Umakyat na ako sa entablado nung tinawag ang pangalan ko.
"Magandang hapon sa lahat."
Natapos ang palakpakan, at sabay na umupo ang mga manunuod. Ngumiti muna ako bago nagpatuloy.
"Batid ko na masaya ang lahat sa araw na ito. Apat na tao ang ginugol niyo sa paaralang 'to, apat na taon kayong pumila tuwing pasukan. Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat ang hirap na dinanas niyo tuwing enrollment period. Pila dito at doon, siksik kung siksik, di'ba? Ang iba pa nga'y nagkaroon ng karanasan makipagsagutan dahil lamang dun.”
Nagtawanan ang mga estudyante, marahil ay naranasan nila. Tinuro ko ang lumang opisina malapit sa venue ng programa ngayong hapon.
"Alala ko noon, dyan sa mismong tapat ng Cashier’s Office nasira ang sapatos ko. Ang sapatos na yon ang kaisa-isang sapatos na binili ni ate sa unang sweldo nya. Iniyakan ko yon kasi paano nalang ang pag-uwi ko? Umiyak ako habang pumipila para bayaran ang tuition ko. Mas umiyak pa ako nung nakulangan ng limang piso ang pangbayad ko. Sobrang hirap kasi ng buhay namin noon. Kaya ni piso, laking bagay na sakin. Buti nalang mabait ang staff dito at naintindihan nya ang sitwasyon ko. Shoutout pala sayo in heaven Mrs. Villegas."
Narinig ko ang hiyaw galing sa staffs ng Registrar and Cashier’s Office.
"Madaling araw palang nun, nakatayo na ako sa entrance ng paaralang 'to. Nakauwi ako ng ala-singko ng hapon. Natapos ko ang proseso sa enrollment ng isang araw lang. At doon nagsimula ang college journey ko. Kagaya niyo, nagkaroon din ako ng mga terror na propesor. Ngunit lalo akong nagpursige. Sa paaralang ‘to ko rin natutunang kahit salat ka man sa materyal na bagay basta magpursige ka lang, magtiwala sa sarili at sa Panginoon, lahat makakaya mo. "
Huminto muna ako at tinignan bawat isa sa aking harapan. Hanggang tumigil sa isang pamilyar na tao. Nakatingin lang siya sakin ng may blangkong ekspresyon. Ma'am.
Ilang segundo ata akong natutulala. Lumipat ang tingin niya sa presidente ng paaralan kaya’t nagpatuloy ako.
Natapos din ang mahabang mensahe ko sa lahat ng mag-aaral. Tumayo ulit sila at pumalakpak. Tinanggap ko ang plaque at nagpost para sa group picture kasama ang presidente, bise president, at ibang admins.
Habang naglalakad pabalik sa upuan ko, tinignan ko kung saan ko siya nakita kanina kaso bakante na ang upuang yon.
Hindi pa ako handa para harapin siya pero wala namang ibang panahon para dun.
Pagkatapos ng graduation ceremony, hinanap ko siya. Marami pa akong nakasalubong na staff at maging estudyante bago ko siya nakitang nagmamadaling ligpitin ang gamit niya. Subalit alam kong naramdaman n’ya na may tao sa labas kaya bumagal ang paglagay niya ng aklat sa isang bag.
Tinignan niya muna ako bago nagbuntong-hininga. Para saan yan, ma'am? Ayaw mo na ba akong makita? Mga tanong sa aking isipan.
"Good afternoon, Ms. Rocamora. Have a sit." Pormal niyang saad bago umupo.
Nilibot ko muna ng tingin ang buong silid niya bago nagsalita.
"Salamat." Tipid lang siyang ngumiti.
"What do you want? Coffee, tea, or juice?" Masyado na bang huli ang lahat? Parang ang layo na niya sa taong kilala ko.
"Okay lang kahit tubig." Tinignan niya muna ako bago tumayo at tahimik na naglakad sa kabilang parte ng silid. May mahal ka na bang iba? Tanong na gusto kong marinig niya pero iba ang lumabas sa aking bibig.
"Kumusta ka na?" Umigting ang kanyang panga bago nagsalita.
"I'm fine. Ikaw, kumusta?" Tanong niya habang binibigay sa'king harapan ang baso na may lamang malamig na tubig.
BINABASA MO ANG
Calling Your Name
RomanceI called your name twice, thrice ................ you didn't even answer the fourth time. I'm on the losing end of falling; will you be able to save me? Baby, I need you now.