"Beatrice!!! WHAAAAAAAAAAAAAA HINDI KO KAYAAAAAAAA, GUSTO KO KASAMA KITA DUNNNNNNN"
Halos marinde ako sa bunganga ni Yna dahil kanina pa siyang ganito. Kasalukuyan ko siyang tinutulungang mag-impake dahil ngayong linggo ay aalis na rin ito. Bumingo na kasi ito sa tatay niya. Napag-alaman namin na sinumbong pala siya ng kaniyang mga pinsan at tiyahin dahil may mga araw na hindi ito umuuwi ng bahay at nakitang pumunta kami ng bar. Sinubukang magpaliwanag ni Yna na sa tuwing wala siya sa bahay ay sa amin siya natutulog, ngunit hindi ko naman masisisi ang tatay niya kung wala itong tiwala sa akin dahil hindi naman niya ako kilala at hindi rin nakikita sa personal. Actually, dapat pagkagraduate pa lamang nito ng senior high school ay kukunin na siya ng kaniyang ama, nguit nangulit ito na dito na lamang siya, kapalit nito ay magpapakabait daw siya. Ngunit sadya sigurong hindi mapapanatag ang kaniyang ama lalo pa't wala na ang kaniyang lola na siyang nag-aalaga sa kaniya noon. Ngayon ay may ilang araw na lang siya upang makapag-drop sa school namin. Itutuloy nito ang kaniyang pag-aaral sa ibang bansa.
"wag ka na ngang maarte, may snow dun!" Pagsusubok kong pagaanin ang nararamdaman niya, ngunit hindi pa rin maipinta ang mukha nito. Kahit ako naman ay nalulungkot dahil aalis na ang nag-iisang kaibigan ko.
"Ayoko pa rin! Mas gusto ko dito!" Natigilan ako ng mapansing naluluha na ito, sa aming dalawa ay siya ang pinaka hindi iyakin, kaya nakakadala kapag siya na ang umiyak.
"Kayang-kaya mo namang maka-survive dun! Sa ating dalawa ikaw ang mas malakas at mas independent."
"Alam ko." Natawa ako, tingnan mo itong gagang ito napakayabang talaga.
"Alam kong kaya ko, pero paano ka?" Bahagya akong natigilan sa sinabi niya, nakatingin lang ito sa akin at kitang-kita ang lungkot sa mga mata. Tama siya, paano ako? sa aming dalawa ay talagang ako ang maninibago ng husto, hindi kami ganoong ka-close ng ate ko kaya si Yna ang pinaka ate figure ko, kahit madalas kami magbardagulan siya ang laging tumitingin, nagmamalasakit, at nag-aalaga sa'kin. Hanggang ngayon ako pa rin pala ang iniisip niya.
Ngumiti ako sa kaniya at tuluyan siyang niyakap."Kaya ko, promise."
...
Maaga-aga akong pumasok, medyo inaantok pa ako dahil puyat ako dahil ginabi na kong naka-uwi kahapon. Hinatid ko kasi si Yna sa airport, ako lang daw ang gusto niyang makita bago umalis dahil baka masumbing niya raw ang mga tiyahin at pinsan nito. Hindi pa ito nagcha-chat mula kagabi kaya marahil nasa byahe pa rin ito ngayon. Pagkapasok ko sa room namin ay agad kong nabungaran si Lance na prenteng naka-upo sa teachers desk, medyo maaga pa talaga dahil tatlo pa lamang kaming andito. Kunot noo naman itong tumingin sa akin sabay tingin sa likuran ko, marahil hinahanap si Yna, sabagay kataka-taka naman nga na hindi kami magkabuntot ngayon. Dumiretso na ako sa upuan upang matulog pa dahil maaga pa naman.
Maya-maya'y may kumalabit sa akin, pagtunghay ko ay nakangiti sa akin si Lisa at pasimpleng tinuro si sir Ibañez na nag-aattendance sa una.
"Ms. Guevara, Upon checking the attendance si Ms. Silverio lang ang absent sa klase ko today, may I know if may idea ka kung bakit wala siya?"
"Nag drop na po siya sir." kaswal na sagot ko sa guro sa unahan, agad ko namang napansin ang agresibong paglingon ni Lance, para ba itong gulat na gulat sa narinig. 'Tsk noong nahalikan ata ito ni Yna nahawaan ng pagiging oa.'