Ang buhay ay isang sugal, walang kasiguraduhan. Hindi mo alam kung kailan ka mananalo at kailan ka matatalo, ang kailangan mo lamang ay tumaya at hayaang ang tadhana ang magpasiya sa kung anong hatol sa iyong kapalaran.
Matapang ang isa na kaya nitong muling tumayo at umahon mula sa pagkakalugmok. Kaya nitong magpatuloy sa buhay kahit na siya ay mag-isa, ngunit paano naman ang isa pa? Paano kung nakadepende na ang kaniyang kasiyahan sa kaniyang sinisinta? Nasa kaniya na ang lahat ngunit parang kulang pa rin, parang hindi pa rin siya kontento. What if all he ever need is not the material things he has but her. All he ever need is her.
Ngunit sa paglalakbay nito ay labis-labis na sakit na ang kaniyang naranasan. Sa muli nilang pagkikita, magtitiwala pa rin ba siya sa plano ng tadhana? O iiwas na lamang upang hindi na maulit ang nangyari sa nakaraan?