Chapter 5

86 8 3
                                    

"Please. Let's stay like this for a minute." Napapaos niyang saad. I wanna stay like this forever, ma'am. Humigpit ang yakap niya sakin na para bang anytime mawawala ako. Hindi nalang ako umangal.

Ilang minuto ang nakalipas at naramdaman ko nalang ang mga luha niya sa leeg ko. Ma'am? Nang kumilos ako para harapin siya, niluwagan niya ang pagkakayakap sa'kin.

Tila naitulos ako sa kinatatayuan ko nang makita ang pagod at malungkot nyang mga matang direktang nakatingin sa akin. After six years, ma'am, 'wag mo sabihing nandiyan pa rin?

Umayos naman siya ng tayo, at tumingin pa sa taas bago pinunasan ang kaniyang mga luha gamit ang dalawa niyang kamay.

"I'm sorry." Panandalian siyang huminto, at nalilito sa kung anong idudugtong.

"Bakit ka nag-sosorry?" Saad ko habang hinahawakan ang isang kamay nya para gabayan siya sa may sofa. Mas mabuting mag-usap ng nakaupo, ma'am. Mahigpit ang hawak ko sa kamay nya habang siya'y nagpapaubaya lang. Nang makaupo na'y nakita kong kumilos si Fourth pero bumalik naman sa pagtulog. Kaya tinanggal ko ang pagkakahawak sa kaniya at pinuntahan si Fourth.

Binuhat ko na muna siya para dalhin at ilagay sa kama ko.

"Ma'am, dyan ka lang muna. Ilalagay ko lang si Fourth sa kwarto. Mag-usap tayo pagbalik ko." Mahinahon kong saad. Tumango naman siya bago sumandal sa sofa at pumikit. Hays. Baka dito na 'to magpalipas ng madaling araw? Oh parang di ka naman sanay, Gracía? Pinilig ko nalang ang ulo ko. 

Nang mailagay na si Fourth ay bumalik na ako. Akala ko nakatulog na siya ng tuluyan ngunit, pinilit niyang minulat ang mga mata niya ng makalapit na ako. Umayos naman siya ng upo kalaunan. 

Nasa may pinakadulo ako ng sofa, habang siya naman ay nasa gitna.

Tumikhim muna ako bago nagsalita.

"Pano mo nalaman ang eksakto kong address?" Nagtatakang tanong ko.

"I asked Gianne kanina." Right. Baka noong pauwi na sina ate.

Tumango lamang ako ng 'di siya tinitignan. Naramdaman ko naman ang mga titig n'ya kaya nagbuntong hininga ako. Pang-ilang buntong hininga ko na ba ito sa araw na 'to?

"I asked Gianne, though I actually waited outside J. Seasons kung dadaan ba kayo. Luckily after hours of waiting, I saw Gianne's car." Pag-aamin niya.

"Lasing kang nagdrive? Alam ba ito ni president?" Naiinis kong wika.

"No, I went home, but I came back to wait. I bought beers at a convenience store near J.Seasons. I only drink those beers in my car while waiting." Narinig ko ang pagalaw ng sofa hudyat na lalapit siya. Akala ko ay yayakap ulit pero lumuhod na siya sa harapan ko at hinawakan ang dalawa kong kamay.

"See? I waited, Grace." Makahulugan niyang saad.

"I've come to ask you few questions. I assume you have moved on already, but I need to be selfish just tonight. What was the real reason for our break up six years ago? Was it because of my job? You hinted that it would be nice if I were a worker outside the academe...was it because of my job? Ni ayaw mo tayong makita sa public. Ayaw mong malaman ng friends mo ang relasyon natin. You even denied me in front of my father. Ayaw mo ba sa trabaho ko? O ayaw mo na sa relasyon na meron tayo noon? " Nagsusumamo niyang tanong, umaasa na hindi totoo.

Tumingin ako sa kaniyang mga mata bago sumagot.

"No. Hindi dahil sa trabaho mo, ma'am. Ako yung may problema noon, okay? Hindi ko kayang pagsabayin ang pag-aaral at relasyon natin. I am also working that time kaya baka unfair sayo na wala na akong masyadong time para sa'tin. I chose the easy way." Sinabayan ko ng pagkibit ng balikat. Easy way my ass.  Kasinungalingan!

Tumayo siya at tumalikod. Malulutong na mura pa ang pinakawalan niya bago humarap sakin.

"Bullshit! I know you, Grace. Those were lame reasons. Maayos tayo eh. Maayos tayo noong hinatid kita sa inyo ng gabing 'yon. Masaya tayo! Pero kinaumagahan hindi ka na nagtext, wala ka ng paramdam. I was furious...I was furious because I couldn't find you on campus. You did not even bother to text or call. Gabi ka na nag-text na mag-asap tayo. Tapos yon na. Nakipagbreak ka na. Do you really think na paniniwalaan ko yang rason mo? No!" I can't believe naalala pa niya yon.

"Hinayaan kita kasi akala ko makakapag-usap pa tayo after non. Na baka sobrang dami mong problema at ayaw ko ng makadagdag. I was wrong, alright! You changed your phone number, you were no longer living in West Heights, and I can't contact Gianne. I even requested your school records just to know your schedules but iniiwasan mo ako. I know iniiwasan mo ako! Every time na nakikita mo ako, nagtatago or tumatakbo ka. Did I hurt you while we were together? Do you think I deserve those actions from you? Miss, when I said I loved you, totoo 'yon. Natakot ba kita? Nasakal ka ba sa relasyon natin? Nandiri ka ba? Ano?" No. Panindigan mo ang kasinungalingan mo Gracía. Tnagina. I can't.

" During your graduation, I went to Gianne to asked if I could talk to you. She said yes but hindi na ako nakabalik sa venue." Nag-aalangang wika niya. Tinititigan ko naman siya pero galit siyang nag-iwas ng tingin.

"Ano? Wala ka don. 'Wag kang magsinungaling."

"I was there watching you from a far. I had planned to give you my gift at that time, but as I was opening my car, someone hit me in the back with a baseball bat. It took me months to recover." Mahinang anas niya habang nakikita ang paglaki ng mata ko.

"Nakakatawa lang na sa lahat ng nangyari, iniisip ko parin na ikaw yung una kong makikita pagising. Akala ko alam mo but your reaction shows otherwise. Here, I thought, wala ka na talagang pake sakin." Tumatawa siya habang naiiling.

Kaya mabilis na umalis si president dahil sa kaniya? Kaya rin may mga pulis at ambulansya noon sa parking lot?

"Hindi ko alam. I'm sorry." Naiiyak ko ng wika. Sobrang guilty ang nararamdaman ko ngayon. Tiniis kong hindi siya makita o makausap dahil ayaw kong kumalat ang video na makasisira sa imahe niya.

Niyakap niya naman ako habang hinahalikan ang noo ko.

"I'm fine now." May mga sinasabi pa siyang assurance na okay siya pero nauunahan na ako ng emosyon. Kung sana sinabi ko sa kaniya ang problema. 

Tinulak ko siya at tumayo. Nangyari na ang nangyari Gracía. Bakit pa ako magsisinungaling sa kaniya.

"I'm sorry, ma'am. Nagsinungaling ako." Paunang wika ko habang siyay nakakunot ang noong nakatingala sa akin.

"What do you mean?"

"May nag-send sa akin ng video natin ng gabing yon."

"What video?"

"Naghahalikan tayo sa loob ng sasakyan mo sa campus. Natakot ako non kasi pano nalang ang trabaho mo. Sinabi ng taong nag-send sa akin ng video na 'yon na kung hindi kita lulubayan, magfa-file siya ng complaint laban sayo sa Vice-President for Academic Affairs at ipapakalat niya ang video. Sa takot ko na matanggal ka at mawalan ng lisensya, ginawa ko ang sinabi nya. Hindi mo ako nasaktan, okay? Hindi mo rin deserve yung inasta ko after. Takot lang ako na mapahamak o matanggal ka sa trabaho kaya ginawa ko yon. I'm sorry kasi... kasi nasaktan kita." Pag-aamin ko habang nakatungong umiiyak. 

Ayaw ko ng magsinungaling. Ayaw kong isipin niya na hindi ko siya minahal. 

Calling Your NameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon