala ko hindi na kayo dadating!"   Mabilis siyang lumapit sa amin at nakipagbeso. Napasinghap ako dahil hindi ko inaasahan na gagawin niya iyon.

"Traffic lang hehe"    sinamahan na niya kami papasok. May ilang pamilyar na mukha akong nakikita, sigurado akong schoolmates ko ang mga ito. Nakarating kami sa second floor, dinala kami ni Conrad sa isang table kung saan mayroon ng mga nag-iinuman. Pinakilala niya kami sa kaniyang mga kasama, puro ngiti lang ang ginaganti ko sa kanila dahil hindi ko rin naman natatandaan ang kanilang mga pangalan. Tinanguan lang kami ni Lance na prenteng nakaupo sa couch, kilala ko na siya dahil kaklase ko siya sa ilan naming subject.

All He Ever NeedWhere stories live. Discover now