Naka-upo ako ngayon sa gazeebo at si Yna naman ay nasa cafeteria upang bumili ng pagkain. Bihira na lang kaming tumambay doon, siguro kapag maikli lang ang break namin pero pag marami naman kaming oras ay sa gazeebo naman kami dumederetso. Ngayon nga lang ay dito ako dumeretso dahil ako ang dumaan sa locker namin para ilagay ang gamit namin samantalang si Yna naman ang dumeretso sa cafeteria para bumili.
Ilang araw na rin ang nakakaraan simula nung lumabas kami kasama sila Conrad. Magaling talaga itong si Yna dahil nung pumasok kami sa klase kung saan kaklase namin si Lance ay parang wala lang nangyare. Pero nung lumabas na kami ay panay ang hampas nito sa akin dahil gustong-gusto na raw niyang lamunin ng lupa dahil sa tindi ng titig ni Lance. Pero hindi naman halata yun sa kaniya kanina. Hindi na rin ganun kadalas ang pagkikita namin nina Conrad dahil iniiwasan namin siya at si Yna ay panay ang irap sa tuwing magkikita ang dalawa. Paminsan-minsan ay bigla na lang sumusulpot si Conrad at kinukumbinsi ako sa napakawalang kwenta niyang dare katulad na lang ngayon.
"Pumayag ka na Bea. Madali lang naman ang gagawin mo eh please." Kung dati siguro ay mamula-mula at hindi pa ako makatingin sa kaniya ngunit ngayon ay hindi na, nawalan na ako ng amor sa gagong ito.
"I'm sorry Conrad pero hindi ko talaga gagawin yan. Umalis ka na at baka maabutan ka pa ni Yna, alam mo namang mainit ang dugo nun sa'yo." Bakit ba ang tagal ni Yna?!
"Hindi naman talaga yun ang dare ko dapat sa'yo eh, binibiro lang kita tas bigla ka namang nag no agad, hindi mo man lang inantay na sabihin kong joke kaya napasubo tuloy ako sa mga kasama ko, ngayon kinakantyawan na nila ako! Tsaka Totoo naman na kapag nagawa mo iyon ay id-date kita ehh libre ko kahit saan promise!" Nakapout pa ito at parang bata kung magpaliwanag, cute na sana kaya lang nakakakulo pa rin ng dugo ang pagmumukha.
"Hindi talaga Conrad, sorry." Itinuon ko ang mata sa cellphone at ipinagpatuloy ang pagbabasa ng wattpad. Ang epal naman kasi ni Conrad ang ganda-ganda na ng binabasa ko, bakbakan na eh! Naramdaman kong umalis na siya sa may gilid ko at saktong dating naman ni Yna.
"Oh? Anong ginagawa nung hakdog na yun dito?!"
"Wala, nangungulit"
"Tss talagang gagawin ang lahat wag lang mapahiya sa barkada huh tss" kinuha ko na lang ang binili ni Yna at nagsimulang kumain. Itinigil ko muna ang pagbabasa dahil hindi naman tumitigil sa kwento nya si Yna. Napunta na kami sa iba't-ibang topic hanggang sa marinig kong mag ring ang cellphone ko.
"Hello Nay?"
["Hello Bea? Si Munding ito."]
"Oh aling Munding bakit ho? Nasaan ho si Nanay?" Nagtataka kong tanong kay Aling Munding. Siya ay kumare ni nanay na katabi niya sa puwesto sa may palengke.
[Naku! Bea pumunta ka dito sa hospital! Andito ang nanay mo!]
"Ho? Ano hong ginagawa ni nanay sa hospital?" Napatayo na ako pati na rin si Yna na punong-puno pa ang bibig ng kinakain nyang burger.
"Anong nangyare ghorl?"
"Sige po pupunta na po ako dyan." Dali-dali kong niligpit ang aking gamit.
"Bakit anong nangyari? San ka pupunta? Sinong nasa ospital?" Hindi ko na sinagot ang mga tanong ni Yna dahil kahit ako'y hindi alam kung anong nangyayare.